Chapter 11: Feelings

6 1 0
                                    


Kabanata 11

Halos ilang araw na ata kaming hindi nagpapansinan ni Azy. Linggo ngayon at bukas bukas lang ay foundation day na kaya abala ang lahat sa paghahanda. Kami nga ay may meeting pa sa kanya kanyang grupo dahil daw sa mga nakatoka at gagawa. Mabuti na lamang at hindi nahiwalay si Welsh sa landas ko hindi kagaya nila Azy na parang sinadyang hindi kami magkagrupo sa mga booth. Pero malas lang din namin ni Welsh dahil kasama namin ang kapatid nya.

“Kahit titigan mo ako ng masama Alicia panget—hindi ako mamamatay tandaan mo yan.” asar nito sakin.

Alam nyang kanina ko pa sya tinititigan ng masama, kanina pa kasi nya sinasadyang sipain ang bangkuan na inuupuan ko. Naiinis na nga ako pero dahil mabait ako ay pinakatitigan ko na lang para naman makaramdam ang gago. “Yuri sabi ni Peroxide na buhatin mo daw iyong mga dala nya.”

“Parang wala syang kamay.” asik nito bago umalis at tulungan si Peroxide sa mga dala nito. Ano kayang laman ng mga dala nya?

Nagthumbs ako kay Welsh at mukhang na-gets naman nya ang tinutukoy ko dahil tumango lang ito. May mga isinusulat pa ito sa notebook para sa booth namin kaya naging busy na ito.

Si Peroxide naman ay pansin ko ang maya't mayang sulyap sakin sa hindi ko malamang dahilan. Anong problema nya?

Tanghali na at tapos na ang meeting namin, nandito lang ako sa bench at nagmumuni hanggang sa hindi ko na namalayan kaya nakatulog ako.

"Hinahatulan ang lahat ng may dugo ng mga Ferrous na syang angkan ni Lady Noble Dahlia Ferrous Fritzl nang kamatayan, ganoon din ang kanilang anak na si Lady Nuriko Alison Ferrous Fritzl." 

Kinuha ng mga knights o kawal ang iilan pang kamag-anak ni Dahlia at hinatulan ito ng kamatayan, lahat ay itinatali sa isang metal  na kapangyarihan ng isang konseho at sinusunog sa apoy na kapangyarihan din ng isang konseho na mula sa angkan ng mga Tadeo.

"Akin na ang hawak mo Alison." Matigas na sabi ng isang kawal sa batang Alison ngunit itinago pa ito ng bata.

"Ayoko." 

"Ahhh!" Napalingon si Alison sa kanyang ina na ngayon ay unti-unti nang tinutupok ng apoy ang katawan. 

"Ina!!" Agad itong tumakbo papunta doon ngunit hinawakan sya ng isang konseho at kinuha ang wand.

Walang palag ang batang Alison ng kunin ito sa kanya. Nasa harapan nya lang ang buong angkan ng royal family at pinapanood sila, ganon din ang buong konseho at opisyal ng palasyo.

"Curse you! I will avenge my mother's death!!"

Sigaw ni Alison ngunit tinawanan lamang sya ng mga matataas. Alam nya na hindi ang ina nya ang may kasalanan, ganoon din siya.

Iginapos sya ng mga kawal at isinaklang sa mainit na apoy ngunit nawala ang apoy na parang bula at kapalit nito ang madilim na langit at ang sunod sunod na ingay ng isang kulog.

Ano iyon? Bakit ang ingay?

Kahit pupungas pungas pa ay inayos ko ang pag upo ko mula sa pagkakagising.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now