Chapter 12: The Girl Who Stole The Fire

6 1 0
                                    


Kabanata 12

HINALIKAN NYA AKO.

Nawala sa pag iisip ko ang nangyari kagabi ng marinig ko ang pagtatalo ni Mine at Azy kagaya na lang ng dati nilang ginagawa.

“Bagay naman siguro sakin ang pink gloss diba?” ipinakita ni Chelsea ang isang lipgloss na color pink. “Ipinagawa ko ito sa maid namin, magaling syang gumawa ng mga pampagandang produkto.”

Parang nagningning ang mga mata ni Azy at pumunta kay Chelsea. Naiwang napairap si Mine bago tumabi sakin. “Ang cute pa-try ako!” pinahidan sya ni Chelsea.

Nagm-make up nga pala sila ngayon at ako lang ata ang walang interes doon. “Mas maganda kana kay Peroxide Azyria, itigil mo na yan!” asar ni Kel na kakapasok lang.

Suot nito ang ay boxer lang,  Ayon kay Chelsea ay hindi lang ito kita ngayon dahil nakabalot ang ibabang bahagi ni Kelvin ng mga palay! May pa head dress pa si Kelvin yung kagaya sa mga lalaki sa balagtasan. Flex pa ng flex ng biceps nya at abs.

“Ikaw nga parang walis!” asar ni Azy pabalik, doon ay pumasok ang magandang babaeng nakasuot ng puting dress na gawa sa mga rosas.  May color red roses din na nakahalo at halos lahat ng nadadaanan nya ay nagkakaroon ng petals ng rose. Ang galing!

“Wow Peroxide! I think we have a winner!” sigaw ng isa sa mga kaibigan nya. Mahinhin itong tumawa at tumingin sakin saglit bago tumingin sa nagsabi niyon sa kanya, “Thanks.”

Hinila naman ni Mine ang mukha ko patungo sa kanya at minake-upan ako. “I think we should highlight the side of your eyes, pink blush for your cheeks pero onti lang... hmm pink skies lippie for your lips.”

Wala akong palag sa mga ginawa nya sa mukha ko, lahat kami dito ay nakasuot ng uniform namin. Inilugay ko lang ang straight na buhok ko, dahil mas bagay daw sakin yung ganoong buhok sabi ni Mine. “Done gorgeous.”

“Woah, ganda!” parang gulat na gulat pa si Azy sa transformation ko. “Gagi mas bumagay!” dagdag pa ni Chelsea.

“Pinapatawag na kayo sa labas! Walang student na matitira pagbalik ko!” sigaw ni Welsh sa pinto ng room namin. Ganoon din ang ginawa nya sa ibang section. 

“Tara na! Lezzgo girlies!”

Lahat kami ay pumila na sa labas. At dahil unang section ang Ironite Arc ay nasa unang pila ang section namin. Doon ay nakita ko sa unahan ang representative namin! Mukhang nagbago ang desisyon dahil ang representative ng iba ay nasa unahan lang din ng bawat section nila.

Argonite ang section na sunod namin kung saan nakita ko yung Anne Fritzl na sya ang representative nila!

“Ang init.” arte neto kahit sya naman yung may kasalanan, she was wearing a red body hugging dress na gawa sa apoy. Yes you heard me right! She was wearing a dress that make out of the flame. Buti hindi sya natusta sa pinaggagagawa nya.

Ang partner nya ay hindi ko kilala pero astig din ang suot nito.

“Everyone! Line up na kayo, lahat ng mahuhuling tatakas ay mapaparusahan hindi lang ang tumakas kundi ang mga tumulong sa pagtakas. Wala ding gagamit ng kapangyarihan nila unless kayo yung representative ng section nyo! Fallen Squad and SSG Official will assist the parade. Lahat ng lalabag sa rules ay malalagot, understood?” saad ng kilalang professor na si Ms. Zhuxin.

“Understood.” the students repeated.

May pumutok na fireworks sa taas at mga powdered color ay nagsimula na kaming gumalaw.

Nasa gilid ang iilang ssg at fallen squad kagaya na lang ni Azy na halatang nagbabantay. Nasa apat na pila lang ang ginawa para mataba daw ang pila.

Biglang lumapit si Azy sa akin at bumulong, “30 minutes.”

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now