Chapter 5
Kitang-kita ni Emily ang mga ngiti sa labi ng kaniyang ina. Pati ang ka-excited-an nito.
"Naku, anak! Ipagluluto ko talaga si Gabriel ng paborito niyang afritada. Sigurado akong na-miss niya ang luto ko. Basta, sabihin mo sa kaniya na dapat ay makabisita siya agad dito, okay?"
Hinawakan ni Emily ang balikat ng kaniyang ina. "'Ma, ikalma mo lang iyan. Huwag mo naman pong ipahalata na mas excited ka kaysa sa akin. Huwag ka pong maging si OA, ah." Natatawang sambit ni Emily.
Ang ina naman niya ay agad na umangal sa kaniyang sinabi. "Hoy, Emily Loren. Anong si OA ako? Che! 'Di ba pwedeng natutuwa lang talaga ako dahil makikita ko na ulit si Gabriel?"
Napailing-iling na lang si Emily. Wala na siyang sinabi pa dahil paniguradong mas hahaba pa ang usapan nilang mag-ina. Nagpaalam na lang siya na papanhik na muna sa kuwarto niya para magpahinga.
Nakaidlip si Emily, sa kaniyang paggising, nakaramdam siya ng gutom. Kaya naman inayos niya muna ang sarili bago bumaba para pumunta sa dining nila.
Iyon nga lang, sa pagpunta niya sa hapag-kainan nila, kumakain na ang pamilya niya. Aba't 'di man lang siya hinintay. Magtatampo na sana siya kung hindi lang nagsalita ang kaniyang ama. Ito kasi ang unang lumingon kaya siya nakita.
"Gising ka na pala, Emily. Kumain ka na rin dito. Kanina ka pa ginigising ng mga kapatid mo kaso lang ay mukhang naging mahimbing ang tulog mo kaya hindi ka nila magising." Itinuro ng kaniyang ama habang nagsasalita ang kadalasan niyang pwesto sa hapag.
Mabilis naman na nagpunta sa pwesto niya si Emily at naupo. Hindi na niya kailangan pa na kumuha ng plato't kubyertos dahil may nakahanda naman na roon.
"Magtatampo na sana ako. Akala ko, ayaw niyo akong kasabay, eh." Ungot ni Emily habang nagsasandok ng kanin.
"Hala, ang ate! Ganiyan ba kapag may paparating na jowabels po? Nagiging pabebe," asar ni Emar, ang bunso niyang kapatid.
"Uy, anong jowabels? Imbento ka, boi, ah!" Kaila naman ni Emily at sinamaan ng tingin ang kapatid. Pero hindi naman tumigil ang kapatid, patuloy pa rin siyang inasar.
"Asus, ang ate, forda deny pa. Huwag mo na pong ikaila, si Mama na mismo ang nagsabi na magkaka-jowa ka na. Kinukwento kaya niya sa amin kanina."
Mabilis naman na napatingin si Emily sa ina. "Mama naman!" Pinanlakihan pa niya ng mga mata ang ina.
Si Emiarana naman, parang walang narinig at tinawanan lang ang naging reaksiyon niya.
"Oh, tama na nga. Huwag mo nang asarin pa ang ate mo, Emar. Kapag iyan umiyak ay ikaw ang magpupunas ng luha niya, sige ka." Akala ni Emily, ipagtatanggol siya ng ama, iyon pala, may halong pang-aasar din ang sasabihin nito.
Kaya naman napasimangot na lang si Emily at isa-isang tinarayan ang kaniyang pamilya. Iyon nga lang, ang mga ito ay tinawanan lang siya.
"Nakakainis kayo, para kayong hindi family. Hmp!"
"Ate naman kasi, saan pa ba patutungo ang lahat, 'di ba? Edi sa pagiging mag-nobyo niyo ni Kuya Gabriel. Hindi man ngayon, baka sa mga susunod na araw, manligaw na iyon siya sa 'yo, Ate." Pangangatwiran naman ni Elias. Iginigiit ang nais na ipunto ng kanilang pamilya sa kaniyang ate.
"Alam niyo, itigil niyo na 'yan, 'wag kayong masiyadong maging overthinker at fast thinker. Hindi naman natin hawak kung ano ang nasa future, okay? Kaya tigilan niyo na ako. Lalo na si Gabriel. Baka mamaya, kapag nandito iyong tao, maisipan niyong asar-asarin ako, ah. Ay, sinasabi ko sa inyo, family, hindi ko talaga kayo papansinin," mahabang litaniya ni Emily habang pinupukulan ng masamang tingin ang bawat isa sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Masked Heart | Lies Between Lines Series #2
RomanceMasked Heart LIES BETWEEN LINES SERIES COLLABORATION #2 Genre: Office Romance x Secret Identity Status: On-Going/Very Slow Update Love is always everywhere; no matter where you go, there's love. There's love for family, for friends, and most especia...