(This chapter does not contain any smuts scenes.)
EVO'S POVWe're back home!
The three-day trip at the beach was like a fever dream for me. It happened and ended so fast! I wasn't even able to absorb everything that had happen during the vacation.
Masyadong maikli, para sa aming lahat, iyong nangyaring bakasyon. Sobrang bitin, lalong lalo na kung ang sasalubong sayo th next day ay trabaho ulit!
It was worth it, sobra, pero I wish it was longer and we were able to spend more time.
I think I was the one who had the MOST fun out of all of us, hehe. Kung ikaw ba naman mabigyan ng tsansa na matikman at mahagkan ang taong pinaka-aasam mo, sino'ng hindi sasaya? Idagdag mo pa na matagal kong inaasam na mangyari o may mangyari sa aming dalawa ang naging rason kung bakit nakulangan ako ng sobra sa aming nagawang bakasyon.
To have those moments with Kyle at their beach house was one of the reasons why I am so happy and looking forward to working again in the office, pero hindi para mag-trabaho kundi para makita at matanaw siya.
Hindi lang yung bakasyon ang bitin para sa akin, kundi na rin yung times namin na magkasama. I want to experience all of that again.
"Sis, puwede bang maki-hingi ng lotion mo?" Bungad sa akin ni Carmen nang bumukas ang aking pinto.
I'm currently doing my skincare and makeup. Mayroon pa kaming isang oras para pumuntang work.
"Uhm, here." Sabay abot ko sa kaniya ng lotion ko.
Dito na rin siya nag-apply ng lotion sa kwarto ko. Naka-ready na rin siya from her office attire to her makeup.
She's applying the lotion to her legs. This girl is the type of person who can't live without applying lotion on her skin. I mean, who would want a choppy and dry skin? Definitely not me.
"Thanks, Sis."
Napansin ko sa kaniyang tono na parang down siya today.
"Okay ka lang ba?"
Napabuntong hininga naman ito at muling umupo sa gilid ng higaan ko.
"Nag-away kami ni Kyle kagabi," sagot nito.
Kahapon ang uwi naman galing da bakasyon at all of us decided to rest and take our time to relax one more before going to work the next day.
"Hindi ko kasi siya ma-contact kahapon kaya nag-panic ako. At sinagot niya lang ang tawag ko alas-onse na nang gabi. Then yung way pa nang pakikipag-usap niya sa akin ay parang ako pa yung may kasalanan," patuloy niya sa akin Carmen.
Napa-isip naman ako. Before we split up, naka-usap ko pa si Kyle and he was all smile while we were talking. Hindi ko alam kung bakit nagka-ganito silang dalawa. Hindi ko nga ba alam?
"Baka pagod lang? Siya pa naman yung driver natin kaya baka napagod lang at natulog mag-hapon," sagot ko naman.
Suminghot-singhot naman ito at malungkot na napa-tingin sa akin.
"Sana nga, Sis. Kakausapin ko siya mamaya."
"Mm, pag-usapan niyo iyan. Baka kasi dahil sa pagod kaya ganoon na lamang siya umakto."
"Pero alam mo naman na never kaming nag-away dahil nagalit siya sa akin. At kapag siya ang may mali, usually, hindi naman iyon masyadong big deal kaya madali lang maayos. Pero iyong ipinakita niya sa akin kagabi ay sobrang ikinabigla ko."
Hindi naman ako nakasagot. Hindi ko rin alam kung ano ang rason kung bakit wala sa mood bigla si Kyle.
And I think I'm not in the right position to say Kyle's story on his behalf without knowing the real reason.
"Sana maayos niyo na iyon mamaya. Just call me when you need me."
After our talk ay lumabas na rin siya ng kwarto ko para bumalik sa kwarto niya.
I reflected and analyzed some things after she left the room. Sign na ba ito na nafa-fall out of love na si Kyle sa kaniya?
I wondered what happened between the two of them. What happened to Kyle, rather. Ba't bigla na lamang nag-bago ang pakikitungo niya kay Carmen? Is it because of what happened or what's been happening between us?
Should I grab this chance to keep him with me? Should I use this opportunity to finally be able to get him on my side and get together with me?
Hindi ko rin kasi alam kung ilang pagkakataon pa ang mayroon ako para mas lalong mapalapit ang loob ni Kyle sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang tunay na nararamdaman sa akin ni Kyle kaya hindi rin dapat ako magpadalos-dalos.
I am greedy right now. I MUST be greedy if I want to get him to be with me without anyone's hindrance. I do not want to let this chance to slip away from my grasp.
Masyadong nang matagal ang paghihintay ko. Ilang taon na akong nagtiya-tiyaga na hanggang tingin lamang.
At dahil ngayon ay mayroon nang namamagitan sa aming dalawa, hindi na ako magpipigil pa.
KRING KRING
Nag-pasya akong tawagan ang lalake na nasa isip ko.
"Hey, Kyle?" Bati ko nang sinagot na niya ang tawag.
Muli ko namang narinig mula sa kabilang linya ang kaniyang malalim at napaka-sexy na boses.
"Oh, Evo! What's up?"
Napakagat-labi ako para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa aking labi.
"Uhm, wanna meet up later after work?"
"Yeah, sure," sagot nito na nagpa-talon sa aking puso.
Tuluyan ko nang hindi napigilan ang pag-ngiti dahil sa kaniyang ibinigay na sagot.
"Okay, I'll see you later... and I'm looking forward to our meeting later... just the two of us."
.
.
.
.
.
.
.
.
Author's Note:Good Evening, Everyone! I am so sorry for the late update!🙏
College is taking 90 percent of my time (just finished our preliminary exams, group projects, activities, and quizes). So please I hope you understand.
I will do my best to update as soon as possible (I wont be giving an exact date of the published results).
Sincerely yours,
CintoSan
