Simula

64 9 8
                                    

Simula

Natulala na lang sa pagtitig sa bukas na laptop si Emily. Umaapaw na ang pagkalito, pagkabigo, at sama ng loob sa kaniyang puso.

Hindi niya maintindihan kung bakit kinailangan na maglihim ni Gabriel sa kaniya. Handa naman niyang lawakan ang isip niya, ngunit hindi man lang siya binigyan nito ng pagkakataon.

Isn't she not worth trusting for? Isn't she his girlfriend, so why? Why didn't he trust her enough?

Pakiramdam tuloy ngayon ni Emily na hindi naman siya katiwa-tiwalang tao. At tila na-traydor siya dahil hindi man lang sinabi ni Gabriel ang tunay talaga nitong pakay sa pinagta-trabahuhan niya.

Ngunit tama nga sila, kapag ang isang tao ay na-curious na alamin ang isang bagay, maaaring maging resulta nito ay sakit sa iyong puso.

At iyon na nga ang nararamdaman ngayon ni Emily.

Nang marinig ni Emily ang kaluskos kung saan nag-iba ng pwesto ng higa si Gabriel, mabilis na niyang inalis ang tab na nakabukas at pinatay na rin ang laptop ng binata.

Gusto niya rin sanang kumprontahin si Gabriel pero para saan pa? Lumabas naman na rin ang katotohanan. Kaya mas pinili na lang ni Emily na umalis sa pad na tinutuluyan ni Gabriel.

Mabigat ang dibdib niya ngunit walang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. She just felt so betrayed and untrusty.

"Ate Mil? Gising ka na ba? Nasa baba ulit si Kuya Gab. Gusto ka raw niyang makausap," tanong ni Eliana matapos nitong kumatok na muna bago nagsalita.

Tatlong araw na niyang hindi nilalabas si Gabriel matapos ang gabing iyon. Tumatawag at nag-te-text din ang binata pero hindi naman iyon sinasagot ni Emily.

Wala siyang ibang ginawa sa kuwarto niya kung hindi ang tumunganga sa kisame at nakahiga lang. Ni hindi nga niya maisipan na maligo. Para rin kasing tinatamad siyang magkikilos.

"Ate, alam kong gising ka. Bakit ba kasi ayaw mong kausapin si Kuya Gab?"

Akala ni Emily, umalis na ang kapatid niya dahil hindi naman siya nagsalita, iyon pala'y naghihintay pa rin ito sa labas ng kuwarto niya.

"Ate, hello, gusto mo bang katukin na lang kita nang katukin para naman maisipan mo na talagang buksan itong pinto mo at lumabas na rito," patuloy pa ring pangungulit ni Eliana. May halong asar na sa boses nito.

May boundary at usapan silang magkakapatid, hindi dapat basta-bastang papasok sa kaniya-kaniyang kuwarto dahil privacy nila iyon. Kaya kampante si Emily na hindi talaga susubukan ni Eliana na pasukin siya sa loob.

Ipipikit na sana ni Emily ang mga mata niya ngunit isang boses ang tila nagpagunaw sa mundo niya.

"Loren? Loren, alam kong naririnig mo ako. Talk to me, please? Ano ba ang nagawa ko? Why don't you want to talk to me, Loren?" His voice sound so tired and begging. She doesn't see him but she can feel that he looks so devastated.

"Sabihin mo naman sa akin, oh. Kung bakit ayaw mo akong makausap o makita man lang. Loren, miss na miss na kita."

Gaano man kasakit ang tono ng boses ni Gabriel habang nagsasalita, hindi naman balak na magpatinag ni Emily.

She really doesn't have the mood to talk to him. Even face him, she might say something that will hurt them both.

Tumayo si Emily, hindi para pumunta sa may pinto, kung hindi para pumunta sa banyo. May nararamdaman kasi siyang kakaiba.

Dalawang araw na siya talagang nanlalata. Hindi niya rin maintindihan kung bakit panay ang suka niya. Kaya nga wala rin siyang gana na kumain dahil ang ending, sinusuka niya lang.

Habang nasa banyo siya ay naririnig pa rin niya ang pagsusumamo ni Gabriel. Hanggang sa sabihin ng kapatid niya na umalis na lang ito.

