KABANATA 1

350 7 4
                                    

ENZO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ENZO

Isang taon na rin pala ang nakalipas ngunit siya pa rin ang binubulong ng puso ko. Hindi pa rin siya maalis-alis sa isipan ko kahit na ilang babae pa ang dumaan sa buhy ko. Ilang babae na rin ba ang nakasama ko tuwing gabi? Hindi ko na rin mabilang sa isang taon na lumipas ngunit sa huli ay siya pa rin... si Amanda.

Ang huling balita ko sa kanya ay maayos ang pamamalakad niya sa rantso ng mga Alonto. Pinag-aaralan niya ang lahat at hindi umalis sa tabi niya si Aling Hilda. Nag-home school na lang din siya habang sinasabay ang pag-aaral sa pagpapatakbo ng buong rantso. Maraming trabahante ang rantso ng mga Alonto at maraming umaasa rito kaya alam din niyang hindi ito pababayaan ni Amanda. Kung pwede nga lang ay ako na lang ang tutulong sa kanya sa lahat ay gagawin ko ngunit maliwanag ang pag-uusap naming dalawa na hindi na muna kami magkikita.

Sa isang taon na lumipas naman siguro ay pwede ko na siyang makita kahit na sa malayuan lang. Hindi niya naman siguro ito malalaman.

Napahilamos naman ako ng aking mukha at napabuntong-hininga. "Come on, Enzo Gabriel."

"Sir, may problema po ba?" tanong ni Erik habang inaayos ang mga gamit na nagkalat sa mesa.

Umiling naman ako. "Wala po ito," maikling sagot ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

"Alam ko po ang mga ganyang mukha. Babae po 'yan ano? Sa ilang taon ko pong naninilbihan sa inyo ay ngayon ko lang po kayo nakitang nagkakaganyan," wika naman nito.

Nasa kwarenta na rin ang edad nito at byudo na. Tanging anak na lamang nito ang kasama nito sa buhay at nasa kolehiyo na. Sagot ko na rin naman ang pagpapaaral dito dahil na rin sa matagal na serbisyo ni Erik.

"Ano po ba ang dapat kong gawin?" tanong ko naman at napasandal sa upuan.

Nang matapos nito ang kanyang pagliligpit ay naupo ito sa bakanteng upuan. "Kung ano po ang binubulong ng puso ninyo ay iyon ang sundin mo. Sabi nga nila ay mas maiging sundin kung ano ang sinasabi ng isipan ngunit para sa akin naman ay maikli ang buhay upang hindi tayo sumugal. Ang buhay ay isang sugal at tayong lahat ay iisa lang ang pupuntahan kaya habang hindi pa huli ang lahat ay sundin mo na ang puso mo. Hindi ka naman hihintayin ng panahon. Ngunit sa huli ay hindi ang mga payong ito ang sinasabi kong sundin mo subalit kung ano pa rin ang magiging desisyon mo," mahabang lintanya nito na nakangiti.

Unti-unting pumapasok sa isipan ko ang lahat ng mga salitang binitawan ni Erik. Para bang nagising ako sa katotohanan dahil ang lahat ng mga iyon ay totoo.

"Erik, please get the car ready," utos ko at agad naman itong tumalima.

Agad naman akong tumayo at nagpalit ng damit. I can't wait to see her. I really desire to catch a glimpse of her. Napapangiti ako sa tuwing naiisip si Amanda ngunit agad naman itong napawi nang may mga katanungang pumasok sa isipan ko.

Siya pa rin ba kaya ang tinitibok ng puso ni Amanda? Mahal niya pa rin ba si Alfonso sa ilang taon na ang lumipas? Kung sakali mang mahal pa rin niya ito ay handa ba akong masaktan nang paulit-ulit? Napakaraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko ngunit gaya na lang din ng sabi ni Erik ay susugal ako. Susugal ulit ako. Sa kahuli-hulihang pagkatataon ay susugal ako sa pag-ibig at pagkatapos nito ay wala na. Tatanggapin ko nang buong puso kung ano man ang magiging resulta.

Napapikit naman ako napahilot sa aking sentido. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na rin ang aking selpon at tinawagan si William. Ang aking private assistant sa tuwing may importante akong pupuntahan ay siya agad ang nag-aasikaso nito.

"William, I apologize for calling abruptly, but can you please arrange my flight. I'm heading back to manor," wika ko nang agad din nitong masagot pagkatapos ng ilang ring.

Pagkatapos n gaming pag-uusap ay inayos ko na rin ang iba kong mga gamit na dadalhin. Ilang minuto lang din ay pumasok na rin si Erik.

"Sir, nakahanda na po ang sasakyan. Ito na po ba ang mga gamit na dadalhin? Ibababa ko na po," wika ni Erik at tumango naman ako bilang sagot.

Maingat namang binitbit papalabas ni Erik ang mga gamit. Iilang mga gamit lang naman ang dadalhin ko ko pauwi. Hindi ako mapakali. Kumakabog na nang husto ang dibdib ko kahit hindi pa naman ako nakakaalis. Iniisip ko pa lang ang mukha ni Amanda ay pahulog ako nang pahulog sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo sa akin, Amanda," I moaned while running my fingers through my hair.


NANG makababa ako ay bumyahe na rin kami ni Erik. Habang nasa byahe ay natanggap ko naman ang mensahe ni William na naayos na ang lahat at hinihintay na lamang ako. Buong byahe ay walang laman ang isip ko kung hindi si Amanda.

Inaamin kong baliw na siguro ako sa kanya. Maraming babaeng nakapaligid ngunit siya at siya pa rin ang gusto ko. Siya pa rin ang tahanan ng aking puso. Siya pa rin ang binubulong nito.

Ipinilig ko naman ang ulo ko at kinapa ang aking selpon. Lagi ko pang binabasa ang huling pag-uusap namin. Pigil na pigil ako na tawagan o i-text siya. Makailang beses ko na ring maisip na palitan ang number ko ngunit niloloko ko lang din ang sarili ko dahil kabisadong-kabisado ko ang numero niya.

"Okay lang po ba kayo Sir?" tanong ni Erik nang silipin ako sa salamin.

Tumango naman ako. "Okay lang po. Malapit na po ba tayo?" tanong ko habang nasa daan ang tingin ko.

"Opo, Sir. Malapit ninyo na rin siyang makita. Kaya ihanda ninyo na lang po ang sarili ninyo," wika naman nito at isinara na ang private window.

Nagulat naman ako sa tinuran ni Erik at hindi malaman kung alam ba nito kung sino ang babaeng nagpapamiserable sa akin. Palihim naman akong natawa at napailing. Kung sabagay ay saksi naman si Erik sa lahat ng mga napagdaanan niya pagdating sa pag-ibig. Bakas siguro sa kanyang mukha ang kaba at pagkasabik na makita ang dalaga.

"Amanda..."

Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon