KABANATA 2
MULI sa dating tagpuan, matatagpuan na'tin ang ating pagmamahal. Di man tayo pinagsama sa mundong ibabaw ng matagal, ngunit makalipas ng ilang dekada patatagpuan muli tayo ng tadhana sa isat-isa sa mga pangakong ilang dekada na ang lumipas kung makita mo ulit ako sa pagitan ng mga huni ng ibon; lakas ng hangin at sa ilalim na malamig na tagpuan. Yakapin mo ko at higpitan ang kapit ng iyong mga palad ng aking mga kamay bilang tanda ng iyong pangungulila sa akin taon na ang lumipas."Pagbasa ko ng gawa kong liham ni Joselito. Ito yung huli niyang liham bago ito mawala sa mundong ibabaw. Nangungulila siya sa kaniya mahal ng ilang dekada hindi na ito nagmahal pa ng iba ng mawala si Pathima. Hindi niya kasi makita sa iba ang pagmamahal na tulad ng kay Pathima at hindi niya rin kayang magmahal ng iba dahil kahit patay na ang minamahal niya mananatili sa kaniya puso't isipan ang pagmamahalan nila na walang kapantay o katulad. Ang kaniyang pagmamahal ay tunay at wagas.
"Grabe na itong gawa liham ko, may ganito kaya sa totoong buhay. Yung hindi na kailangan ni boy maghanap ng iba pang mamahalin, hindi niya kaya palitan ang naukit sa puso niya na taong minamahal niya ng wagas. May ganito kaya sa totoong buhay. Malamang wala kaya nga dito ko na lang isinulat ang natatanging hiling o gusto kong mangyari sa buhay pag-ibig ko dahil wala naman ganitong lalaki na mabaha ang patient niya o handang-handa maghintay kahit sa kabilang buhay. Ang lalaking may tunay na pagmamahal."
Narito ako ngayon sa shed nagsusulat ng kwento gamit ang note ko, wala kasi akong magawa. Tapos ko naman din lahat ng gawain. Next day mag rereport na naman kami; ipagpatuloy pa pala namin ang report dahil naudlot nung nakaraan dahil sa lindol.
"Ano kaya ang bagay." Nalingon ako sa gilid ko ng may biglang tumabi sa akin." Jazz." Napalingon siya na nagulat din, hindi niya ata na pansin na ako ang katabi niya.
"Pathy! OH-MY-GOD! Ikaw pala iyan. Hala sorry hindi kita na pansin." Binaba niya ang kaniyang phone, may katawag kasi siya; hinawakan niya ang kamay ko at dumikit sa akin." Kamusta kana girl!" Maligalig niyang wika.
"Ayos lang naman, ito buhay parin." Pagbibiro ko."Gaga! Hindi ka parin ng babago." Aniya. "Bakit? May kailangan bang babaguhin?" Tanong ko.
"Ahh..wala naman, what I mean is mapagbiro ka parin hanggang ngayon." Tugon niya."Yun lang pala. Oh, nga pala kamusta kayo?" Nakakunot ang nuo niya sa tanong ko."
"Hala nakalimutan na niya; Ede yung boy-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko."oo na! Wala na kami!"
"Huh!" Gulat kong bigkas.?"B-bakit?" Napabuntong hininga siya."Kailangan ko pa bang sabihin sayo; it's so complicated na so i broke up with him." Natawang bigkas niya.
"Okay,okay,okay, Hayst... sa mundong wala talaga forever!" Asik ko.
"Alam mo; meron maling tao lang talaga ako pumunta." Tugon niya.
"Kung sabagay may point ka naman."
"Nga pala, kamusta kayo ng manliligaw mo?" Tanong niya dahilan ng pagkakunot ng nuo ko.
"Ayaw ko talaga." Kumunot ang nuo niya.
"Anong ayaw ko talaga."
"Ayaw kong magkarelasyon." Tugon ko."Iwan ko sayo, ang bait bait nga nun." Aniya."Anong mabait may tupak nga yun." Natawang bigkas ko.
"Hay nako! Ang hirap mong hanapan ng lovelife."
"I don't need that." Natawa ito at dumikit lalo sa akin" really! Ganyan ba talaga ang author bitter sa totoong buhay."
"Tama ka." Walang ganang tugon ko."Whoa, kaya pala lahat ng mga nobel mo tragic ang ending lagi. Ang bitter mo kasi sana naman binigyan mo naman ng magandang ending ibang novels mo. Mapanakit ka naman lagi binibining/miss author."
YOU ARE READING
First and last love
Historical FictionMuling maisusulat ang kanilang pagmamahal na naputol sa isang trahedyang di inaasahan. Balikan muli. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.