Kabanata 16

1 0 0
                                    

Kabanata 16

"You taste like heaven, but God knows you're built for Sin."
- Built for Sin by Framing Hanley


***

Hailey's POV

Rayna and I became bestfriends since Highschool. Transferee ako noon sa kanilang School at siya ang kauna-unahang estudyante na kumausap sa akin. Ang bait-bait ni Rayna at pansin kong karamihan sa mga kaklase namin noon ay talagang malapit sa kanya. Babae man o lalaki, kaya niyang makipagsabayan. Kaya hindi naging mahirap sa akin ang paga-adjust sa pagiging transferee ko dahil nand'yan si Rayna para tulungan ako.

We talked. We share. We stroll. We love each other, as bestfriends. Mas lumalim ang pagkakaibigan namin as time goes by, hanggang sa malapit na kami makapagtapos ng Highschool. Panibagong simula na naman ang aming haharapin. Ano kayang mangyayari sa College? Magiging bestfriends pa rin kaya kaming dalawa, o makakahanap pa kami ng iba?

I don't know if it's obvious, but I really like Rayna. Not as bestfriends but more than that. Mas lumalim ang tingin ko sa kanya. Mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. At wala man lang akong ka-alam alam kung nahahalata ba niya iyon o hindi, kung gayun din ba ang nararamdaman niya sa akin o hindi. Kating-kati ako na malaman ang totoo pero as of now, mas pinagbuti ko na itago na lang muna ang nararamdaman ko sa kanya.

Nagdadalawang-isip pa kasi ako. Should I tell her about my feelings? O manahimik na lang ako at kimkimin na lang ito hanggang sa dumating sa punto ng pagkalimot? But how can I forget kung siya nga mismo ay bestfriend ko? Gusto ko sanang umamin pero kung ang sagot naman niya ay makakawasak lang sa akin ay huwag na lang siguro. Alam ko kasing makaka-apekto pa iyon sa pinagsamahan naming dalawa.

Hilig niya ang pagguhit. Noong sophomore kami ay ginuhit niya ang mukha ko. Hiningi ko sa kanya 'yung drawing na iyon at hanggang ngayon ay naka-frame at nakadisplay sa aking kwarto kasama ang mga picture frames na naglalaman ng mga litrato naming dalawa ni Rayna. Mula adolesence up to teen age ay magkasama na kami.

Hanggang sa dumating si Sariel, at 'yung dalawang transferees pa na Harry at Kaylen daw ang pangalan. Parang biglang nagulo ang sitwasyon namin ni Rayna. It's pretty obvious na type nilang tatlo si Rayna, especially Sariel. Lagi siyang nakabuntot kay Rayna na akala mo'y nawawalang aso. Magkaklase pa silang dalawa.

Nakakapangamba na baka mapalitan ako sa puso ni Rayna. Sa pagiging bestfriend, or.. well, lover kahit hindi niya alam. Baka mas lumamang sa akin si Sariel at kung papipiliin siya sa aming dalawa ay si Sariel ang piliin niya kaysa sa akin na bestfriend na niya simula pagkabata. Sa akin na mas kilala siya at mas matagal na nakasama.

I shooked my head and sighed. Ayokong magpalamon sa pagkaselos at pagiging paranoid. I need to stop over thinking now, it's making me feel sane!

"Hailey?" Lumingon ako kay Fran na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to Escape from the Demon World?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon