Kabanata 12

23 1 0
                                    

Kabanata 12


Signal


"It was as though all the angels of heaven and all the demons of hell danced together in his soul." -Max Griffin


**


Tahimik kaming pumasok sa palasyo. Hawak-hawak ni Satan ang kamay ko habang naglalakad. Nasa unahan naman si Lilith at giniya kami papunta sa sentro ng palasyo. Sa isang iglap ay parang nagbago ang paligid at nagmukhang mas lalong engganyo ito. Nagkaroon ng isang mahaba at halos kumikintab na lamesa sa gitna at puro pagkain ang naroroon na tila may handaan. Nagkaroon ng dalawang chandelier sa magkabilang parte ng palasyo at kamangha-mangha ang kabuuan nito.


"Kahit naman demonyo kami, anyong tao pa rin kami, nagugutom rin." Ngisi ni Lilith sa akin.


Parang niloloko ako ng mga nangyayari ngayon. Demonyo ba talaga sila? Ang inaasahan kong paguugali nila ay ubod ng sama. Pero bakit ganito? Ang bait nila. Ni hindi nila sinasaktan ang mga tao noong sila'y nasa mundo namin. Bakit ako tinulungan ni Azazel sa mga lalaking iyon kung ang demonyo ay masama? Nakakapagtaka ang mga inaasal nila.


Iginiya ako ni Satan sa isa sa mga magagarbong upuan at pinaupo. Bago siya umalis sa tabi ko ay binigyan niya ako ng mabilis na halik sa aking labi. Nakakaasar! Hindi ko makalma ang sarili ko. Bumilis ang paghinga ko pati na rin ang pagtibok ng puso ko. Parang may kung anong nagwawala sa tiyan ko at parang gusto kong sabunutan ang sarili ko sa pagngiti. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili kong ngumiti.


"Oo nga pala, Lilith. Isinama ko si Lamia pabalik dito." Saad ni Satan pagka-upo niya.


Kumuha na lang ako ng pagkain at nakinig sa usapan ng dalawa. Hindi ko rin naman sila maintindihan. Sino kaya 'yung Lamia?


"Halos isang dekada siyang nawala sa mundong 'to. Anong ginawa mo para mapabalik siya rito?" Tanong ni Lilith.


"Papaslangin ko siya kung hindi siya susunod sa kagustuhan ko. Alam mo kung anong kaya kong gawin, Lilith. Kahit na ganoon ay ako pa rin ang panginoon."


Hindi ko nagugustuhan ang paksa. Kumain na lang ako at pinagsawalang bahala ang usapan nila. Wala na akong pakialam kung sino ang Lamia na iyon at wala na akong balak pang makinig sa usapan nila. Gusto ko na lang matapos ang kainan namin at matulog. Pagi-isipan ko pa kung paano makakaalis dito. Makakaya ko kaya kung ako lamang mag-isa? Pero mapanganib gayung puro demonyo ang nandito. Kailangan ko talaga ng tulong.


Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na kami sa pagkain. Tahimik na niligpit ni Lilith ang pinagkainan namin. Napatingin ako sa nasayang na pagkain. Ang dami. Bakit kasi sila maghahanda ng ganito karaming pagkain kung kaming tatlo lang naman ang kakain? Tsaka saan kaya ito nagmula?


"Don't worry, it's safe. Ang natirang pagkain ay ipapakain namin sa mga demonyo sa labas. Tuwang-tuwa sila sa pagkain ng mga tao." Bahagyang napatawa si Satan. Ganun ba kadaling basahin ang nasa isip ko? Tumayo siya at nilahad ang kanang kamay sa akin.


Tinanggap ko naman ito at tumayo na rin. Hinawakan niya ang kamay ko. Lihim akong napapangiti sa paraan ng paghawak niya sa akin, ma-ingat. Pero alam kong mali ito. Mali ang ginagawa naming ito. Ang plano ko ay ang tumakas. Aalis ako sa lugar na ito at hinding-hindi na magpapahuli pa sa kanila.


Sumunod lang ako sa kanya. Umakyat kami sa hagdan at napadpad kami sa isang pintuan. Nagtaka ako ng narito pala iyon. Nang maglibot kasi ako dito ay hindi ko ito nakita, o baka hindi ko lang talaga nabigyang pansin. Muli napadako ang tingin ko sa magkahawak naming kamay at sa pinto. Binuksan iyon ni Satan at bumungad sa akin ang isang malawak na kwarto. May isang malaking kama doon at magagandang muwebles. May abstract paintings na nakasabit sa pader at iba't ibang dekorasyon pa. Isang normal at ordinaryong kwarto lamang. Panglalaki ang amoy, kwarto siguro ito ni Satan.


How to Escape from the Demon World?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon