Chapter 10: She's Back

6 1 0
                                    

Kabanata 10

“HOY Alicia nakikinig ka ba? Ikaw na nga pinapakopya ko sa assignment ayaw mo pa. Okay.”

Itatago na sana ni Welsh ang notebook nya sa Math ng dakmain ko din iyon. “Sorry na, may iniisip lang.” buti naman at binitiwan nya na kaya nakuha ko iyon at sinimulan na kopyahin.

“Sino ba kasi yang iniisip mo? Kanina ka pa, bago pumasok nakita kita natalapid ka pero biglang straight ka ng lakad na parang walang nangyari.” Shit! Nakita nya pa talaga yon?

Tumalikod lang ako sa kanya at kunwaring hindi sya narinig hanggang matapos ko ang assignment at ibalik ko sa kanya ang notebook nya. “Salamat pres.”

Mabuti na lamang at dumating na ang teacher namin sa naturang subject pero nakakapagtaka na wala ang aking bestfriend na si Azy at mga kaibigan nyang barakuda.

“I would love to inform all of you na after a year ay pinayagan na ulit tayong magdaos ng foundation day.” the professor announced kaya naman hindi matago ng mga estudyante ang saya, may ilan pang nag apir at humiyaw.

May mga studyante namang nagtaas ng kamay kagaya ng katabi kong si Pres. “Yes Mr. Eros?”

“Anong araw po idadaos ang event? Hindi po ako naka-attend sa meeting kanina kasi po umuwi po ako kagabi sa bahay.”

Ah oo nga pala, pag uwi namin kahapon ay nagmamadali syang nagpaalam dahil may emergency daw sa kanila. Kaninang madaling araw lang din daw sya nakauwi dito sa academy.

“Uh Idadaos ito sa isang linggo, anyway class may idea na ba kayo sa booth na gagawin nyo? Ibibigay ko kay president Eros ang listahan ng mga grupo at gagawa kayo ng booth, kaya kung wala na kayong magiging tanong ay magsisimula na akong magklase.”

Nagsimula na magklase si ma'am nang maya maya lang ay dumating ang mga hinahanap ko. “Excuse po ma'am, alam nyo naman po diba?” it was Azy.

She giggled when the professor's just nodded kaya naman umupo na sila sa kanya kanyang upuan, my seat isn't our normal seat kaya naman nagulat ako ng tumabi sakin si Azy.

“Ikaw ha bakit kay pres ka nakadikit ngayon? Magseselos na ako nyan.” hinampas ko sya sa braso ng tusok tusukin nito ang aking tagiliran. “Gaga ka, alangan namang lonely ako sa gitnang upuan habang wala ka? Ikaw lang ang bff ko dito eh.”

Ngumuso sya ka Welsh. “Eh ano sya?”

“Bbf as in boy best friend.”  gusto ko sana syang chikahin kung saan sila nagpunta pero mukhang masasaway na kami ng prof namin sa lakas ng boses nya.

“Alam mo ba sa first day ng foundation day ay nakakalabas tayo at nakakapunta sa territory ng mahihirap? Madadaanan sila sa parada na idadaos sa unang araw ng foundation day at kami ang magiging lead doon.” Excited nyang sabi sakin habang hindi pa dumadating ang pangalawa naming prof.

“Talaga?” it gives me hope! Baka pwede kong mapuntahan si nanay Helen! Kamusta na kaya sila Salemn at Sandy? Gusto ko na sila makita.

“Oo tapos sa last day din ng foundation day may closing parade din at alam mo ang mahuhuling tumakas ay pinapatalsik sa school kaya wag mo na balakin yang pinaplano mo Alicia.” mukhang nabasa nya ang iniisip ko.

But this is the opportunity to visit them. Kung may mission naman na ipapatapos sakin ay malabong i assign nila ako malapit sa kinalakihan ko.

“At alam mo ba kung sino ang ir-represent ng Arc natin?”

Itinuro nito sakin si Kelvin. “Bawat Arc kasi ay may representative sa unahan ng pila ng parada at si Kelvin sa lalaki at sa babae naman ay si Peroxide ang napagdesisyunan na magrerepresent ng Ironite Arc.” sabay turo nya doon sa kaklase naming babaeng laging tinitingnan ang sarili nya sa salamin. Pag hindi nya nagugustuhan ang looks nya ay naiinis sya.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now