TGC- 8

9 2 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa sofa habang malalim na nag-iisip kung paano ako makakatakas dito dahil kumakati na talaga ang mga paa ko na umalis dito dahil sa estranghero na 'yon. Naiinis pa rin ako sa kaniya at naguguluhan sa sinabi niya sa akin. Napatayo ako dahil mayroon akong naisip na idea para makatakas dito at gagawin ko ito mamayang gabi kapag tulog na siya.

Bahala na, gagawa't gagawa ako ng paraan para makaalis ako rito saad ko sa aking isipan.

Kumakain ako ng tahimik ngayon dahil iniisip ko pa rin ang plano kong makatakas dito sa pamamahay ng lalaking baliw na 'to, napabalik ako sa wisyo ko ng magsalita siya.

"Finish your food, love" he said.

Napatingin naman ako sa kaniya at sa plato na kinakaininan ko, hindi ko naman ito mauubos dahil lagay siya nang lagay ng mga pagkain sa plato ko. Anong akala niya sa akin baboy dahil sa dami ng pagkain ng nilalagay niya.

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya, "Paano ko 'to mauubos? Halatang gustong-gusto mo akong patabain ah." inis kong saad sa kaniya at inirapan siya.

"Kahit tumaba ka pa ikaw lang naman ang gugustohin ko" sabat niya pero hindi ko ito narinig dahil sa hina ng boses niya.

"May sinasabi ka?" tanong ko sa kaniya, "Nothing, I said finish your food" seryosong sagot niya sa akin.

Nakadapa ako ngayon sa kama habang naghihintay na gumabi para magawa ko na ang plano ko na tumakas dito. Naiinis na ako dahil sobrang bagal tumakbo ng oras gosh, hindi ko pa rin talaga mawari bakit niya ako dinukot, wala naman kasi akong atraso kahit kanino at isa pa lagi niya rin akong tinatawag na love. What if kamukha ko 'yong wife or girlfriend niya? What if dinukot niya ako dahil baka akala niya tinakasan ko siya? Oh ghosh pati ata ako mababaliw kakaisip kung bakit niya ako dinukot.

Tinali ko lahat ng mga kumot at bedsheets na nakita ko sa kwartong ito, gagamitin ko ang mga ito para makatakas. Nang matapos kong itali lahat dumungaw ako sa balcony napaatras ako dahil sa taas. Huminga ako ng malalaim at tinapon sa ilalim ang mga kumot at bedsheets na tinali ko, tumingin muna ako saglit sa loob ng kwarto at dahan-dahan na bumaba. Pikit mata akong bumaba dahil sa takot na baka mahulog ako buti nalang at walang bantay dito kaya malaya kong nagawa ang plano ko.

Dali-dali akong bumaba ng may narinig akong mga boses, nagtago ako sa likod ng malalaking halaman. Napatayo ako ng tuwid dahil sa narinig kong sigaw, nakakatakot ito at parang gusto niyang pumatay base sa sigaw niya.

"Damn it, find my WIFE!" malakas na sigaw ni Gage.

Nanginginig ako dahil sa lakas ng sigaw niya parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa, napapikit ako dahil may narinig akong mga yapak papunta sa kinaroroonan ko.

"If you don't see my wife, I will kill you all" mabangis na saad niya, napaatras ako dahil sa boses niyang sobrang lapit sa kinaroroonan ko hindi ko namalayan na may nasagi na pala ako. Oh my gosh, I'm dead ani ko sa isip ko.

"Boss, hindi po namin makita si Miss Calista" saad ng isa sa tauhan niya.

"No need to find her, I know where she is" sagot niya "My little wife, she wants to play hide and seek huh" dugtong niya.

Nangingig kong inangat ang paningin ko at nakita ang nag-aalab niyang mga mata na matinding nakatitig sa akin, napatayo ako at akmang tatakbo ngunit mabilis niyang nahawakan ang bewang ko.

"Let me go! You jerk!" sigaw ko sa kaniya, "Ano ba! Bitawan mo nga ako sabi!" inis kong sigaw ulit sa kaniya, pinapakita ko sa kaniya na hindi ako natatakot pero deep inside parang gusto ko ng mahimatay dahil sa takot.

Binuhat niya ako na parang isa akong sako at naglakad papasok ng mansion, hinahampas ko ang likod niya para pakawalan ako pero walang epekto. Sobrang tigas ng likod niya.

"Put me down, ano ba!" galit kong saad

Hindi siya nakinig sa akin at naglakad paakyat ng hagdan.

"Help me! Anyone please help me!" sigaw ko, nagbabakasakaling may tutulong sa akin pero alam ko naman na walang tutulong sa akin dahil nandito ako sa puder ng lalaki na 'to.

Pumasok siya sa isang kwarto, pagkapasok at pagkapasok namin nalanghap ko agad ang pang lalaking pabango na hula ko ay pabango niya base na rin sa naaamoy ko kapag lumalapit siya sa akin palagi. Hindi ito masakit sa ilong at hindi ito matapang.

Binitawan niya ako ng may pag-iingat sa malambot niyang kama, tiningnan ko siya ng masama at akmang sisigawan siya ng makita ko ang kaniyang ekspresyon, parang gusto ko nalang tumakbo papalayo sa kaniya. Sobrang dilim ng tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong sobrang sama sa kaniya. Napaatras ako dahil lumapit siya sa akin.

"D-don't" mahinang saad ko sa kaniya

"Why did you do that?" malamig na tanong niya, hindi ko siya sinagot at tumingin sa mga paa ko.

"Answer me, Calista, why did you do that huh?" base sa tinig niya parang pagod siya.

"I-i want to go home that's why ginawa ko 'yon" sagot ko sa kaniya at tumingin sa mga mata niya.

"Ayaw ko rito gusto ko ng umuwi ng bahay, hindi ko alam bakit mo ako kinuha hindi naman kita kilala e. Ano bang motibo mo ha hindi rin naman kita kilala" mahabang saad ko sa kaniya

"Please, I want to go home ayaw ko rito" nagmamakaawa kong saad sa kaniya.

Hinawakan ko ang kamay niya para pumayag siya na pakawalan na ako rito, pero nabigo ako dahil sa sinagot niya sa akin.

"No, sa ayaw at sa gusto mo hindi ka pwedeng umalis dito" malamig na saad niya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Tiningnan ko siya baka nagbibiro lang siya pero isang malamig na ekspresyon ang nakita ko sa maganda niyang mga mata, napayuko ako dahil sa pagkabigo. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil hindi ito ang gusto kong buhay gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. I hate him for keeping me here gagawin ko ang lahat para makaalis dito kahit na mapahamak ako sa susunod kong gagawin.

Travis Gage CaddelWhere stories live. Discover now