Chapter 9: Forbidden

6 1 0
                                    

Kabanata 9

Sa mga hindi inaasahan kagabi ay hindi ako nakatulog. Idadagdag mo pa na kinain ako ng konsensya ko dahil sa lalaking hindi ko naman inaasahang dumating.

“Bakit ba kasi nandoon sya!”

Gustong gusto ko na saksakin ang sarili ko sa hiya noong nakita nya kami na mukhang nagkakamabutihan ng kuya nya. Baka isipin nya din na inaagaw ko ang kuya nya sa kanya?

Hindi kaya lalaki talaga ang type nya? Bakla sya?!

No... Erase, hindi pwede noh. Lalaki sya period.

Teka bakit ba iniisip ko ang katulad nyang mayabang? Tumingin ako sa buong paligid para maghanap ng gagawain at doon nakita ko ang aking iilang mga dress na kailangan ng labahan. Tama, maglalaba ako!

Inayos ko na ang mga lalabahan ko at dali daling pumunta sa boys dorm ng ironite arc. Alam ko namang walang gagawin si Welsh kaya sa kanya ako magpapasama or kung ayaw nya magtatanong na lang ako sa kanya.

Alam ko naman na may sapa o ilog dito dahil nga sa niliguan namin ni Azy nung nakaraang linggo kaya imposibleng wala.

Knock* Knock*

Mabuti na lang at bumukas kaagad ang pinto at bungad noon si Welsh na nakablack tshirt lang at pajama na gray. Isama mo pa ang kalalagay nya lang na salamin.

“Alicia?” bungad nya sakin, gusto ko sana barahin pa sya kaso baka magbago ang isip nya kaya wag na lang.

“Hi Pres, uh may alam ka bang sapa malapit dito?” kumunot ang noo neto at binigyan akong access na makapasok sa dorm nya dahil binuksan nya na ang pinto ng bahagya.

“Anong gagawin mo sa sapa? Your dorm already have a bathroom, may bathtub din don. So why?”

“Gusto kong maglaba.” tsaka gusto ko balikan yung mga ginagawa namin nina nanay Helen. Doon ay ipinakita ko sa kanya ang lalagyan na may mga dress ko.

“Pwede mo namang ipalaba yan Ali, everyweek naman diba may napunta sa dorm nyo para kolektahin ang mga labahin? Kahit nga panglatag sa higaan nyo at punda kinukuha nila.” paliwanag nya sakin sabay kamot sa batok.

Alam ko naman yon, pero iba pa din pag ikaw yung naglalaba ng damit mo. Palibhasa anak mayaman kaya hindi nya pa ata nararanasan yon kaya nakaisip ako ng idea.

Agad kong hinawakan ang braso nya at hinila.

“H-huy anong ginagawa mo? Mas malakas ako sayo so stop it.”

“Talaga lang huh?”

Hindi nya na namalayan na napalakas ang paghatak ko kaya mas lalo ko syang nahihila.

“Wah! Alicia you'll bump into someone!”

hinila ko pa sya ng hinila kaya lang nabitawan ko si Welsh kasi inaalis nya talaga parang takot sya sa nasa likod ko and to my surprise i bump into someone na parang bato ang katawan sa tigas.

Doon ko lang napansin na natapon ko ang iniinom nyang juice sa kanyang damit! Bahgya ko pang narinig ang maliit nyang mura bago nanlilisik na tumingin samin este sakin.

“Care to explain what happening?”

I immediately stood beside Welsh who was not looking at him. Nakayuko lang ito at tila tinatawag na ang maraming santo dahil sa lalaking nasa harap namin ngayon. Ako naman ay pinakatitigan lang si boss.

“Sorry boss, ikaw kasi eh.” i met his gazed at naramdaman ko din ang pagsiko sakin ni Welsh. Tinampal ko ang aking bibig dahil sa kadaldalan.

“What's with that faces? I thought you were the president in this entire Arc yet you still act childish with this immatured girl beside you.” bahagya itong tumingin sa gawi ko matapos sermunan ang katabi ko. “At ikaw naman babae, hindi ka na nakuntento sa kuya ko? Ngayon si Pres naman.”

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now