ENZO
Sa sobrang sabik kong makita si Amanda ay naririto na ulit ako sa harapan ng bahay nila. Kapansin-pansin din na walang pinagbago ang buong kabahayan ngunit alagang-alaga naman ito.
Wala pang mga trabahador sa kuwadra. Napakamatiwasay ang tunog ng katahimikan sa buong hacienda. Malinis at malamig ang simoy ng hangin. Bilib ako sa pamamalakad na ginawa ni Amanda rito.
Maaga pa at mag-aalas singko pa lang ng umaga ngunit naririto na ako. Ganoon ako kasabik na makita siya araw-araw. Gusto kong matawa sa pinaggagawa ko dahil kung tutuusin ay para na rin akong nakatatakot.
"What am I even thinking?" bulong ko at napakamot sa batok sabay lingon sa bintana kung nasaan ang kwarto ni Amanda.
Marahil ay tulog pa ito. Babalik na lang siguro ako mamaya. Napabuntong-hininga na lamang ako habang bitbit-bitbit ang basket na may lamang mainit na malaking pandesal at keso. Bumili rin ako ng strawberry jam na siyang paborito rin niya at mayroon din akong dalang tsokolate na masarap inumin.
Akmang aalis na sana ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Amanda. Halatang bagong gising ito dahil sa magulo pa ang kanyang buhok. Naaalala ko pa noon maaga itong nagigising at ipapasyal ang kabayo niyang si Caspian sa labas papunta sa batis. Hindi pa ako nakapupunta sa batis na iyon ngunit alam kong may malapit ngang batis dito. Malawak ang kalupaan ng mga Alonto kaya hindi na rin nakapagtatakang pati batis ay nakapangalan sa kanila.
"Enzo?" tawag niya habang kinukusot pa nito ang kanyang mga mata at para ring hinihingal.
Tumakbo ba ito pababa ng kanyang kwarto?
"Amanda," sambit niya ng kanyang pangalan. "Nagising ba kita? Akala ko kasi ay gising ka na sa mga oras na ito gaya rin ng dati kaya dinalhan kita ng mga ito," dagdag ko sabay angat ng basket.
Ngumiti naman siya at maluwag na binuksan ang pintuan. "Halika pasok," wika nito. "Wala si Nanang ngayon nang halos ilang linggo dahil umuwi na muna siya sa kanilang bayan. Nagkasakit ang kanyang ina at gayun na rin ang kanyang nag-iisang pamangkin kaya mas minabuti kong pauwiin na muna siya. Bumili kami ng mga gamot na maaari niyang iuwi at mga pagkain na ipapasalubong niya. Binigyan ko rin siya ng pera panggastos at pamasahe pabalik niya rito," dagdag pa nito habang papunta sa kusina.
Hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Malaki ang pinag-iba niya at maganda ang mga pagbabagong iyon.
"Malayo ang bayan ni Nanang Hilda," wika ko at tumango naman siya. Ipinatong ko ang basket sa mesa at isa-isang inilabas ang mga dala ko. "May mainit ka bang tubig diyan?" tanong ko.
"Magpapainit ako, saglit lang ito," sagot naman niya at dali-daling naglagay ng tubig sa malaking takure. "Ano-ano ba 'yang mga dala mo? Tila ang dami naman yata?" dagdag pa niya saka lumapit sa akin.
"Breakfast," sagot ko at bago ko pa man masabi ang mga dala-dala ko ay kinuha na niya ang garapon ng strawberry jam.
"Ang tagal ko nang naghahanap nito sa bayan. May nagbebenta naman nito pero lagi akong nauubusan," wika niya habang kumikislap ang mga mata nitong titig na titig sa garapon ng straberry jam.
Napangiti naman akong pinagmamasdan siya. Hindi nga ako nagkamaling magugustuhan niya ito. Inilabas ko na rin ang pandesal na nakalagay sa paper bag at inilagay ito sa isang plato. Malalaki at mainit pa ito. Limang piraso ngunit sapat na para mabusog. Ako rin ang gumawa ng pandesal na ito na siyang pinag-aralan ko pa ng ilang beses bago ko makuha ang tamang luto. Dahil na rin aa ako ang gumawa ay espesyal ito dahil sa inilagay kong gatas kaya malinamnam at malambot ito.
"Umupo ka na at ako na ang bahala rito," wika ko at agad naman siyang tumalima. Nangingiti akong kinuha ang keso at inilapag. Narinig ko ring uminit na ang tubig kaya ako na rin ang kumuha nito at nagsalin sa dalawang tasa. Itinimpla ko na rin ang dala kong tsokolate.
"Nangulila ako sa presensya mo, Enzo," wika niya at tila hindi naman ako makahinga nang marinig ko ang mga iyon sa kanyang bibig.
Nabibingi ba ako? Nananaginip ba ako? Simpleng mga kataga lamang iyon ngunit para akong nalulula at hindi ko alam kung normal pa ba ang pagtibok ng aking puso.
"Ako rin, Amanda. I missed you," wika ko at agad namang nag-iwas siya ng tingin sa akin. Naibulalas ko ba iyon? Sa isipan ko lang naman iyon bakit bigla kong isiniwalat? Gusto kong batukan ang sarili ko dahil doon.
Heck yeah, I made an awkward atmosphere between us. Way to go.
"Here's yours," wika ko sabay lapag ng tasa sa kanyang harapan. "Alam mo ba na masarap isabay ang cheese sa strawberry?" wika ko na sinusubukang ibahin ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa.
Tumaas naman ang dalawa niyang kilay. "Talaga? Hindi ko pa nasusubukan pero parang masarap. Pwedeng subukan?" tanong niya at tumango naman ako.
Pigil na pigil akong pisilin ang kanyang pisngi.
Habang kumakain ay kitang-kita ko na sarap na sarap siya sa pagkain. "You've been doing well here. Naaalagaan mo nang husto pati na rin ang mga taong nagtatrabaho rito," wika ko habang hinihiwa ang pandesal para may makain ulit siya.
Tumango naman siya. "Tinutulungan ako ni Nanang Hilda sa lahat. Kung wala siya marahil ay hirap na hirap na ako. Dahil na rin sa nakuha kong mga mana na inasikaso ni Alfonso noon ay nagkaroon ako ng pagkatataon na tumulong din sa iba. Wala naman akong paglalaanan nitong lahat mga ito. Lahat ng mga nagtatrabaho rito na may anak ay iskolar ko. Nakarating kasi sa akin na hirap ang iba sa pagpapaaral sa kanilang mga anak at ang iba naman ay huminto na lang. Maliban sa pagiging iskolar ay tinaasan ko rin ng kaunti ang kanilang mga sweldo. Sa mga walang pamilya naman ay magkakaroon din sila ng benepisyo depende sa taon ng kanilang pagtatrabaho rito," mahabang paliwanag nito.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. I'm so proud of her. Naiisip niya pa ang kapakanan ng iba. Kung ibang tao siguro ay gahaman na ito sa mga salaping nakuha niya.
"How can you sustain all of these? Hindi naman pwedeng nababawasan lamang ang mayroon ka habang walang pumapasok," seryosong tanong ko.
"Bukod sa mga negosyong naiwan ng mga Alonto ang iba roon ay isinara ko dahil bukod sa hindi ko kayang pamahalaanan ito ay baka mabaon lamang sa utang ang lahat. Ibinenta ko ang iilan at nagpatayo ng negosyo na kaya kong patakbuhin. Mayroon akong tatlong coffee shop na may mga librong babasahin kung saan pwedeng-pwede sa mga estudyante. Nagpatanim ako ng mga palay, tubo at mais. Bumili rin ako ng isang bakanteng lupa rito para sa mga hayop na aalagaan bukod sa mga kabayo ay mayroong mga baka, kambing, manok at pugo sa loteng iyon. Sa katunayan ay ang ibang mga trabahador ay naroroon na rin at nag-aalaga," mahaba nitong sagot sabay higop sa kanyang tsokolate. "Balak ko rin sa susunod ay magtanim ng mga punong mangga," dagdag pa niya at hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"You're an amazing woman, Amanda. Paano mo naisip ang lahat ng mga iyon?" Hindi ko mapigilang hindi mapatanong.
"Kasi si Mama noon ganyan ang gusto pero hindi sang-ayon si Papa. Bata pa ako noon ngunit alam kong iyon ang pangarap ni Mama," sagot niya at tila lumungkot ang mga mata nito.
"Amanda, gusto mo bang umalis ako ulit?" walang pagdadalawang-isip na tanong ko.
Natigilan naman siya at napalingon sa aking gawi. Tila namayani ang katahimikan sa aming dalawa at tumango na lamang ako.
"Huwag mo na lang sagutin at kali-" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang magsalita siya.
"Kung hihilingin ko bang manatili ka na lang dito, mananatili ka ba?" tanong niya at agad na nag-iwas ng tingin.
"Yes, I will."
BINABASA MO ANG
Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)
RomansaBULONG NG PUSO Book 2 (Bakit Labis Kitang Mahal) Makalipas ang isang taon na malayo sa dalaga ay lubos pa in ang pangungulila ni Enzo rito. Mahal niya ito at higit niya itong nirerespeto kahit na ang hiling nito ay masakit at mahirap. Nakapagdesisyo...