Nakayuko ako ngayon habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga ka-klase ko tungkol daw sa may ari ng University.
"Sobrang gwapo niya talaga" kinikilig na sabi ng isa kong ka-klase, kaibigan ito ni Yana.
"I know right" arteng saad ni Yana, "pero bakit bigla siyang umalis?" nagtatakang tanong niya.
Napatingin naman ako sa gilid ko nang may tumawag sa pangalan ko.
"Calista, bakit wala ka sa auditorium kanina?" tanong ni Lovely.
"Pumunta ako ng library dahil may kinuha ako" kimeng saad ko sa kaniya, tumango naman siya at nagtanong ulit sa akin.
"Nakita mo ba ang may ari ng University?" tanong niya ulit sa akin, inilingan ko ito.
"Sino ba ang may ari?" I asked her with a frown.
"Omg Calista ha, ikaw lang ata ang hindi nakakilala sa sobrang gwapo, sobrang hot at sobrang yaman na si Travis Gage Caddel" nakangiting saad niya na parang kinikilig, napatango nalang ako sa sinabi niya.
Hindi ko rin naman kasi kilala ang sinasabi niya e, kaya tahimik nalang ako habang nakikinig sa kaniya habang kinakausap niya ako tungkol sa may ari ng University.
"Hindi mo ba siya nakikita sa internet? Ang pogi niya sa internet pero sobrang pogi niya sa personal" she asked me habang kinikilig pa rin.
"No" maikling saad ko sa kaniya, kinuha kiya ang phone niya sa bag tapos may pinakita siya sa akin.
Nanginig naman ako dahil sa litratong pinakita niya sa akin, siya 'yong lalaki kanina sa library l mentally shut my eyes dahil sa nakita.
"Grabe, ang pogi diba?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman masyado" saad ko sa kaniya, tiningnan niya naman ako ng hindi makapaniwala.
"Ano ka ba Calista, ang perfect niya na nga e" maluha-luhang saad niya sa akin habang pinupunasan ang pekeng luha niya. Napailing nalang ako dahil sa ginawa niya.
Kakatapos lang ng trabaho ko kaya naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay, I feel that someone is following me akmang tatakbo na ako dahil nanginginig na ako sa takot nang mau biglang humigit sa akin at tinakpan ang ilong ko. Nagpupumiglas ako para makawala sa bisig niya but I felt dizzy dahil sa panyong tinakip niya sa aking ilong.
And everything went black.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha kinusot ko ang aking mga mata at mabilis akong naupo sa kama dahil naalala ko ang nangayari sa akin, nilibot ko ang aking mga mata para suriin kung nasaan ako isa itong malaking silid kulay itim at gray ang kulay ng silid, mayroon ding isang malaking king size bed na inuupuan ko ngayon. Maraming mamahaling gamit ang nakikita ko ngayon sa silid na ito na parang magmamay-ari ng isang milyonaryong tao.
Napabaling ako sa pinto ng tumunog ang door knob napaatras ako dahil sa kaba. Nang bumukas ang pinto nagulat ako sa nakita ko, siya iyong estrangherong lalaki na nakita ko sa grocery at sa University na pinasukan ko.
"Your awake" he said while looking at me intently
"B-bakit ako nandito?" nauutal kong tanong sa kaniya, tinitigan niya ako ng maiigi na para bang kapag pumikit siya ay mawawala ako sa paningin niya.
Hindi niya ako sinagot at naglakad papunta sa akin, napaatras naman ako at napasandal sa headboard dahil sa ginawa niya.
"Huwag kang lumapit" kinakabahang saad ko sa kaniya, hindi siya nakinig sa akin at patuloy siyang lumalapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay napapikit ako dahil baka mayroon siyang gagawin sa akin naghintay ako sa gagawin niya at naramdaman ko ang kaniyang palad sa pisnge ko.
"You're so beautiful, love" saad niya sa malamyos na tinig.
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakatingin sa akin.
"What are you doing?" tanong ko sa kaniya, winaksi ko ang kaniyang kamay na humahawak sa pisnge ko at tumayo.
"What do you want?" tanong ko sa kaniya, hindi siya umimik at tinitigan lang ako.
"Kung wala ka rin namang kailangan sa akin uuwi na po ako, Sir" saad ko sa kaniya, naglakad ako papuntang pintuan para sana buksan nang magsalita siya.
"Try to open that fucking door, Calista, you will regret it" matigas na saad niya.
Hindi ko siya pinansin at binuksan ang pinto at tumakbo ng mabilis, rinig na rinig ko pa ang kaniyang galit na galit na sigaw habang tumatakbo ako.
Tumatakbo ako sa mahabang pasilyo marami akong nakikita na mga pinto, lumiko ako at nagpasalamat ng mahina dahil nakita ko 'yong hagdan pababa. Luminga-linga ako para tingnan kung sumunod siya pero nang wala akong makita mabilis akong bumaba ng hagdan, binilisan ko ang kilos ko nang makita ko ang pintuan hindi ko na nagawang pagmasdan ang magandang mga gamit dahil sa pagmamadaling makaalis dito. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng may biglang humablot sa akin, alam ko na agad kung sino ang humablot sa akin dahil sa matigas niyang kamay na bumabalot sa maliit kong baywang.
"Bitawan mo ako! Ano ba!" galit kong sigaw sa kaniya, I struggled in his arms.
"Don't be stubborn, love" casual na saad niya sa akin.
Inis ko siyang nilingon at tiningnan ng masama.
"Ano ba kasing kailangan mo ha!" sigaw ko ulit sa kaniya, "sa pagkakaalam ko wala naman akong atraso sayo" inis ko siyang tinapunan ng pinakamasama kong tingin.
Ngumisi siya sa akin at nagsalita "You owe me, love"
Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala, hindi ko alam ang tinutukoy niya kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Wala akong atraso sayo ano ba! Hindi nga kita kilala eh ang sama mo!" singhal ko sa kaniya, ang loko tumawa lang gosh kahit tumatawa siya sobrang gwapo niya. Natampal ko ang noo ko dahil sa mga sinasabi ng utak ko.
Sumeryoso ang kaniyang mukha at tinitigan ako ng maiigi, napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang titigan ng matagal.
I want you
Tila nabingi ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tiningan siya. Oh God please help me
He's crazy
YOU ARE READING
Travis Gage Caddel
RomanceHe's the perfect guy-a true green flag-kind, supportive, and attentive. But his obsession takes things to another level. As he showers her with affection, she starts to question if his love is a blessing or a burden. Can their relationship thrive wi...