Kabanata 13

16 2 0
                                    

Kabanata 13



Kasama mo ako



"Even the devil may cry when he looks around hell and realizes that he's there alone." - Sherrilyn Kenyon



**



Ilang araw na akong nasa palasyo ni Satan. Hindi ako makahanap ng tiyempo para kausapin sina Lucifer tungkol sa pagtakas ko. Dahil sa tuwing magkakausap kami ay sisingit si Satan o may bagay na makakapukaw ng kanilang atensyon at mababaling na sa iba ang usapan namin. Hindi ko masabi ang tungkol sa pagtakas ko dahil doon. Kampante akong matutulungan nila ako sa pagtakas.



Sa mga nakaraang araw na narito ako ay walang pinagbago. Mayroon naman kahit kaunti, iyon ang pagiging maingay ng palasyo dahil kina Lucifer. Nasasanay na rin ako minsan na nakakarinig ng mga paghihinagpis ng tao at ang mga halakhak ng ibang demonyo mula sa labas. Ang tubig mula sa hardin ang ginagamit kong pangligo at dahil sa wala akong ibang damit ay pinapahiram ako ni Lilith o di kaya'y pumupunta siya sa mundo namin at doon bumibili ng damit.



At hindi ko maitatanggi na, namimiss ko na ang pamilya ko. Kahit na sina Hailey, Sariel, at si Fran. Hinahanap kaya nila ako?



Mag-isa akong naka-upo sa damuhan ng hardin habang iniisip ang nangyari sa panaginip ko noong isang araw. Hindi ko maintindihan. Marahil ipinaparating nito na malapit ko nang maalala ang mga nangyari pagkalipas ng maraming taon. Handa ba ako? Makakaya ko ba ang malalaman ko? Lalo akong nanghihina kapag naaalala ko ang aking pamilya. Ang alam kong reincarnation, ay ang muling pagkabuhay ng isang kaluluwa sa isang katawan ng tao, o hayop. Kaya ba nang makilala ko ang mga demonyong iyon ay pakiramdam ko magaan ang loob ko sa kanila? Dahil dati pa lang ay magkakakilala na kami. Sa kay Sariel din. Sina Fran at Hailey kaya? Bahagi rin ba sila ng Reincarnation? Kasama ko rin ba sila noong panahong buhay na buhay pa si Rayna Anderson?



Natigil ang pagiisip-isip ko ng makarinig ako ng ingay sa kaliwa ko. Napatayo ako sa kinauupuan ng makakita ako ng isang buwaya. Teka, pamilyar ito..



"Hi!"



Lumingon ako kay Agares at nakita kong pinuntahan niya ang buwaya. Oo, tama. Kay Agares ang buwayang ito. Ngayon ko na lang ito muling nakita.



"Anong ginagawa mo rito? Bakit mag-isa ka?" Tanong niya.



Nakakatuwa ang itsura niya. Batang-bata. Napaka-inosente. Napangiti ako at pinaglaruan ang halaman sa paligid.



"Wala akong magawa sa loob." Saad ko.



Tumango-tango siya at napanatili ang tingin sa akin, "Oo nga pala, 'wag mo akong mamaliitin ha? Maaari ngang nakikita mo ako bilang bata pero nagkakamali ka."



Natawa ako sa sinabi niya at naki-oo na lamang. Muli akong umupo sa damuhan, gayun din siya. Nag-usap kami at napagtanto kong masayang kausap si Agares. Minsan nga lang ay hindi ako sanay na ang lalim ng mga sinasabi niya dahil sa kanyang anyo. Nakakapanibago.



"Rayna, tawag ka ni Satan."



Natigil ang pagu-usap namin ni Agares at napatingin sa unahan. We saw a man- a demon standing there, wearing a white long sleeves polo and blank pants. Walang emosyon ang mukha nito. Nakapamulsa itong nakatingin sa aming dalawa ni Agares. Napasapo ako sa noo nang mapagtanto ko na nakalimutan ko na naman sabihin kay Agares ang pagtakas ko.



"Susunod na ako, Azazel."



**



Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganito ang suot ko. Princess gown na kulay pula. Kapansin-pansin ang maputi kong balat dahil dito pati na rin ang itim na itim kong buhok na tamang nakalugay lang pero kinulot ang pangibaba. Para akong tunay na prinsesa sa kalagayan ko. Ankle strap na heels, kulay itim. At kani-kanina lamang ay binigay sa akin ni Lilith ang itim na gloves.



How to Escape from the Demon World?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon