Kabanata 11

25 1 0
                                    

Kabanata 11


A Devil's Kiss


"Be with me until forever."


**

Natapos na akong kumain. Mag-isa na naman ako sa kwarto at alam kong naka-abang lang si Lilith sa akin sa labas. Marami pa kong gustong malaman, pero, natatakot ako.


Kailan ko ba mararamdaman yung saya? 'Yung sayang pang-habang buhay na. Wala ng hadlang pa. Nakakawalan na ng pag-asa. Pakiramdam ko habang buhay na ako dito sa mundo ng mga demonyo.


Dahan-dahan akong bumangon sa kama at pumanhik sa pinto. Hindi dapat sa lahat ng oras magpapakaduwag ako. Kailangan kong makatakas dito. Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa sakit na naidudulot nila sa akin. Pagod na ako.


"R-Rayna? Saan ka pupunta? Samahan na kita, gusto mo?"


Tulad ng inaasahan, nasa labas lang ng kwarto si Lilith at naga-abang sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin kahit na nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Tuloy lang ako sa paglalakad sa pasilyo hanggang sa makapunta na ako sa hagdan ay tanong pa rin siya ng tanong sa akin.


"Ano pang kailangan mo? Kung gusto mo-"


"Kailangan kong makatakas dito.. Ayoko na, Lilith. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng umalis. Umalis sa mundo niyo," Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha, "Pakiusap naman oh.. Maawa ka naman sa akin, Lilith. A-Ayoko na."


Nakita ko ang pagbagsak ng magkabila niyang balikat na para bang nanghinayang siya. Naramdaman ko na rin ang pamumuo ng luha sa aking mata pero pinigilan ko ito sa pagtulo. Nakakasawa ng maging mahina. Gusto kong maging malakas, 'yung tipong palaban. Napapagod na akong umiyak. Wala namang mababago kung iiyak ako ng iiyak dito at mapupuno ng takot ang aking puso.


"Ikaw ang dapat maawa dito, Rayna."


Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ko, "Pakiusap, tulungan mo 'kong makaalis dito, Lilith!"


"Ikaw! Ikaw ang dapat maawa! Ano ba, Rayna?! Hindi mo ba nakikita?! Manhid ka ba?! Ikaw 'yung dapat maawa dito! Maawa ka naman sa amin! Pagkatapos mo kaming iwan, 'yan ang sasabihin mo? Ano?! Gusto mo ng umalis dahil pagod na pagod ka na? Si Satan! Kailanman hindi siya napagod maghintay sa 'yo! Kailanman hindi siya napagod maghanap sa 'yo, Rayna! Hindi siya nawalan ng pag-asang hindi ka na niya makikita pa! Naniwala siya sa 'yo, Rayna! Maawa ka naman sa kanya. Pakiusap lang. Intindihin mo naman na hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Mayroon pang kami." Ani Lilith at pinunasan nito ang lumandas na luha mula sa kanyang mata.


Umiwas ako ng tingin. Damn. I'm pitiful. We're pitiful. Nakakainis ang nangyayari. Hindi ba pwedeng sa pagtulog at pagmulat ko ng aking mga mata, nasa ibang katauhan na ako? Dahil sa tingin ko kahit makaalis ako sa mundong ito, magiging impyerno pa rin ang buhay ko.


"Maghintay ka lang, Rayna," Lumapit siya at naramdaman ko ang pagyapos niya sa akin, "Paparating na si Satan.. ligtas ka sa amin."


He's... coming.


Bigla akong kinabahan at nataranta sa narinig ko. Alam na niya. Alam na ni Satan kung nasaan ako sa ngayon. Tiyak na masaya siyang malaman na narito ako sa palasyo niya. Sinabi niyang paparating na si Satan, kasama kaya niya ang tatlo pang demonyo?


"Rayna?"


"Bakit?"


"Magtiwala ka lang."


How to Escape from the Demon World?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon