Maaga akong nagising dahil wala na palang laman ang refrigerator ko, may pera pa naman akong natira pwede na ata 'tong pang grocery. Nagsuot lang ako ng isang highwaist short at isang hoodie at isang Arizona na sandal, I grabbed my cellphone and wallet para makaalis na.
Bumaba ako sa taxi na sinakayan ko, labag pa sa loob ko na mag-taxi dahil ang mahal ng bayad pero hindi ko talaga kaya ang init ngayong panahon, Pilipinas nga naman.
Pumasok na ako sa grocery store at pumunta sa meat section para bumili ng baboy at manok, pagkatapos ko namang mamili dumiretso ako sa mga gulayan at mga prutas bumili na rin ako ng mga panlasa at panggisa. Nang makita kong nabili ko na ang lahat pupunta na sana ako ng counter para magbayad kaso lang may nakita akong isang matanda na pinipilit abutin ang isang fresh milk na nasa taas, akmang aabutin niya sana nang naunahan ko siya. Biglang naman siyang napatingin sa akin at ngumiti, nginitian ko rin siya at inabot sa kaniya ang isang fresh milk.
"Salamat, hija" saad niya.
"Walang ano man po" I replied and smile at her.
"Ang ganda mo at sobrang bait mo pa" bola niya sa akin.
"Mabait lang po ako pero hindi po ako maganda, Lola" sagot ko sa kaniya, agad naman siyang tumawa sa sinabi ko.
"Totoo naman na maganda ka hija, may boypren kana ba?" tanong niya sa akin.
I smiled at her, "wala pa po sa plano kong magkaboyfriend eh" I replied.
"Ganon ba, sayang naman" sagot niya, "Oh siya, mauuna na ako sayo hinihintay na ata ako ng mga apo ko" saad niya ulit. Tumango nalang ako at nagpaalam din sa kaniya.
Pumunta ako ng counter para magbayad ng mga binili ko, "two thousand and one hundred fourty five pesos lahat, Miss" sabi ng cashier, ibibigay ko na sana ang perang ipambabayad ko ng bigla siyang nagsalita.
"Wala na po kayong babayaran, Miss" nangunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Why?" I asked her.
"May nagbayad na po kasi sa mga binili niyo" she smiled at me. Napatango nalang ako at napipilitang ngumiti.
Habang naglalakad palabas ng grocery store iniisip ko pa rin kung sino ang nagbayad sa mga pinamili ko. Wala naman akong kilala na may utang sa akin dahil wala rin naman akong kaibigan, baka nanalo ako sa isang ruffle pero hindi naman ako sumali eh. Habang busy ako sa pag-iisip kung sino ang nagbayad hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako.
Tiningnan ko kung sino 'yon, pag-angat ko ng tingin ko I saw his gray eyes intently looking at my hazel orbs. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig, titig na titig ako sa kaniya he looks like a model, ang tanggad niya at sobrang gwapo, he has a perfect face at makapal din ang kilay niya, mayroon siyang mahahabang pilikmata.
Nagising ako sa isang tikmin, nahihiya akong yumuko at humingi ng paumanhin sa kaniya. "S-sorry po" gosh why am I stuttering.
"Look at me" he said to me in a deep voice. Wala sa sariling napatingin ako sa kaniya at tinitigan siya. Akmang may sasabihin siya sa akin ng tumunog ang kaniyang cellphone, tiningnan niya ito at napatingin din sa akin na para bang nanghihingi ng permission para sagutin iyon. Wala sa sarili naman akong napatango tiningnan niya muna ako at naglakad papalayo para sagutin ang tawag. I sigh at naglakad papaalis.
Nakauwi ako ng bahay pero ang laman ng utak ko ay ang mga kaganapan kanina sa grocery store at ang isang estranghero na nabunggo ko, nagbuntong hininga ako.
Bakit ko ba siya iniisip kastigo ko sa sarili ko, hinayaan ko nalang iyon at nagluto ng kakainin ko dahil may trabaho pa ako mamaya.
YOU ARE READING
Travis Gage Caddel
RomanceHe's the perfect guy-a true green flag-kind, supportive, and attentive. But his obsession takes things to another level. As he showers her with affection, she starts to question if his love is a blessing or a burden. Can their relationship thrive wi...