Lupaypay si Emily na bumalik sa kaniyang kama. Panay rin siyang hingang malalim at buga ng hangin.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi na nga ako kumakain pero panay pa rin ang suka ko. Nahihibang na ba ang tiyan ko?

Nasa kalaliman ng kaniyang pag-iisip si Emily nang may kumatok muli sa pinto niya. Hihiyawan na sana niya ang taong iyon ngunit ang ina niya pala iyon.

"Anak? Alam kong gising ka. Ano ba ang nangyayari, anak? Pati trabaho mo ay naaapektuhan na rin. Kausapin mo naman ang mama, anak, oh. Miss ko na ang bestfriend ko, lalo na ang panganay ko. Naiipon na ang mga kuwento ni Mama, anak."

Walang nagawa si Emily kung hindi pagbukas ng pinto ang ina. 'Tapos ay mabilis niyang ipinalibot ang kaniyang mga braso sa ina. "'Ma," maluha-luhang sambit ni Emily.

Agad naman siyang inalo ng kaniyang ina. Tinanong kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya. Kaya walang nagawa si Emily kun'di ang mag-kuwento sa mama niya.

"Anak, hindi naman sa pinangungunahan kita. Pero ang sa akin lang, walang nareresolba na problema kung hindi pag-uusapan. Lalo na kung hindi mapapakinggan ang side ng isa. Mahirap talaga ang miscommunication. Kaya naman, kausapin mo na si Gabriel at gawin mo kung ano ang sa tingin mong tama," payo ng kaniyang ina habang marahang hinahaplos ang likod ni Emily.

Sa gaanong paraan, medyo nagiging maayos na ang nararamdaman ni Emily. She really finds comfort in her mother's presence. That's why, she grew up saying everything to her.

Ang mama niya talaga ang tinuturing niya na pinakamatalik niyang kaibigan. Lahat ng damdamin at saloobin niya ay nasasabi niya talaga rito.

"At, anak, magpatingin ka na sa Ob-Gyne. Para naman malaman mo ang kalagayan mo. Para malinawan na tayo."

Niyakap niya ulit ang kaniyang ina. "Salamat, Mama. At salamat sa pag-intindi sa akin."

"Siyempre naman! Anak kita at 'di ba't kaibigan mo rin ako. Kaya pwedeng-pwede mong sabihin sa akin kahit ano. Pero, anak, maligo ka na rin, okay? Naiiba na kasi ang amoy mo. Parang hindi na nakakatuwa na amuyin." Sabay tawa ng kaniyang ina.

Siya naman ay tila naaasar na umangal sa sinabing iyon ng kaniyang ina. "Mama naman, eh. Mabango pa rin naman ako, ah."

Tumawa na lang silang dalawa. 'Tapos ay nagpaalam na ang ina niyang aalis na sa kuwarto niya.

"Basta, maligo ka na, anak. At baka maging kaamoy mo na talaga ang bango noong trash bin natin," huling asar ng kaniyang ina bago tuluyang umalis sa kuwarto niya.

Sa araw rin na iyon, nagpunta nga sa ospital si Emily. Natuwa pa nga ang mga kapatid niya dahil lumabas na siya sa kuwarto niya.

Inasar-asar pa nga siya ng mga ito, inakala na magiging taong kuwarto na siya habangbuhay. Inirapan na lang niya ang mga kapatid bago nagpaalam na aalis na muna.

At sa pagpapa-check-up niya nga, doon na niya tuluyang nalaman ang dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng kakaiba sa nagdaang dalawang araw.

"Doc, sigurado po ba talaga kayo? Baka nagkakamali ka lang po sa sinabi niyo," paninigurado ni Emily.

"Miss Cruz, I know that this might be a shocking news to you. Especially that you're alone hearing it but it is really true. If I lie, it will affect to my professional and my license."

Hindi na alam ni Emily kung ano nga ba ang dapat niyang maging reaksiyon. Lalo pa nga ngayon na hindi sila nag-uusap ni Gabriel.

Sasabihin niya rin ba ang balitang iyon sa nobyo? O itatago na lang niya sa kaniyang sarili? Unfair bang matatawag kung iyon nga talaga ang gagawin niya? O tama lang na itago na lang nga niya ang bagay na iyon?

Masked Heart | Lies Between Lines Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon