KABANATA 4

9 0 0
                                    

KABANATA 4


.....


"GINOONG joselito, kinalulugod ko ang pag-aalala ng iyong ama." Nakatago kami ngayon tatlo sa gilid ng salas pinapakinggan ang mga pag-uusap nila. Tila'y isang panaginip ang lahat ng to. Habang ako'y nakatitig sa binata tila'y ang aking puso kumakarera sa lakas ng pintig nito. Halos hindi na ako makahinga ng maayos.

"Joselito, siya ba ito. Bakit? Wow! Ang pogi niya pala. Hindi ko akalain to ah. Pero bakit ang aga naman para makita ko siya."

"Kilala mo siya." Takang tanong ni Linda. Umurong naman ako dahil biglang bumaling sa amin si Joselito. Ang kaniyang mga mata nakatitig na sa akin. Pati si Donya at Don ay nakatitig na din sa akin. Tila'y nabunutan ako ng tinik ng tawagin ni Donya Teresita ang pangalan ko.

"Pathima, pumarito ka hija. May nais kaming ipakilala sayo. Pati na rin kayo dalawa. Linda at Carmen. Halika kayo." Ani Donya Teresita. 

Umayos kami ng tintig tatlo at hinawakan nila ang kamay ko. Panay bulong naman sa akin si Linda na kung ako ang mapipiling ipagkasundong ipakasal ay pumayag na lang daw ako. Kasi maganda lalaking naman daw ang napapangasawa ko.

"Ginoong joselito. Nais ko pa lang—" hindi na naituloy ang sasabihin ni Donya ng sumingit ako.

"Walang kasalang mangyayari!" Sigaw ko, nanlaki naman ang mata ni ina, at labis ang pagtataka ni Don Antonio. Dahil sa aking winika ay humagikhik naman ang kapatid namin na lalaki na si Carlito.

"Ano ba ang iyong pinagsasabi anak?" Malilitong wika ni Donya Teresita.

"Ina, diba ipakakasal mo ang isa sa amin!?" Tanong ko. 

"Wala akong sinabing ganyan Pathima. Anong bang nangyayari sayo. Ika'y sabik na bang makaroon ng asawa?" Tanong niya. Hindi ako makapagsalita na kahihiyaan. Mali pala ang akala ko. Aba't na luko na ang tanga-tanga mo kasi Pathima!

"Kung ganun ikaw naman ang nakakatanda maari ka ng magkaroon ng kasintahan. Ang tanong sino naman sa mga manliligaw mo ang sasagutin mo?" Pagpatuloy niya.

"Nay, wala akong balak magkaroon ng kasintahan." Bulalas ko.

"Pathima!" Saway  ni ama Don Antonio. "Pagpasenyahan mo na ang aking mga anak joselito. Sapagkat sa kanilang mga kinikilos at mananalita ay hindi kaaya-aya. Ngayong lamang sila nagkakaganyan. Ako'y humingi  ng dispensa." Wika ni Ama.

Binalingan ako ng lalaki at ngumiti sa akin. Hindi naman ako makatingin ng diresto kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya." Ayos lamang iyon." Tugon niya.

"Nga pala, siya si Pathima ang nakakatandang anak namin. At si Linda ang pangalawa at sumunod naman ay si Carmen. Ang aming bunso naman ay si Carlito." Pagpakilala ni ama sa amin magkakapatid.

"Kay ganda pala ng iyong mga anak Don Antonio. Lalong-lalo na ang iyong nakakatandang anak na si Pathima."Nakatingin lamang ito ng deritso sa akin. Siniko naman ni Carmen, ngumisi naman si Linda.  Hindi ko na lang pinansin ang mga kapatid. Iniwas ko na rin ang tingin sa lalaking ito.

"Beuno, ako'y aalis na po. Donya Teresita at Don Antonio. Salamat sa oras at gabing ito." Tumayo sa pagkakaupo ang lalaki at nakipagkamay kay Don Antonio.

"Hanggang sa muli nating pagkikita. Joselito, ibati mo na lamang ako sa iyong ama." Ani Don Antonio.  Ngumiti lamang ang binatilyo at lumingon ulit sa gawi ko. Napako ang mga tinginan namin sa isat-isa ng ilang minuto at pagkatapos non ay tumungo siya bilang paggalang.

"Paalam mga binibini. At sa'yo Binibining Pathima. " Umalis na ito kasama ang mga tauhan niya. Mga ilang segundo ng makaalis na sila ay hinarap ako ni Ama Don Antonio. 

First and last love Where stories live. Discover now