TGC- 4

14 3 0
                                    

Hindi ako nakapunta ng cafeteria dahil sa mga nangyari nawalan din ako ng ganang kumain, pagpasok ko  ng room namin napatingin ang mga ka-klase ko sa akin na may nanunuksong titig bigla namang nagsalita ang President namin dito sa classroom.

"Ikaw Calista ha, hindi mo manlang sinabi na may something kayo ni Mister President" kinikilig na saad niya.

"Baka nilandi mo si Kade kaya ka niya pinuntahan dito" saad ng ka-klase kong si Yana at umirap sa akin.

Sinaway naman siya ng iba kong ka-klase dahil sa sinabi niya, hindi ko nalang sila pinansin at umupo sa upuan ko.

"Huwag mo ngang sabihan ng malandi si Calista alam naman natin na hindi kayang gawin iyon ni Calista, baka naiinggit ka lang dahil sa nangyari kanina" sabat naman ng isa kong ka-klase na lalaki. Magsasalita pa sana sila ng pumasok ang Professor namin, napailing nalang ako sa sagutan nila kung alam lang nila ang totoong nangyari kanina I sighed.

Nakikinig ako at nag t-take down notes ng mayroong kumalabit sa akin, nilingon ko ito at nakita kong nakangiti siya habang tinitigan ako, she's our President her name is Lovely, tinanguan ko nalang siya dahil wala akong gana makipag plastikan.

Maaga natapos ang klase namin dahil may meeting daw ang mga Professors, naglalakad ako sa hall way ng may humigit sa akin at dinala ako sa madilim na bahagi ng hall way, inis ko naman itong binalingan ng tingin.

"Ano ba!" saad ko at humarap sa kaniya, nginisihan niya naman ako at tumitig sa akin.

"Bitawan mo nga ako! bakit mo ba ako hinila ha!" inis na saad ko, ang baliw tumawa lang na parang may nakakatawa sa sinabi ko. I rolled my eyes dahil sa inis.

"Ang ganda mo pala kapag naiinis at nagagalit" he said habang nakangisi, ang sarap sampalin ng mukha eh.

"Ano bang kailangan mo, Kade?" malamig na tanong ko, tumayo naman siya ng tuwid at tumikhim.

"I-I want to say sorry sa nangyari kanina, I swear hindi ko gusto ang ginawa niyang halik kanina" sabi niya at tinaas pa talaga ang dalawa niyang kamay. Tinitigan ko siya ng madiin.

"Bakit ka nagpapaliwanag sa akin? I don't care kung hinalikan ka niya sa harap ko at please lang huwag ka ng lumapit sa akin dahil hindi ko gusto ang mga naririnig ko tungkol sa akin kapag nakikita nilang magkasama tayo" casual na saad ko sa kaniya at aalis na sana ng hawakan niya ang pulsuhan ko, tinaasan ko naman siya ng kilay sa ginawa niya.

"Kung pwede lang sana, matagal na kitang niligawan kaso may nagmamay-ari na sayo" dismayadong bulong niya, tinitigan ko naman siya dahil parang may sinasabi siya.

"What?" I asked him

"Ang sabi ko ang ganda mo palagi, sana maging mabait kana sa akin" saad niya habang kimeng tumawa.

"Sige, aalis na ako baka hindi na ako humihinga dahil sa masamang tingin niya" nagmamadaling saad niya at lumayo sa akin, inis ko namang tinitigan ang nakatalikod na pigura niya. Sino ang tinutukoy niya at bakit sobrang weird ng mga sinasabi ng magkapatid na 'yon sa akin.

Habang naglalakad ako papunta sa tinatrabahuhan ko hindi ko mapigilang lumingon sa likod, para kasing may nakamasid na naman sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin baka paranoid lang talaga ako.

Binati ako ng mga ka-trabaho ko nang pumasok ako sa coffee shop. Nginitian at tinanguan ko nalang sila, mababait naman ang mga ka-trabaho ko kaya lang hindi talaga ako palakausap sa kanila. Kinakausap ko lang sila kapag may pinapasabi sa akin ang manager ng coffee shop na 'to.

"Hi, Calista" bati ni Lorenz, pero Florence nalang daw ang itawag ko sa kaniya dahil ayaw niya raw ng pangalan niya dahil lalaking-lalaki raw.

"Hi, Lorenz" sagot ko sa kaniya.

"Ano ka ba Calista, Florence nga ang itawag mo sa akin eh, ang pangit kaya ng Lorenz kalorka ka" arteng sabi niya habang hinawi ang imaginary hair niya. Inilingan ko nalang siya habang tumatawa ng mahina.

"Ok, sabi mo eh" sagot ko sa kaniya. Inis niya naman akong binalingan ng tingin.

