Kabanata 4: Wasak

2K 60 4
                                    

EVO'S POV

"Ikaw na lang ba ang mag-iihaw, Sis?" Tanong si akin ni Carmen habang inaayos ko ang ihawan.

"Ah, oo. Wala na rin naman akong gagawin kaya dito na lang ako," sagot ko naman.

Iihaw lang naman ako ng mga pinamili naming squid at yung malalaking hipon. Hindi naman siya mahirap gawin kaya nag-prisenta na akong gawin ito. Siguro yung usok na lang ang po-problemahin ko.

"Hey, I brought you guys some drinks," alok sa amin ng kararating lang na si Kyle ng soda in can.

Nagpasalamat naman kami nang makuha ang kaniyang ibinigay.

Naramdaman ko naman ang mga titig sa akin ni Kyle kahit na abala ako sa pag-asikaso ng ihawan at nung mga iihawin.

Simula nang makarating kami mula sa pamilihan at pagkatapos nung nangyari kanina ay parang tanga itong tititig sa akin at kapag nag-tama ang mga mata namin ay bigla na lamang kakagat ng labi.

Hindi ko ba alam kung ano ang pinapahiwatig niya pero pinili ko na lamang huwag pansinin ito.

"Kumusta yung mga tent, Hon?" Tanong ni Carmen sa jowa.

"We already built it near the shore. Pero mukhang tatlo lang tayo na gagamit ng tent."

"Huh, sino lang kasama natin?" Tanong naman ni Carmen.

"It's just Sofia, you, and me."

Nilingon naman ako ni Carmen. Nagsisiga na ako ng apoy ngayon para makapag-ihaw na.

"Hindi ka sasama, Sis?"

Nilingon ko naman siya at umiling.

"Hindi, alam mo naman na mapili ako pag-dating sa mga higaan," sagot ko.

Napanguso na lamang si Carmen sa aking sagot.

"Sige, pero magca-camp fire tayo, ha!"

Tumango na lamang ako. Gumana na iyong apoy kaya handa na akong mag-ihaw.

Naka-prepare na rin sa tabi ko yung mga iihawin pati na rin yung mga pampalasa. Simpleng soy sauce, vinegar, bawang, sibuyas, asukal, at iba pa ang inilagay ko na pampalasa.

Halos inabot rin ako ng isang oras sa pag-iihaw bago ko ito matapos. Mabuti na lamang at saktong-sakto at pagtapos ko sa pag-iihaw para sa kainan.

Nang matapos ay nag-decide ang grupo na sa labas na lamang kami kakain. Sa may tapat ng camp fire ay nag ayos sila ng anim na upuan at isang lamesa kung saan nakalatag ang mga pagkain.

"Wala naman na kayong pending na projects, noh?" Tanong ni Rowell habang kumakain kami.

"I think mayroon pa ako," sagot ni Kyle.

"Tulungan ba kita, Hon?" Tanong naman ni Carmen.

"It's okay, Hon. It's not that hard."

Halos kung saan-saan na umabot ang kwentuhan namin. Napuno ng kainan, tawanan, and minsan ay kantahan ang samahan namin.

Nag-bukas rin ng inumin sina Kyle kaya napa-inom na kami. Siguro ay naka-dalawa't kalahating bote kami ng alfonso with coke.

Nag-stay kami sa tapat ng camp-fire hanggang alas-onse na ng gabi.

"Good night, Everyone!"

IS2: KYLE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon