KABANATA 3

6 0 0
                                    

KABANATA 3

......

"HAPPY birthday Pathy!" Sigaw nila lahat, nagpaputok naman ng confetti si kuya at ate. Nilahad naman ni Patricia at Patrick ang dalawang cake.

Sa aking kaarawan, nag-aapoy ang kulay rosas na dekorasyon. Tunay ngang pinag-isipan nila ang aking selebrasyon. At ang aking mga kapatid? Nagkasundo na sila, tila ba nag-ibayo ang kanilang pagmamahalan. "Ihipin mo ang kandila at humiling ka," bulong nila. Ngumiti ako, nagkrus ang aking mga daliri, kapwa sa kanan at kaliwang kamay. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbulong ng aking taimtim na kahilingan.

Sa araw na ito, hiniling ko ang isang pag-ibig na tunay na magpapasaya sa aking puso. Higit sa lahat, nais kong manatiling maayos ang relasyon ng aking mga kapatid, na mawala na ang kanilang mga pagtatalo at sakit. Na sana'y magkaunawaan sila at magpakumbaba sa isa't isa.

Nais ko ring makapunta sa isang lugar... teka, saan nga ba?  Hayst, ano kaya ang aking pupuntahan? Bahala na ang tadhana, saan man ako dalhin, doon na ako.

Ihinipan ko ang mga kandila. Nang matapos, nakatingin lang sa akin si Lola, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa tuwa.

Bakit ba ang weird ni lola ngayon, kanina patu pangiti-ngiti hindi tuloy ako sanay. Ang ngiti niya kasi mag ngisi; kita talaga ang ngipin dati naman pahiyum lang.(ngiti lang)

"Apo, ito oh nilutuan kita ng paburito mong Casava Cake." Inilahad niya sa akin ang Cake."Salamat po lola."Kinuha ko sa kamay niya ang platito na mag laman na Casava Cake, ngunit ayaw niyang bitawan kaya nagulat ako at tinitingnan siya. Parang isang ibon na nakawala sa hawla, ang platito ay nahulog sa sahig nang mawala ito sa aking mga kamay. Sa pagmamadaling iligtas ito, ang aking kamay ay tumama sa matalim na gilid ng sirang pinggan, at nagdulot ng isang sugat na nagdudugo. Ang hapdi ay parang isang apoy na sumusunog sa aking balat. Mabilis na inasikaso ni Lola ang aking sugat, pinupunasan ang dugo gamit ang isang tuwalya. Si Ate naman ay nagmamadaling lumapit, at napatakip ng bibig sa pagkagulat nang makita ang aking sugat.

"My gosh! May blood. Wait kukuha ako ng gamot para diyan."Nagmamadaling umalis si ate. Parang nanhihilo naman ako sa init, naramdaman ko yung kamay ni lola sa likod ko. "Bakit ang init." Napatingin naman ako sa gilid ko na may lababu yung makalumang lutuan. Ang lakas ng apoy nito." Kaya pala ang init."

"Apo, pasensya kana nasugatan ka tuloy."pag-aalang bigkas ni lola." Ayos lang po lola."Binalingan ko si lola at laking gulat ko na nakangiti ito. Napaatras tuloy ako at umatras ng isang dangkal ang layo."Bakit po ba kayo nakangiti?"

"Apo, wag kang matakot. Dahil masaya lamang ako para sayo. Sana'y wag kang sumuko kapag napapahanon na para pasukin mo ang buhay na hindi mo inaakala maging makatutuhanan." Aniya.

"Po, ano po bang sinasabi niyo?" Natatakot kong bigkas."Hindi ko kayo maintindihan!?"

"Apo, pahanon na. Dahil ikaw ang nakatakda, ikaw ipinili, ikaw ay siya, iisa kayo. Ngunit may maraming lang pagbabago ngayon sa kasalukuyang ikaw. Dahil ikaw si Pathima na nabubuhay noon sa kasaysayan ngayon sa kasalukuyan."

"Lola, apo ba sinabi niyo?"

"Wag kang matakot apo, wag kang matakot Pathima." Naalimpungutan ako at hinihingal na bungon. Nakahawak ako sa dibdib ko ang lakas ng tibok nito; hindi ko alam pero parang totoo yung panaginip na iyon.

Nagmamadali akong tumungo sa banyo. Nang pagbukas ko ng pinto ay nagulat akong may babaeng naliligo. "Ahhh!!! Ano ba ang ginawa mo dito!" Singhal ko."sino ka ba?"

First and last love Where stories live. Discover now