Chapter 16: Drunk Diary

4 1 0
                                    

Kabanata 16

HINDI AKO YUNG GUSTO NYA.

Malinaw pa sa tubig na iniinuman ko ang sinabi nya. Ilang linggo na din ang lumipas kaya busy ang mga studyante sa upcoming quarterly examination. Expected naman na nanalo ang Arc namin noong tournament kaya nakatanggap kaming puntos noong inannounce sa dinning hall. Nangunguna ang aming Arc at pumapangalawa ang Argonite. Nanalo din sila sa best booth kaya may puntos din sila sa dinning hall na binigay ni Admin Alianna Terrier.

Kumakain kami sa cafeteria kasi lunch na. Wala akong gana at lahat naman sila ay napapansin yon, madalas din si Kelvin magbigay ng daddy jokes kaso hindi umuobra lalo na at nabwi-bwiset lang si Mine dito. Si Azy naman ay sinusubuan ako at dinadaldal. Wala na din si Stephen simula noong gabing yon dahil nasa palasyo daw, biglaan lang din daw ang pagpapatawag.

Bigla ko din nabalitaan na nasa palasyo ang Anne Fritzl na iyon, nagpaparinig pa ang mga bata nya na tungkol daw sa nalalapit na kasal noong dalawa. Baka kamo sakal ang mangyari. Dapat talaga ay hindi ko na pinoproblema yung mga ganoong bagay kaso bigla biglang sumasagi sa utak ko kaya wala din kahit anong relax ko.

“Overthinking much pa din yang isa? Wag mo na pakaisipin yon Ali, mahal ka non.” nangasim naman ang mukha ko sa sinabi ni Chelsea na kararating lang. Kumain lang ito matapos makipagbiruan kay Kelvin.

“Kesa naman sayo panot.”

“Gago! Paanong panot ka dyan eh halos wala na nga! Nagamot na ni Azy yung panot ko sa ulo! Gago! Nakakapikon kana.” Pikon talaga si Kelvin sa asar ni Mine eh paano ba naman noong nagka tournament eh nasapol sya ng apoy ni Yoshiro eh sumaktong sa ulo tinamaan si Kelvin, napagaling naman ito ni Azy kaso nga nagkapanot sya kaya pinakalbo nya na lang. Eto sya ngayon semi kalbo.

“Parang mga bata, kumain na nga lang kayo.” mabuti na lang at tumahimik na sila sa saway ni Xyd. Sya lang ata matured sa grupo.

Nagklase na kami hanggang sa kinabukasan ay nagkaroon kami biglaan ng evaluation sa fighting skill at dahil nga sa biglaan ay ang naging kalaban ko naman ngayon ay si Kelvin.

“Magaling kana kaya sa tingin ko hindi dapat ako magpiit, ganoon ka din Alicia.” lumayo ito sakin pagkatapos sabihin yon. Iba sya sa palabirong Kelvin pagmagkakasama kami. Iba din sya pag nasa labanan.

Hindi na ako nagulat ng biglang gumuho ang lupa kung saan ako mismo nakatungtong. Alerto kong tinapakan ang mga hindi pa nahuhulog na lupa. Shit! Aabutin ko na sana sya kaso nakangiti syang sumampa sa punong nagtataasan sa laki! Halos hindi ko na makita sya sa taas kaya naman ay gumawa ako ng kidlat na espada. Itinutok ko iyon sa lupa para kumalat ang kuryente, lahat ata ng kaklase namin ay namamangha sa galing namin.

Kumalat ang kuryente sa lupa, gumawa din ako ng sapot na gawa sa kuryente para nandoon ako at siguradong hindi mahulog sa gumuguhong lupa. Ang kaninang sword ay naging latigo at hinahampas ko iyon sa bawat punong madadaanan ko para masira, tiwala akong masisira iyon lalo pa't nasusunog iyon kada hampas ko. Lahat ay nasira ko na, doon ay hindi ko napansin ang ibong ngayo'y pasugod sakin. Doon nakasakay si Kelvin na may arnis.

Tatamaan na nila sana ako kaso nakapagbackflip ako, habang nasa ere ay gumawa ako ng pana at pinatamaan ang ibon. Nalaglag doon si Kelvin kaya pinahinto nya ang naguhong lupa at naging damuhan iyon.  Hindi nya alam ang invisible net na ginawa ko kanina kaya pumakda sya doon at nakuryente, lalapitan ko na sana sya ng bigla syang ngumiti.

Huli na ng mapansin kong nakabaliktad na ako at may thorn ng rosas ang nakapalibot sa aking katawan. Sira sira na ang damit ko dahil sa kada pagpalag ko ay humihigpit ito.

Agad kong ibinalot sa kuryente ang buonh katawan ko para sana malasog lasog ang puno kaso walang talab. “Shit!”

“Wag mo nang subukan Alicia, aminin mo na lang na ako ang nanalo sa round na 'to! Gawa sa pinakamatibay na puno at stem ang mga iyan, imposibleng tumalab ang kuryenteng ginagamit mo sa mga yan. So i guess, nanalo ako?”

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now