Chapter 3

51 10 5
                                    

Chapter 3

"Naku, anak, hindi nga malabong hindi mo na maalala pa si Gabriel. Dalawang taon lang kasi tinanggal ang pagkakaibigan niyo bago tayo tuluyang lumipat ng bahay. Isa pa'y nawalan na rin ako ng komunikasyon sa mga magulang niya kaya hindi na talaga nadugtungan ang pagkakaibigan niyo," wika ni Emiarana habang nakatingin sa litrato.

Nagsimula na rin itong mag-kuwento. "Naalala ko pa noon, aba'y hindi talaga kayo mapaghiwalay na dalawa. Kung minsan nga, naisip namin ni Kizeah na ipagtambal na lang kayong dalawa sa sobrang cute niyo."

"At alam mo rin ba, anak? Sobrang maalaga ni Gabriel sa iyo noon. Kapag umiiyak ka, agad ka niyang bibigyan ng chocolate o kaya naman ay candy. Minsan ay yayakapin ka lang niya, tatahan ka na agad. Kaya talagang gusto namin kayong pag-partner-in dati. Super sweet at cute niyo kasi talaga," pagpapatuloy pa ng kaniyang ina sa kuwento nito.

Si Emily naman ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kapag muli niyang makita sa trabaho si Gabriel. Iniisip niya rin kung iiwasan na lang niya ang binata o kakausapin tungkol sa ikwinento ng kaniyang ina.

"Oh, anak, bakit para atang nangangamatis ka riyan? Kinikilig ka rin ba sa kuwento ko?"

Hindi naman nakapagsalita agad si Emily pero agad din naman niyang itinanggi ang paratang ng ina. "Mama naman. Me? Kinikilig? Nope! Not ever!"

Natawa na lang ang kaniyang ina sa naging reaksyon niya tapos ay inasar-asar siya. "Sus! Alam mo, anak. Huwag kang magsalita ng tapos. Malay mo, magkita ulit kayo. At ika nga sa kanta ng isang movie, 'maybe this time, it'll be lovin' they'll find . . . maybe now they can be more than just friends'. Kaya, anak, hanapin mo na siya. Para mangyari na nga ng kanta ko."

Literal talaga na kinanta ng kaniyang ina ang lyrics. Napa-face palm na lang si Emily at basta na lang iniwan ang ina sa couch. Ngunit bago siya tuluyang pumanhik sa kaniyang kuwarto.

"Hindi ko na siya kailangang hanapin pa, 'Ma. We already meet again at work."

At ayun na nga, naghihiyaw ang kaniyang ina sa tuwa. Siya naman ay napailing-iling na lang at nagtatakbo patungo sa kaniyang kuwarto.

Pagdating ng kanilang hapunan, kinulit talaga siya ng kaniyang mama. Tinanong kung ano na ang itsura ngayon ni Gabriel.

Wala namang nagawa si Emily kung hindi ipakita sa ina ang picture na si-nend sa kaniya ni Casiel. At inatake na naman nga ng kilig ang kaniyang ina.

Kahit ang papa niya ay hindi inawat ang mama niya. Medyo nakisali pa nga ito sa pang-aasar sa kaniya. Kaya naman napanguso na lang siya dahil napagkaisahan na siya ng kaniyang pamilya.

"Naku, anak, kailangan na makita kami ulit nitong si Gabriel. Para naman malaman ko kung ano ang kalagayan ngayon ng mga magulang niya. Imbitahin mo kaya siya rito sa atin?"

"Mama naman, hindi pa nga kami ulit nakakapag-usap ni Gabriel. Atsaka, I don't know how to approach him and to tell him na magkababata kami. Baka nga nakalimutan niya na rin ako, eh," katwiran naman ni Emily sa sinabing iyon ng kaniyang ina.

Ngunit hindi naman nagpatinag ang kaniyang mama. Talagang pinipilit siya na makausap nito si Gabriel. "Anak, susubukan mo lang naman. Oh, edi ipakita mo una ang picture 'tsaka mo sabihin sa kaniya na magkababata kayo. 'Di ba, madaldal ka naman, anak. Edi gamitin mo na iyang kadaldalan mo para makausap si Gabriel."

"Hon, mabuti pa'y hayaan mo na lang muna ang panganay mo. Aba'y kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya at ikaw ang kababata ko. Mahihiya rin akong i-approach ka. Sa ganda mo ba namang nakakasilaw, eh."

Sa banat na iyon ni Elizar, nabaling tuloy sa mag-asawa ang asaran. Napangiti na lang si Emily at nagpasalamat sa tulong na iyon ng kaniyang papa.

Nang matapos na si Emily sa kaniyang pagkain, nagpaalam na siyang aakyat para makapagpahinga.

Sa kaniyang pag-iisa sa kuwarto, nagmuni-muni siya. Iniisip niya kung ibabahagi niya ang kaalaman na magkababata sila ni Gabriel kay Casiel.

Baka kasi hindi nito mapigilan ang bibig at bigla na lang ikwento sa iba iyon.

