Chapter 4
Nakasimangot na bumalik sa opisina si Emily. Galing kasi siyang labas dahil akala niya na sa wakas ay magkakaroon ulit sila ng panibagong kliyente.
Iyon nga lang, pinapunta lang talaga siya sa café na meet-up nila para pagurin.
Emily tried calling the client's number, but it only led in one thing, the number was now unreachable. Kaya si Emily, walang nagawa kung hindi bumalik sa opisina.
She made an effort, but it got all wasted.
"Oh, Em! Nakabalik ka na pala. Nag-lunch ka na ba?" concern na tanong ni Casiel na siguro'y nanggaling sa pantry.
May hawak pa kasi itong coffee mug.
"Ayos ka lang ba? Kumusta iyong kliyente mo? Done deal ba?" Sunod-sunod na katanungan pa nito.
Umiling lang si Emily bilang sagot 'tapos ay binuksan ang computer niya.
Isang marahang haplos at tapik sa balikat naman ang iginawad ni Casiel para sa kaniya.
"Okay lang 'yan, Em! Magkakaroon ulit tayo ng matinong kliyente. Hintay-hintay ka lang." Matapos niyon ay iniwan na nga si Casiel sa cubicle niya.
Masama ang loob ni Emily, umabot sa puntong gusto niyang murahin sa social media ang taong nagpaasa sa kaniya.
Nga lang, naisip niya rin naman agad ang kapakanan ng kompanya. Kung gagawin niya iyon, paniguradong mas mapapasama ang lagay ng FYP.
Maya-maya pa'y tumayo na lang si Emily at pumunta sa pantry. Gagawa na lang siya ng kape para mabawasan ang inis niya.
Habang tahimik siyang nagtitimpla, may sumunod pala sa kaniya. Akala pa niya ay si Casiel iyon.
"Alam mo, Siel, ang sarap talaga manampal kanina. Kung pwede ko lang sugurin ang taong iyon, sinabunutan ko na siya," paglalabas niya ng kaniyang sama ng loob.
Nakatalikod kasi siya sa may pinto kaya hindi niya talaga nakita kung sino ang pumasok.
"Stay calm, Emily. Hindi dapat pinapairal ang init ng ulo. Lalo na sa panahon ngayon," ani baritonong boses na bahagyang nagpatindig ng kaniyang balahibo.
Nakaramdam din siya ng hiya dahil sa pinagsasabi niya.
Oh, lupa! Shucks! Kainin mo na lang ako.
Mariing napapikit na muna si Emily bago nagmulat ng mga mata at nilingon si Gabriel. Nahihiya siyang ngumiti sa binata.
"G-gabriel! Uh, a-anong ginagawa mo rito?"
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta sa pantry at magtimpla ng kape?" amuse naman na tanong ni Gabriel. May kaunting ngisi sa labi nito.
"Ay, hindi! Ah, kasi nagtitimpla rin ako ng kape. Ay, oo ng apala, iyong kape ko." At nataranta na nga si Emily. Binalikan niya ang pagtitimpla ng kape, matapos niyon ay aalis na sana siya sa pantry para iwan si Gabriel ngunit pinigilan naman nito ang pag-alis niya.
"Mabuti pa, dito na lang natin inumin ang kape. Baka kasi kung sa malapit sa computer mo iyan iinumin, eh, masira pa ang computer. Dagdag gastos pa iyon sa 'yo."
"Ay, oo nga, noh. Okay, sige! Bibilisan ko na lang."
Mahinang tumawa si Gabriel na siyang nagpakunot naman ng noo ni Emily.
"Hindi mo kailangan na iwasan ako, Emily Loren. Pero gets ko naman, baka naiilang ka lang. But you know, I can't keep my distance with you anymore. Hindi ko na matiis na hindi ka kausapin at tanungin kung kumusta ka na ba? How's life treating you so far since the day we part ways?"
BINABASA MO ANG
Masked Heart | Lies Between Lines Series #2
RomanceMasked Heart LIES BETWEEN LINES SERIES COLLABORATION #2 Genre: Office Romance x Secret Identity Status: On-Going/Very Slow Update Love is always everywhere; no matter where you go, there's love. There's love for family, for friends, and most especia...