Chapter 17: Girl's Quarrel

6 1 0
                                    

Kabanata 17

MASAKIT ANG ULO.

Gusto ko sanang pagalitan ang sarili ko dahil napadami ata ako ng inom kagabi. Wala na din akong alam kung paano ako nakauwi. May nakapa pa akong panis na laway sa pisngi ko kaya naligo na ako. Sabado ngayon at easy peasy na kami sa buhay since may 1 week vacation kami.

Balak ko sanang umuwi sa Nephilim kaya papunta na ako sa Admin office para ipaalam ang tungkol dito. “Come in!”

Kinakabahan pa ako ng buksan ko ang pinto, mula dito sa kinatatayuan ko ay naramdaman ko na agad ang lamig ng AC. May nakaupo sa table na medyo may edad na pero maganda pa din ito. Si Maam Alianna Terrier.

“Oh Miss Sy. Anong kailangan mo dito ng ganito kaaga?” She was stirring her coffee.

Umupo ako sa vaccant chair at kiming ngumiti sa ginang. “Gusto ko po magbakasyon sa Nephilim. Sa Nanay ko po.”

Tumaas ang kilay nito kaya kinabahan pa ako.

“Ill make a call in the palace okay? Si Prince Lucian kasi ang may hawak sayo so ill call him.” doon ay tumayo sya at pumunta sa isang teleponong dipindot. Narinig ko pa ang pagdial nya ng number bago may sumagot.

“I'd like to inform that Miss Sy will having vacation with her own family in the town of Nephilim. Hmm... Uh huh.... Yes, thank you Prince Lucian.” bumalik ito sakin matapos ibaba ang call. “Approve Miss Sy but 3 days only.”

Binigyan ako nito ng permit kaya masayang masaya akong bumalik sa dorm at kumuha ng maleta. Nagdala din ako ng iilang pilak at chocolates.

Halata namang sobrang saya ko kaya wala pang gabi ay nandoon na ako. Ipinahatid ako ni Miss Alianna sa isang driver nya, tinanong pa nga ako ni Maam Zhuxhin kung saan daw ako pupunta ang sabi ko lang ay sa bayan kung saan ako lumaki.

Nang makarating ako ay hindi na nagulat sila nanay Helen. May nagpadala daw ng sulat dito na dadating ako. Malamang si ma'am alianna na iyon kaya hindi na ako nag atubiling kilalanin pa.

“Kakain na Sandy, tama na ang pagyakap sa Ate Alicia mo.” pagkadating ko pa lang ay yakap na ni Sandy ang sinalubong ko. Nagtampo daw ang bata noong nalamang pumunta ako at hindi ko man lang daw sya ginising.

“Mama baka kunin kasi ulit nila si Ate! Kailangan natin syang protektahan lalo na doon sa mga masasamang bampira!”

Hanggang pagtulog ay tabi kami ni Sandy. Si Salemn naman ay kibit balikat lang ang tugon sakin kada titingnan ko. Ang sarap sa feeling na bumalik sa higaan kong ito, malangitngit man ang ingay ng papag kada gagalaw ka ay ang saya naman sa feeling dahil dito ako pinatira ng tumuring saking pamilya.

Umaga na. Wala na si Sandy sa tabi ko. Inayos ko na ang buhok ko at bumaba na sa hagdan. Maingay namang nag aagahan ang mag iina pero balik tila may kasama sila? At ang tinig na iyon ay wala sa plano kong marinig ngayong buong linggo.

“Pasensya na po at natagalan ako. May inayos lang sa palasyo.”

“Hindi kita gusto para kay Ate. Nangako na akong paglaki ko ay kami ang magiging magkasintahan.” It was Salemn for sure.

“Pasensyahan mo na at nagbibinata ang panganay ko.” si nanay Helen iyon.

Dali dali na akong bumaba at nakompirma ang nasasaksihan ko ngayon. Sa di na malamang dahilan ay napapalakpak ako kaya napatingin sila sakin.

“Andito kana pala ija, dumito kana at kakain na ng agahan.” Hindi pa sana ako kikilos kaso tumayo si Stephen at pasimple akong hinila. Inihanda nya din ako ng platito at kutsara.

TULALA ako habang nasa kwarto. Gabi na at pinagmamasdan ko ang langit mula dito sa kwarto na to. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto at alam ko na kung sino ang nangahas pumasok ngayon sa kwarto ko ng ganitong oras. Ubos na ang energy ko para makipagtalo pa kaya hinayaan ko na lanb syang umupo sa gilid ng kama.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now