KABANATA 6
•••
"KAPATID." Maaga akong nagising dahil tinulongan ko si Ina Teresita na magburda. Mahilig kasi siyang magburda ng mga bistida o nagtatahi ng mga Baro't saya. Pagtingin-tingin naman sa akin si Fernando ang kapatid ni Issa, habang nagbuburda ako, nakalumbaba siya sa harap ko. At tila'y nagagalak sa panonood ng pagbuburda ko. Lumapit naman sa akin si Inna at hinawakan ang kamay ko kaya natigilan ako.
Lumingon rin si Ina Teresita ng pamansin niya si Inna."Ano iyon Inna, may problema ba?" Tanong ni Ina.
"Pasensya na po sa esturbo, inutusan lang po ako ni Binibining Linda na tawagin si Binibining Pathima." Nahihiyang tugon niya.
"Ganun ba, sumunod ka na Pathima. Ako na lang dito, puntahan mo na si Linda baka may importante sasabihin iyon." Ani Ina Teresita.
"Opo Ina." Tugon ko, tumungo na ako sa hardin kung saan naroon si Linda. Nadaanan ko pa ang portrait ng Family Alonso at naroon ako sa litratong iyon. Malaki talaga ang mansion na'to, lalong-lalo na ang salas, pati rin ang hardin ay napakaganda at malinis. Nakita ko si Linda sa malayo pa lang namimitas ng puting bulalak. Ano kaya ang gagawin niya diyan?
"Hmm, Linda, bakit mo ako pinatawag?" Lumingon ito ay nagbigay ng malawak na ngiti lumapit ito sa akin at nilagyan ng bulalak ang gilid ng tainga ko." Nandito ka na pala, ako'y di makapaghintay sa mangyayaring mamaya. Makikita ko na naman siya. " umikot ito na tila'y pinakita ang magarbo niyang kasuotan na kulay kayumanggi na Baro't saya.
"Magkikita na naman kayo?" Natigilan ito at hinarap ako sabay tango." Oo, kapatid. Magkikita kami kung kaya't ipinatawag kita reto upang samahan mo ako para tumungo sa lalawigan ng Santa Rosa doon kami magkikita ng mahal kung maginoo." Maligalig niyang wika.
"Ayaw ko nga." Dinadamay na naman niya ako sa kalandian niya. Malalagot na kami dalawa kung itutuloy niya tung pinaplano niya.
"Pathima. Kailangan kita. Sige na kapatid, diba paburito mong pasyalan ang Santa Rosa. Bakit ayaw mo ngayong sumama."kakunot noo niyang wika.
"Talaga paburito ko?" Takang tanong ko sa kaniya. Kinunotan niya ako ng noo."Pati ba naman iyan nakaligtaan mo. May karamdaman ka ba Pathima?" Nako! Dapat hindi ako nagpapahalata hindi na ako yung dati, wala na din akong ideya kung ano ba ang hilig kong gawin o talento sa buhay kung to reto sa nakaraan. Iba naman yung ako sa kasalukuyan, marami na pagkakaiba sa naraang ako at sa kasalukuyang ako. Malay ko ba na paburito ko ang Santa Rosa na pasyalan. I don't have idea ngayon ko lang nabatid.
"Ah...sige na nga papayag na ako. Basta't wag tayong maghalata mo na tayo'y aalis." Tumango-tango naman siya may ngiti sa labi.
"Wag kang mag-alala Pathima. Para hindi tayo masumpungan nila. Tayo'y tatakas sa ginawa kung palabasan"
"Huh?" Takang tanong ko. Ano na naman kaya pinaggagawa nito.
"Palabasan ang tawag ko sa ginawan kong takasan para makaalis tayo reto na hindi nila nalalaman."
"Ganun ba. Kahit anong bawal kaya mong malusutan noh, para lang makita siya." Natawa sabi ko.
"Ganun naman talaga kapag ika'y umiibig na, kahit bawal tinatakasan at sinusuway mo parin. Hindi naman kamalian ang umibig diba. Sadyang mahigpit lang talaga ang ating magulang."
"Malamang naghihigpit talaga sila, kasi ang bata mo pa para magkajowa sis!"Singhal ko. Kaagad naman akong naalarma ng nagtataka siya sa huli kung binigkas.
"Ha-ha-ha. Ibig kung sabihin sa malamang sa malamang bawal ka pang magkaroon ng jowa—ayeste!! Kasintahan kasi nga bata ka pa." Paliwanag ko..
"Lumaki na ang aking mga pakpak, hindi na ako musmos. Dalaga na ako, at sa aking puso, si Marcelo ang nakikita kong mapapangasawa. Sana'y maibulalas ko sa ating mga magulang ang aking pagnanais na siya ang aking mapiling kabiyak, ang magiging sandigan ko sa paglalakbay ng buhay."Aniya habang kinikilig.
YOU ARE READING
First and last love
Historical FictionMuling maisusulat ang kanilang pagmamahal na naputol sa isang trahedyang di inaasahan. Balikan muli. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.