"Alam mo Calista, sobrang tipid ng mga sagot mo ang ganda kaya ng boses mo ayaw mo bang iparinig sa amin?" ngusong tanong niya.

"Ganito lang talaga ko, hindi ka pa ba nasasanay?" tanong ko sa kaniya.

"Hmp! sige na nga ok lang kahit ang tipid mong magsalita ang importante kinakausap mo pa rin ako" ngiting saad niya, akmang yayakapin niya ako ng may biglang pumasok kaya napatingin kaming dalawa roon.

Isa itong lalaki na naka-all black at naka-shade pa, "maggagabi na nagsusuot pa rin siya ng shade" mahinang angil ni Florence, "pero girl ang gwapo niya kahit hindi ko pa nakikita ang buong mukha" kinikilig na sabi ni Florence habang nakatingin sa lalaki.

"Ikaw nang bahala r'yan, magbibihis lang ako" I whispered to him at dumiretso sa locker room namin at nagbihis.

Lumabas na ako at pupunta na sana sa bookshelves dahil aayusin ko ang nakakalat na mga libro, yes po mayroong libro rito sa coffee shop parang library ganon kaya maraming students na pumupunta at bumibili ng coffee dahil masasarap din ang nga paninda namin dito. Nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Calista!" tawag ni Florence, napalingon ako sa kaniya.

"Kalorka talaga girl, ikaw daw magserve sa biniling kape ng pogi at hot na pumasok dito kanina" kinikilig na saad niya habang nakatingin sa akin.

"Why?" I asked him

"Abay hindi ko rin alam, ikaw daw ang gustong maghatid ng kape eh" saad niya, tumango nalang ako at kinuha ang kape at naglakad papunta sa lalaking umorder nito.

"Here's your coffee, sir" tipid kong saad sa kaniya, he's weird dahil hindi manlang siya tumitingin sa akin. Hindi naman ako nag-aasume na titingin siya sa akin pero ang weird lang dahil deritso lang ang tingin niya. Akmang aalis na ako ng nagsalita siya.

"Kamusta kana raw po?" He asked me, nangunot naman ako noo ko dahil sa sinabi niya.

"Pardon?" I asked him, tumikhim siya at tumingin sa akin sabay iwas. Ngayon ko lang nakita na mayroon pala siyang earpiece.

"Tinatanong lang po ng boss ko kung ok lang po ba kayo" saad niya, "Sinong boss?" taka kong tanong sa kaniya.

"Sorry po, pero bawal po kasing sabihin eh, pinapatanong niya lang po kung ayos lang kayo" saad niya.

"I'm good" sagot ko sa kaniya, nagulat naman ako dahil sa sinabi ko. Tumango lang siya at tumayo.

"Sige po miss, aalis na po ako" sabi niya tumayo, may kinuha rin siya sa wallet niya na pera at akmang ibibigay sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil aa ginawa niya.

"Bakit mo inaabot sa akin 'yan?" I asked him coldly

"Para po sa inyo dahil ikaw po ang nag-assist sa akin" sagot niya at napakamot sa noo niya.

"Salamat po, pero hindi ko po kailangan ng pera niyo" magalang na saad ko sa kaniya. "At isa pa po, hindi niyo naman ininom 'yong kapeng binili niyo" sabi ko.

"Sige na Miss, kunin niyo na po ito" abot niya sa perang hawak niya. Inilingan ko nalang ito at akmang aalis na pero may sinabi siya na ikinahinto ko.

"Papatayin po ako ng boss ko kapag hindi mo po ito kinuha" kinakabahang sabi niya.

"Who's your boss?" tanong ko sa kaniya, tinitigan ko siya at may nakitang maliit na parang mic sa gilid ng kwelyo niya.

"Kinakausap mo ba ang boss mo ngayon?" I asked him, hinihintay ko ang sagot niya nang mainis ako dahil hindi pa sumasagot tinitigan ko siya ng masama.

"Sagot!" inis na singhal ko, kinakabahan naman siyang tumango-tango, walang pasabi na kinuha ang earpiece niya at nagsalita sa maliit na mic.

"Wala ka bang awa?" tanong ko sa kabilang linya, "wala kang karapatan na patayin siya, you're evil" inis kong angil at padabog kong binalik sa lalaking kaharap ko ang earpiece at maliit na mic.

"Umalis kana at kunin mo 'yang pera dahil hindi ko iyan kailangan" malamig na sabi ko sa kaniya, tumango naman siya at nagmamadaling yumuko at naglakad paalis. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa inis sa lalaking iyon at inis din sa sarili ko dahil bakit ko iyon ginawa hindi ko kilala ang kinausap ko kanina. I sighed and massage my temple.

Travis Gage CaddelWhere stories live. Discover now