Kabanata 14

13 1 0
                                    

KABANATA 14

This Is War

"Be careful who you trust, the Devil was once an Angel."

**

"Simple lang naman... Love me."

Para bang saglit na tumigil ang oras pati na rin ang paghinga ko. Parang may malamig na tubig ang bumuhos sa akin at hindi ko makalap kung ano'ng sasabihin ko. Hindi ko inaasahan ang ibibigay niyang kapalit sa pagtulong niya sa aking makaalis sa kanilang mundo. Ayos lang sana kung igala ko siya sa mundo namin o kahit ibigay sa kanya ang mga bagay na magugustuhan niya sa mundo namin. Pero, ito? Ang mahalin ko siya? Nahihibang na ata si Azazel.

Saglit niya akong tinulak palayo sa kanya at narinig ko siyang humagalpak sa tawa. Nagtataka man ay nagawa kong magtanong sa kanya kung bakit.

"I'm just kidding, your reaction is priceless!" Tawa nito.

Ngunit imbis na sumabog sa inis ay nagawa ko ring ngumiti at sumabay sa pagtawa. Hindi dahil sa nilalait niya ang reaksyon ko kanina, kundi dahil biro lang ang sinabi niyang kapalit. Tumigil ako sa pagtawa at pinagmasdan siya kahit na sobrang dilim ng silid.

"I can see you smilling, and looking at me."

Ngumisi ako at pinilig ang ulo, "paano mo nalaman?"

"Nakakakita ako sa dilim," saglit siyang huminto, "Of course, I'm a Demon."

Ngumuso ako sa biglaang pagpapalit ng mood niya. Right.  Split personality. Pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas ay makakaalis na ako dito. Isa itong malaking utang na loob mula kay Azazel.

"Nakita n'yo ba si Rayna?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses-- dahil narinig kong binanggit nito ang pangalan ko. Nakilanlan ko ang boses at iyon ay si Lucifer.

Hinawakan ni Azazel ang magkabilang balikat ko.

"Mamaya, pupuntahan kita. Pangako, Rayna.. tutulungan kitang makatakas dito. Sasamahan kita," unti-unti nang lumuluwag ang hawak niya sa balikat ko, "Ligtas ka sa 'kin... sa akin lang."

Bago pa ako makasalita ay bumukas ang makapal na pulang kurtina at bumungad sa akin si Lucifer. Lumingon ako sa kinatatayuan ni Azazel-- sa aking harap, ngunit wala na siya doon.

Kunot-noong tumitig sa 'kin si Lucifer, "Kanina pa kita hinahanap. Inutusan ako ni Satan na naga-alala na sa 'yo kanina pa."

Lumapit siya sa akin at pinasadahan ng tingin ang dating puwesto ni Azazel. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at lumapit.

"Tara na."

Tumango ako sa kanya at nagpatianod. Nakayuko lang ako habang pabalik na kami sa maliit na entablado. Ngunit nang tumango ako roon ay wala na si Satan sa kanyang trono.

"Sa'n siya nagpunta, Lucifer?" Tanong ko.

"Sumama ka na lang sa 'kin. Alam ko kung nasaan si Satan."

Ngumuso na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Napunta kami sa may parteng likod ng palasyo. Hindi ko pa ito napupuntahan. Masisikip ang daan at may mga lamparang nakasabit sa pader. Sa 'di kalayuan ay may naaninag akong hagdanan pababa. Underground, huh?

How to Escape from the Demon World?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon