Kabanata 9

34 2 0
                                    

Kabanata 9

Palace of Hell

"So If the Devil asks you to Dance, You better say Never. Because a Dance with the Devil might last you Forever."

Note: 3rd person's POV for this chapter.

**

Napa-atras si Rayna sa kanyang kinatatayuan ng magsagawa ng ingay ang dragon. Bumilis ang pag-alon ng dagat ng apoy at pagsasalubong nito sa isa't isa. Naramdaman niya ang matinding init ng kapaligiran. Ang matatalim na tingin ng dragon sa kanya ay mas lalo pang lumalim.

"Anong ginagawa ng isang tao sa lugar na ito?!" Sigaw nito. Hindi mawari kung iritado ba o nasisiyahan siya sa nakita.
Kinilabutan siya sa narinig. Isang nagsasalitang dragon. Kulay itim ito at may bahid na pula sa ibang parte ng katawan. Sa pagbukas niya ng kanyang bibig ay nakita ni Rayna ang ngipin nitong 'sing tilos ng isang patalim. Sobra-sobrang kaba at takot na ang nararamdaman niya. Narinig ni Rayna ang nakakapangilabot na halakhak. Dahil sa oras na maramdaman ng isang demonyo na natatakot ang biktima nito ay lalo itong ginaganahan. Lalo itong lumalakas at nabibigyan ng kakaibang enerhiya. Natutuwa ang dragon sa ipinakitang emosyon ni Rayna.

"A-Ako si Rayna.. Hindi ko inaasahang mapunta rito! Paki-usap 'wag mo kong papatayin!" Namuo ang luha sa mata ni Rayna.

Saglit na natigilan ang dragon sa kanyang sinabi na ipinagtaka ni Rayna. Nanliit ang mata nitong tumitig sa kanya. Sinuri niya ang pisikal na anyo nito. Winagayway niya ang malalaki niyang pakpak dahilan para humangin ng malakas. Niyakap ni Rayna ang kanyang sarili ng maramdaman ang init ng hangin. Walang araw na makikita ngunit sobrang init ng paligid.

"Ikaw si Rayna.." Tuluyang bumangon sa kanyang pagkakaupo ang dragon. Napatingala si Rayna dahil sa sobrang taas at laki nito, "Ikaw ang taong hinahanap-hanap ng aming panginoon? Ikaw ba talaga?"

Tumitig si Rayna sa mukha ng dragon at dahan-dahang tumango. Nanginginig ang kanyang tuhod dulot ng matinding takot dito. Wala siyang kaalam-alam kung anong nangyayari at mangyayari sa kanya rito. Tumulo ang luha nitong kanina pang nagbabadyang kumawala sa kanyang mga magagandang mata. Naalala niya ang kanyang pamilyang iniwan niya sa mundo nila. Wala pa siyang isang oras na nawawalay sa kanila ay naramdaman na agad niya ang pagkasabik na muli itong makita at mayakap.

"Matutuwa ang panginoon sa oras na malaman niya na ang kanyang mahal ay nakapunta sa kanyang kaharian!" Gumawa ng kakaibang ingay ang malaking dragon. Yumuko lang si Rayna at napa-iling. Nawawalan na siya ng pag-asang makabalik sa kanila. Tumingin siya sa kanyang likod, nagbabaka sakaling nandoon pa rin ang portal na kanyang napasukan ngunit wala siyang nakita bukod sa madalim na kagubatan at ang lupang pinagbagsakan niya.

"Anong nangyayari dito?"

Mula sa madilim na gubat ay nakita niya ang isang pigura. Nang tumama ang liwanag ng mapulang kalangitan sa kanya ay nakita ni Rayna at ng Dragon ang isang babaeng may ahas sa kanyang balikat. Mahaba at kulot ang kanyang buhok at morena ang kulay ng kanyang balat. Maganda ang pangangatawan nito at parang balat ng isang hayop ang suot-suot nitong damit. Nakikita ang kanyang puson at maiksi ang kanyang pang-ibaba kaya kitang kita ang magandang hugis ng kanyang hita at binti. Kita rin ang hawi sa kanyang dibdib. Napa-awang ang bibig ni Rayna ng makita kung gaano ito kaakit-akit. Niyayakap ng kanyang suot ang katawan ng babae kaya kitang-kita kung gaano kaganda ang hubog ng katawan nito.

"Ikaw pala, Lilith." Bigkas ng Dragon, "Ang babaeng ito ay ang magiging Reyna ng kaharian ni Satan!"

Lumingon ang tinawag niyang Lilith sa kanya. Pinaglalaruan nito ang ahas sa kanyang balikat. Ngumiti ito sa kanya at bahagyang lumapit. May halong kaba at takot na maaaring saktan siya nito dahil alam niyang isa rin itong demonyo ngunit namamangha rin si Rayna sa babaeng nagngangalang Lilith.

How to Escape from the Demon World?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon