Chapter 1

61 10 1
                                    

Chapter 1

Sa araw-araw nating pamumuhay, kung minsan ay talagang nakakapagod na ang araw-araw na paulit-ulit nating gawain.

Gigising, kakain, maliligo, magbibihis, papasok sa eskwela o trabaho, uuwi, magpapahinga sandali at kakain, maliligo, at muli na namang matutulog.

As the cycle goes on, many things will run into your mind. Like how it feels like if your world wasn't like that. What if you have different life?

That's why, it's really important that you always have different perspective in life. Para hindi ka mabagot at mapagod.

Ngunit para kay Emily Loren Dionisio Cruz, ang buhay ay napakakulay lalo na kung nakikipag-usap siya sa mga kliyente nila.

Itinuturing niyang chismis iyon at tila nabubuhay siya dahil doon.

Hindi naman siya pressure kahit pa nga ba isa siyang panganay na anak. Katunayan kasi, may business naman ang mga magulang niya, kaya natutustusan ng mga ito ng maayos ang ibang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ngunit kung minsan, talagang pini-pressure niya ang sarili, lagi niya kasing isinasaisip na ang hindi naman madalas na maayos ang lahat.

Lahat ng bagay ay talaga kinokonsidera niya para mas lalo siyang ganahan na ayusin ang trabaho niya bilang relationship manager sa FYP Advertising Agency.

"Ms. Cruz, you really had a big potential. Especially in handling people, that's why I'm promoting you into the position of being a relationship manager," her boss, the Executive Director, Ms. Carmona Franciano said when she was called to her office.

Ang posisyon kasi talagang pinasukan niya noong una ay graphic designer at palaging hindi nagugustuhan ng mga katrabaho niya ang gawa niya. Kaya naman akala ni Emily ay sisibakin na siya sa trabaho.

"Is that true, Ms. Franciano? Hindi niyo po ba ako binibiro niyan?"

Itinuro naman ni Carmona ang kaniyang sarili. "Do I look like I'm joking, Ms. Cruz? I know that you might think that I'll fire you after knowing how you do in your post. I'm not like my father, Ms. Cruz. I always consider everything before I fire someone."

Tunay kasi talagang strikto at ruthless ang ama ni Carmona kaya naman lahat ay takot na takot at ayaw na ayaw magkamali. Iyon nga lang, nagbago ang ihip ng hangin sa pagdating ni Carmona.

"Gosh! Thank you so much po talaga, Miss. I'm so happy that you didn't fire me. I swear, I'll never disappoint you."

Tumayo si Emily at nakipagkamay sa kaniyang boss. At simula nga sa araw na iyon, mas naging maayos ang trabaho niya.

Talagang mas na-enhance ang skill niya sa pakikipag-usap sa tao. Noon pa man kasi talaga, talkative na siyang tao. Kaya nga laging napapatawag ang mama niya dahil sa pagiging maingay niya.

"Paano ba iyan, Ms. Fely, aasahan ko po na sa amin ka na kukuha ng services, ah? Magiging malaking tulong po talaga iyon sa amin."

"Aba'y oo naman, Emily. Sa galing mo ba naman, ay talagang na-sales talk mo ako. Isa pa, talagang aprubado ang agency niyo ng kaibigan ko. Ang galing-galing daw talaga ng team niyo at talagang naging mabenta sa tao ang produkto niya."

"Naku, pakisabi po sa kaibigan niyo na maraming-maraming salamat. Ah, mauna na po pala ako. Baka naaabala ko na kayo." Tumayo na nga si Emily dahil kung patuloy lang siyang nakaupo, paniguradong tatagal pa lalo ang usapan nila ni Ms. Fely.

Tumayo na rin si Ms. Fely at nakipagkamay sa kaniya. "Siya, mag-iingat ka. I hope I can talk to you again, soon, Emily." Habilin pa nito bago siya tuluyang pinaalis.

Masked Heart | Lies Between Lines Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon