AMANDA
Malamig ang simoy ng hangin ngunit sikat na sikat ang araw. Kasalukuyan akong nasa batis kasama si Caspian. Matagal-tagal na rin noong huling pumasyal ako rito. Naalala ko p noong una ay dito ako kinuha ni Afonso at pinagpapalo sa bahay dahil sa pag-aakalang nawawala ako.
Tanging ingay lang ng tubig at dahon ng mga punong kahoy ang maririnig. Samantalang si Caspin naman ay nakatulog sa isang gilid. Kahit ako ay makararamdam ng antok dahil sa payapang lugar na ito.
Inilatag ko ang dala kong malaking makapal na kumot sa damuhan at inilabas ang dala kong pagkain at tubig. Napagpasyahan kong dumito na muna kahit sandali lang at babalik na rin sa rantso mamayang hapon.
Dahan-dahan akong nahiga at tanaw na tanaw ko ang mga nagsasayawang mga dahon ng mga puno sa hangin. Kulay berdeng mga dahon at kulay bughaw na kalangitan. Marahang ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang simoy ng hangin at tubig sa batis. Para akong naaantok kaya mas pinili ko na munang umidlip kahit na sandali lang.
Isa't kalahating taon na rin ang makalipas ngunit masakit pa rin. Parang nakaukit pa rin sa akin ang nakaraan. Mahal na mahal ko pa rin si Alfonso. Sa tuwing maaalala ko siya ay lubosan na akong nangungulila sa kanya.
Hindi ko magawang matulog dahil mas ramdam kong ipikit na lang muna ang aking mga mata hanggang sa may narinig akong kaluskos na tila papalapit sa aking direksyon.
Sa pag-aakalang si Caspian lamang ito na nagising ay agad kong naimulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mukha ni Enzo.
Napasinghap ako nang magtama ang aming mga mata. Kapansin-pansin din ang porma ng katawan nito. Mala-adonis ang hulma ng mukha nito at hindi nakakasawa ang angkin nitong kagwapuhan.
"Kanina pa kita hinahanap," wika nito na nakangiti.
Napaatras naman ako ng kaunti at nag-iwas ng mga tingin. Ramdam kong tila uminit ang magkabila kong mga tainga. "Naisip ko kasing pumasyal na muna rito," sagot ko. "Papaano mo pala ako nahanap?" tanong ko at napasilip sa likuran nito.
Wala siyang dalang kabayo. May kalayuan ang batis sa manor kaya marahil sa marahil ay nilakad niya lamang ito.
Umayos naman ito nang pagkakaupo at inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. "No wonder you love it here," wika nito.
Tumango naman ako at ngumiti. "Tahimik at matiwasay kasi rito. Nahuhumaling din ako rito sa batis. Sariwa rin ang hangin," sagot ko at napapikit ng aking mga mata.
"Amanda," tawag ni Enzo at nilingon ko naman siya. "Hindi naman siguro lingid sa iyo na mahal pa rin kita magpahanggang ngayon."
Tumibok nang husto ang aking puso. Para akong naninigas mula sa pagkakaupo. Hindi ko matagalan ang titig niya ngunit tila nangungusap ang kanyang mga mata. Hindi ko magawang maibuka ang aking mga bibig. Hindi ko alam kung ang ang isasagot.
"Maaari ba kitang mahalin? Pwede ba akong umakyat ng ligaw sa 'yo?" sunod-sunod na tanong niya na titig na titig pa rin sa aking mga mata.
Napalunok naman ako ng aking laway. Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot. Oo at hindi lang naman ang pagpipilian ko ngunit bakit tila hirap na hirap ako
Nagdadalawang-isip akong umuo ngunit hindi ko rin gustong humindi.
Napayuko si Enzo at dahan-dahang tumayo. "Babalik ako bukas para sa sagot mo. Tatanggapin ko ng buong-buo kung ano man ang iyong magiging desisyon, Amanda. Don't hold back yourself... please," wika nito at nagsimulang maglakad.
Pinanood ko na lamang ang kanyang pag-alis hanggang sa mawala na siya sa aking mga tingin. Napahawak ako sa aking dibdib at ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok nito.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit hindi ko siya masagot-sagot? May parte sa akin na hindi ko gustong mawalay kay Enzo at magkalayuan kami ng loob. Ngunit hindi rin maaaring sagutin ko na lang ito nang basta-basta dahil nasa puso ko pa rin si Alfonso. Napatingin ako sa singsing na suot-suot ko.
Ito ang singsing na siyang ibinigay niya sa akin noong araw na iyon. Papaanong hindi ko siya maalis-alis agad sa isip ko si Alfonso kung sa gayong hindi ko pa rin siya makalimutan. Hindi ko naman gustong gawing panakip-butas si Enzo.
Napabuntong-hininga naman ako at napatanaw sa batis. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Marahil ay hindi sapat ang isang araw na pag-iisipan ko nang maigi ito. Kailangan din ni Enzo ng kasagutan at baka pwedeng masabihan ko siya na kung pwede ay pag-iisipan ko muna ng isang linggo ang lahat.
Wala rin akong makausap dahil hindi pa nakauwi si Nanang. Nagising naman si Caspian at nakatitig sa akin na tila ba nangungusap ang mga mata nito.
Ngumiti naman ako. "Ano sa tingin mo? Kailangan ko na bang baguhin ang lahat?" tanong ko at nagulat naman ako nang tila tumango naman si Caspian at agad na nag-iwas ng tingin dahil sa mga ibon.
Muli akong napabuntong-hininga at tumayo. Inayos ko ang mga gamit at inilagay sa basket. Ni hindi ko man lang nakain ang inihanda kong pagkain. "Uwi na tayo, Caspy," wika ko na bitbit-bitbit ang basket at hindi na nag-abalang sumakay pa.
Sumunod naman si Caspian sa akin at sanay na ito na hindi ko na iginigiya pa na hawak-hawak ang tali nito dahil alam na nitong sumunod sa akin pauwi.
"Alam mo miss ko na ang taong nagbigay sa 'yo sa akin," wika ko na kinakausap si Caspian. "Salamat Caspy ha kasi sa mga panahong nalulungkot ako ay nandiyan ka," dagdag ko pa at tila kinabig naman ako ni Caspian ng kanyang ulo dahilan upang bahagya akong matawa. Para kasi itong nakakaintindi.
Napahawak ako sa aking dibdib nang masilayan ko si Enzo na nasa labas ng bahay at nakaupo. Nakatitig ito sa akin at hindi ko alam kung kanina pa ito naghihintay dahil ang buong akala ko ay umuwi na ito.
"Ano nga ba ang binubulong ng puso ko?"
BINABASA MO ANG
Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)
RomanceBULONG NG PUSO Book 2 (Bakit Labis Kitang Mahal) Makalipas ang isang taon na malayo sa dalaga ay lubos pa in ang pangungulila ni Enzo rito. Mahal niya ito at higit niya itong nirerespeto kahit na ang hiling nito ay masakit at mahirap. Nakapagdesisyo...