Kaya ang ending, puyat siya. Wala siyang tulog dahil sa pag-iisip. Ayon sa kaniyang pamilya, mukha siyang panda dahil sa kapal ng eyebags niya.

"Oh, Em! Anong nangyari sa 'yo? Bakit naka-aviator ka? Wala namang araw dito ah?" Bungad na puna ni Casiel matapos niyang makaupo sa cubicle niya.

Kahit pa nga napansin iyon ng kaibigan, hindi pa rin tinanggal ni Emily ang aviator. Inayos niya ang kaniyang gamit at binuksan ang computer.

"Wuy! Para ka namang bingi ngayong araw, Em. May problema ka ba?" usisa pa ni Casiel.

Isang buga muna ng hangin ang ginawa ni Emily bago hinarap ang kaibigan at dahan-dahang tinanggal ang aviator.

Napanganga na lang si Casiel pero agad din naman itong nakabawi at nagtanong. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit mukha kang sabog?"

"Wala, Siel. Bumalik ka na sa cubicle mo at baka mapagalitan pa tayo. Mamaya na lang tayo mag-usap. I promise, I'll tell you everything later."

"Okay, sige! Sabihin mo lahat, ha? Kaltukan talaga kita kapag hind imo sinabi sa akin."

"Oo na, sige na, bumalik ka na sa pwesto mo."

Naging masunurin naman si Casiel, bumalik na nga ito sa pwesto nito. Iyon nga lang, pagdating ng kanilang lunch break, nakabuntot na agad sa kaniya ang kaibigan.

Hinila siya nito papalabas ng kumpaniya. Sa isang karinderiya sila nagtungo.

"Wala kasi akong baon kaya dito na lang tayo bumili ng pagkain natin," sambit nito habang namimili ng gustong kainin.

Hindi naman umangal si Emily dahil gusto niya rin naman na kumain doon. Nag-ke-crave rin kasi siya ng laing at sa karinderiya ni Aling Maria kung nasaan sila ngayon, masarap ang laing.

"Oh, mag-kwento ka na. Para naman mas lalo akong mabusog dahil sa i-chi-chika mo sa akin."

"Chismosa ka talaga. Para kang hindi mabubuhay kung wala kang chismis na masagap, eh, noh?"

Tinawanan lang iyon ni Casiel at muli na namang siyang kinulit. Kaya wala na siyang nagawa pa kung hindi banggitin sa kaibigan ang tungkol sa pagiging magkababata nila ni Gabriel.

"Grabe noh? Ang liit talaga ng mundo. At mukhang kakampi niyo si tadhana, pinagkita ba naman kayo ulit matapos ang ilang taon. Eh, anong balak mo ngayon? Will you tell him about it?"

Nagkibit-balikat si Emily. "I don't know, Siel. Ilang years na rin ang nakalipas tapos pa, ni hindi ko siya agad naalala at nakilala. Malay mo, hindi na rin niya ako nakilala pa."

"Aba, Em! Bakit kasi hindi mo kausapin. 'Tsaka alam mo, naalala ko lang, may nabanggit siya sa akin na parang naaalala ka raw niya sa dati nitong childhood friend. So, baka nga ikaw ang tinutukoy ni Gabriel."

"Totoo ba iyan, Siel?"

"Oo nga, kaya kung ako sa iyo. Makipagkilala ka ulit sa kaniya. Tanungin mo siya kung naaalala ka pa niya. Malay mo, sabi nga sa kanta—"

"Hep! Huwag mo nang ituloy pa. Alam ko na ang gusto mong kantahin, kinanta na ni Mama iyan sa 'kin kahapon," pagpigil ni Emily sa binabalak ng kaibigan.

"Wow, mukhang supportive rin ang mama sa magiging future ng kaniyang anak. Isang ayie talaga para sa iyo, Em. Kakilig, ay!"

Inirapan na lang ni Emily ang kaibigan at ipinagpatuloy ang pagkain. Sa kanilang pagbalik sa loob ng opisina, nakita nila si Gabriel na nakikipag-usap sa iba nilang katrabaho.

Bahagyang sinipat ni Emily si Gabriel at dahil doon, napansin niya ng kwintas na nakasabit sa leeg nito. Hindi lang iyon, ang pendant ay curving letter na letter 'E'.

May isa na namang tumakbong palaisipan sa isip ni Emily. Nagsisimula sa letter E ang pangalan niya, hindi kaya, siya nga ang pinapahiwatig sa kwintas na iyon?

O baka naman masiyado lang talaga siyang overthinker. Baka mamaya ay may girlfriend pala si Gabriel at ang initial ng pangalan ng girlfriend ay letter E rin.

Pinilig na lang ni Emily ang kaniyang ulo at bumalik na nga sa cubicle niya. Hihilahin sana siya ni Casiel patungo kina Gabriel kaso lang mas mabilis siyang nakalayo sa kaibigan.

Kaya wala na rin itong nagawa kung hindi hayaan siyang bumalik sa kaniyang trabaho. Ngunit, iyon nga lang, hindi siya makapag-focus dahil sa lintek na pendant ng kwintas.

Masked Heart | Lies Between Lines Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon