Kabanata 10
Missing
"Everyone wants the truth but no one wants to be honest."
**
Tinalikuran ko na si Lilith at sa pagsara ng pintuan ng aking kwarto ay doon mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Sumandal ako sa pinto at unti-unting napaupo habang yakap ang sarili at umiiyak. My tears won't stop falling! Kahit na anong pigil ko sa pagpatak nito ay para lang ako nitong tinatraydor.
Nakakainis! Ayokong magtanim ng galit pero iyon ang ginagawa ko sa ngayon at hindi ko iyon gusto! So all this time ay nalinlang ako? Na ang akala ko'y kadugo ko ngunit hindi pala totoo? Gusto ko silang palakpakan dahil sa galing nilang umarte na tunay nila akong kadugo. Lalo na si Kuya Lexis.. Oh, si Raphael! Pinaghahampas ko ang sahig at inis na pinunasan ang basa kong pisngi kahit na alam kong mababasa pa rin ito.
Masakit.
Masakit malaman na hindi ka totoong kabilang sa pamilyang iyon. Masakit malaman na imbento lang ang mga alaala ko sa kanila simula pagkabata. Ang sakit malaman na hindi ka nila totoong anak. Na hindi mo sila tunay na kapatid. Sobrang sakit. Minahal ko sila ng totoo.. sila kaya? Totoo rin ba ang pagmamahal nila sa akin kahit hindi nila ako kadugo? Alam ni Mama at Papa. Pero kailanman ay hindi nila sinabi sa akin na ampon lang ako at hindi nila tunay na kadugo. Ang sakit sakit sakit! Parang ilang beses na sinaksak ng punyal ang dibdib ko sa katotohanang iyon! Parang pinapatay ako ng ilang beses! Sobrang sakit! Nagawa nilang ilihim sa akin iyon. Hindi ba nila naisip na masasaktan ako ng sobra? Bakit pa kasi nila pinatagal kung alam din nilang habang tumatagal ay mas lalo lang akong masasaktan? Bakit hindi nila sinabi sa akin kung kelan bata pa ako para maging bukas ako sa mga kilos at pagtrato nila sa akin?
Bigla kong naalala si Hailey. Pati ba ang nakaraan namin, kathang isip lang? Gawa-gawa lamang? O sadyang nagkita lang kami at sa ngayon ay naging matalik na magkaibigan?
Kung ang kinilala kong kuya ko ay isang anghel.. hindi kaya.. hindi kaya isang anghel o demonyo rin si Hailey? Kasama rin ba siyang nagpapanggap na ako si Rayna Azalea Carlson at hindi si Rayna Anderson? Kasabwat ba siya ni Sariel o ni Satan? Kung oo, gusto ko na lang mamatay. Sobrang sakit na. Ang sakit sakit isipin na kahit ang bestfriend ko ay kabilang sa kanila. How about Fran? Isa ba siyang anghel o demonyo? May alam ba silang lahat tungkol dito? Pakiramdam ko naloko ako ng buong mundo.
Tumayo ako at nagtungo sa kama at humilata. Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung pisikal na napapagod ako dahil ang haba ng nilakad namin kanina o pagod na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko at sa pag-iyak ko. Niyakap ko ng mahigpit ang isang unan sa tabi ko.
Gagawa ako ng paraan para makatakas dito. Para makatakas sa lahat. Pag nagawa ko iyon ay lalayo ako sa kanila at hinding hindi ako magpapakita. Ma-anghel man o demonyo. Ayoko na. Gusto ko ng sumuko sa sakit na nararamdaman. Parang hindi ko na kakayanin pa kung may malaman pa akong iba tungkol sa pagkatao ko. Pakiramdam ko sobrang namamanhid na ang pakiramdam ko. Namanhid na ako sa sobrang sakit na naramdaman ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga at sinubukang matulog.
Ngunit hindi ko magawa. Ang daming bumabagabag sa akin. Tinitigan ko na lang ang kisame, patuloy na inalala ang mga nangyari at ang mga nalaman ko kay Lilith.
Mula sa labas ay nakarinig ako ng marahang pagkatok ng pintuan. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang ang pagkatok nito hanggang sa tumigil na.
"Rayna.. pasensya na kung wala ka pang makakain at maiinom. Pupunta ako sa mundo niyo at magdadala ako dito," saglit siyang natigilan.
"Hintayin mo ako, Rayna.."
BINABASA MO ANG
How to Escape from the Demon World?
FantastikI'm desperate to leave this world made of pain, agony and sorrow. I want to escape. I badly want to get out. But what do I have to do to get out of this place? Or.. am I even able to escape this world? Is it still possible?