BUOD

18 1 0
                                    

BUOD

***

Si pathy ay akda o manunulat, ito ang kahiligan niya dahil dito niya naiilarawan ang natatanging galing pagdating sa imahinasyon. Nahanap niya ang talento niya sa pagsusulat ng mga kwento. Marami na siyang naisulat at isa na rito ang kaniyang sikat na ang titulo ay "First and last love." Ito ang kauna-unahang inilathala niya at nagbunga kaagad ang kaniyang pinaghirapang esturya pa tungkol ito sa makalumang panahon nung sinasakop pa ng Español ang pilipinas.

Kwento ito ng isang dalaga pilipina na si Phatima rosal Alonso ang nakakatandang anak nila Donya Teresita at Don Antonio Alonso ang alkalde ng Binindo maynila si Don Antonio, maangat sila sa buhay tinitingala ng taong bayan ang pamilya Alonso at ginagalang. Si Phatima ay masunurin, kagalang-galang, mahinhin, mabait at palakaibigan. Siya ay binansagang Reyna ng Binondo dahil sa anking kagandahan nito, marami nahuhumaling kalalakihan sa kaniya, wala ng mas maisahalintulad pa ng isang makinang na butuin na nag-niningning dahil napakapaganda din ng boses niya. Na sa kaniya na ang lahat isang dalagang pilipina na katangi-tangi.

Kakaiba ang kinang na meron siya, at doon na bighani sa kaniya si Ginoong Joselito Dizon ang lalaking mamahalin ni Phatima. Isang maginoo at kagalang-galang na binata. Si Ginoong joselito pangatlong anak nila Donya Josephine at Don Roberto Dizon. Sila ay maharlika na pamilya namumuno sa lalawigan ang kaniyang ama na si Don Roberto isa siyang Gobernador ng lalawigan. Malapit na magkaibigan si Don Antonio at Don Roberto kaya ito'y nagplano na gusto nila mas patatagin ang samahan nila kung kaya't napagpasyahan nila na isa sa kanilang mga anak ang magkatuloyan. Kaya napagdesisiyonan nila Don Antonio at Don Roberto na ipagkasundong ipakasal si Phatima at ang nakakatandang anak ni Don Roberto si Marcelo

Nang malaman ni Phatima na ikakasal siya kay Marcelo na kababata niya ay labis niya itong ikinagulat wala itong magawa kundi sundin ang kaniyang ama dahil sa masunurin ang dalaga wala itong nagawa kundi sumang-ayon. Ngunit tutol sa kasal si joselito kung kaya't gumawa ito ng paraan para matigil ang kasal. Ito ang nilalaman ng "First and last love" na nasulat ni Pathy, ang akda ng esturya.

Ngunit tila nagbago ang kanyang mundo dahil nang siya ay magdalawampu't anim taong gulang na, siya ay nasa panahon ng kanyang sariling kuwento na kanyang isinulat. Dahil siya ay nagaganap bilang si Phatima Rosal Alonso sa aklat na kanyang isinulat.

Ang karakter sa kuwento na kanyang nilikha. Ang kanyang sariling gawa na may hiwagang nakatago na hindi niya alam. Na kanyang maaaring mabuhay at gampanan, siya ay bumalik sa isang sinaunang panahon kung saan makikita niya ang itinakdang magmahal kay Phatima ngunit walang sinuman ang nakaaalam ng kapalaran ng kuwento na siya na ang gaganap dahil hindi niya ito hawak.  Ang kanyang ginawang kwento sa aklat ay nagdulot ng mapait na wakas ang pag-iibigan ni joselito at Phatima na iyon naman talaga ang nangyari sa nakaraan niyang pag-ibig nung unang henerasyon pa lang ng lahing Alonso. Nadati pang nakatakdang mahalin niya si Joselito. Si pathy at Pathima ay iisa, ngunit nagbago lang si pathy sa kasalukuyan dahil sa makabagong buhay niya at hindi na siya tulad ng dating siya na si Pathima na makata iba na sila ng wika at pananalita lalong-lalo na ang ugali dahil sa ikot ng mundo ito'y nagbabago kayat sumabay ang ihip ng buhay niya sa modernong mundo kung saan iba na sa nakaraan kaysa sa kasalukuyan.

Babaguhin ba ni Pathy ang kapalaran nila ni Joselito. Ang pag-iibigan nila na naiwan sa mapait na kapalaran at malungkot na wakas. Mababago niya ba sa kasalukuyan. O maging isang mapait parin na wakas ang kanilang pag-iibigan.

The book recorded a tragic ending to the love story of Phatima and Joselito. Pathy doesn't know why she ended up in that situation where she was the one who created the story. WHAT COULD BE THE REASON? AND WHAT WILL SHE DO IN HER OWN STORY? WILL SHE SUCCEED IN HER MISSION TO ESCAPE FROM HER SELF-MADE STORY OR WILL SHE BE TRAPPED FOR LIFE.

***

Ang istoryang ito ay imahinasyon lang, ang mga pangalan,lugar, pangyayari, lahat ng esturyang ito ay imahinasyon lang ng Author upang makapagsulat ng magandang esturya at makapagbigay saya sa mambabasa, pasukin ang mundo ng fictional na magbibigay saya at payapa sa inyung isipan,
Malilimutan mo ang mga problema kapag nagbabasa ng fictional story

Pakiramdaman mo na sayo ang esturyang ito limutin mo na ang iniisip at magpahinga mo na pumasok sa fictional World. Ang nababanggit dito na lugar at kasaysayan ang isang pawang marealidad ngunit ang mga esturya pawang katang-isip lang ng Akda.

First and last love Where stories live. Discover now