KABANATA 7

3 0 0
                                    

KABANATA 7

•••




"Ayus ka lang ba Binibini? Mukhang namumutla ka." Pag-aalalang tanong niya. Marahan siyang humakbang at nakatitig lang sa mga mata ko, tila'y kinikilatis niya ang boung ako. Kahit madilim nakikita ko kung pano niya hawakan ang ulo ko na tila'y pinakakiramdam ang init sa aking katawan. Nanigas ako sa aking kinatatayoan ng mapagtanto na ang lapit na namin sa isat-isa, bagkos pilit kung hindi huminga dahil sa kabang nararamdaman tila'y ayaw kung maramdaman niya ang init ng aking hininga. Bakit kasi ang lapit niya?

Dahan-dahan lumapit ang alitaptap kaya ang dilim kanina naging isang pabilog at malilit na liwanag na tila'y tanging ilaw sa pagitan naming dalawa.

"Binibini, mukhang hindi maayos ang kalagayan mo. Sa aking suspensya ay may sinat ka? Hindi ako manggagamot pero nababatid  kong nagkakasakit ba ang isang tao o hindi dahil lagi kung masasaksihan sa mga kapatid ko ang mga sitwasyon iyon. Ang nagkakasakit." Wika niya.

"Bakit, masakitin ba ang pamilya mo?" Tanong ko.

"Parang iyon na nga, walang araw hindi nakakasakit ang bunso naming kapatid." Tugon niya. Napatango-tango na lang ako habang nakatitig din sa kaniya. Ano ba yan naiilang na ako kapag ang lapit-lapit niya sa akin.

"Kailangan mo ba ng tulong Binibini." Tanong niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil hindi ako maalis ang titig sa mga mata niyang nangungusap.

"Kung pahihintulotan mo ako Binibini, nais kitang tulongan o ihatid pabalik na lang sa Mansion. Dahil gabi na hindi maganda sa isang Binibini ang pagala-gala sa gitna ng dilim lalong-lalo na wala ka pang kasama." Pagpatuloy niya.

"Ah, ano—may- ka–kasama ako." Nauutal kong tugon sa kaniya.

"Kung gayun, na saan?" Tanong niya.

"Nasa paligid-paligid." Lumayo ako sa kaniya ng ilang distansya upang hindi kami magkalapit. Nararamdaman ko na kasi ang mainit niyang hininga sa aking noo. At tila'y lumuklok ito ng ibat-ibang klaseng mabangong bulalak dahil talagang ang bango ng hininga niya. Humahalimuyok sa aking ilong ang amoy ng bulaklak na kakaiba.

"Saang paligid-paligid?" Tanong niya ulit. Bakit ang kulit-kulit nito. Aba't Kailangan niya pa malaman kung saang paligid. Ede syempre! Nasa ilalim na dilim at malamig na puno  nag lalambingan.   Kung sakali mang magkaroon ako ng lovelife. Ang nais kong buhay pag-ibig ay tulad ng sa kanila, yung tapat at wagas kang minamahal ng lalaki.  Makikita ko na kaagad sa pustora ni Marcelo na labis niyang minamahal si Linda. Isang magalang na ginoo. Sa pahanon ko hindi ako makakahanap na lalaking subrang nirerespito ka at tinuturing kang isang kayaman sa kaniyang puso't isipan.

"Binibini." Nagulanta ako ng marinig ang malalim na boses ni Joselito. Hindi ko inakalang nasa likod ko lang siya. Hindi ko rin alam kung ilang oras akong nakatutula sa kawalan.

"Tila'y malalim ang iniisip mo? Saang imahinasyon ka ba napadpad?" Asar niyang tanong. May pagkamapang-asar pala tung lalaking to.

"Wala." Tanggi ko at naglakad papalayo sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan ngayon. Basta't ang pumasok lang sa utak ko kailangan kung makaalis na sa lugar na'to. Hindi ko na din alam kung nasaan na si Linda at Marcelo. Bigla na lang silang nawala na parang bula.

Sa tuwing lumapit kasi si Joselito, pakiramdam ko kasing pula na ako ng kamatis. Ang bilis-bilis din ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko  siya at makausap siya. Tila'y para na akong tanga na patungangatunganga na lang. Nakatanaw sa isang lalaking napaka-perpekto. Isang lalaking nakakabighani sa lahat.

"Pathima." Kaagad akong natigilan ng marinig ko ang pangalan ko at lumingon sa kaniya."Sasamahan na kita sa pag-uwi sapagkat napakadilikado ngayon gabi sa isang binibining katulad mo?" Wika niya. Napatitig mo na akong ng matagal sa kaniya bago tumungo. Ang gandang lalaki tagala nito. Mas makisig pala ang mga lalaki sa pahanong to.

First and last love Where stories live. Discover now