KABANATA 7

219 10 8
                                    

ENZO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ENZO

Para akong lumiliyab sa pamumula dahil sa ginawa ko. Mismo sa sarili ko ay hindi ko maisip na makakaya kong gawin iyon. Para bang may umudyok na lamang sa katawan ko na gawin iyon. Malaki ang respeto ko kay Amanda ngunit tila nawawala ito kapagka katawan ko na ang nagsalita.

Isang linggo rin kasi kaming hindi nagkita at sa isang linggong iyon ay para akong mababaliw sa pangungulila sa kanya kaya ganoon na lang din siguro ang pagkasabik ko nang makita ko siya sa batis.

Kasalukuyan akong nakikiligo sa banyo ng kanyang kwarto at amoy na amoy ko pa rin ang kanyang halimuyak. Pansin ko na strawberry pa ang bango ng shampoo niya. Wala rin naman akong choice kung hindi ang gamitin ito. Gusto ko rin naman ang amoy.

Nangingiti na lang ako hanggang sa matapos akong maligo. Nang matapos na akong magbihis ay inayos ko na rin ang mga pinagkalakatan ko. Kasabay nang paglabas ko ng kwarto niya ay bitbit-bitbit ko rin ang dalawang tuwalyang ginamit ko. Basa rin ang pantalon ko ngunit may ipinagamit naman sa akin ni Amanda. Sakto lang sa akin ang short at hinala ko rin ay damit ito ni Alfonso.

Habang pababa ako ng hagdan ay amoy ko na agad ang adobong niluluto ni Amanda. Wala pa rin si Nanang Hilda hanggang ngayon at hindi pa rin maalis-alis sa akin na hindi mag-alala kay Amanda dahil mag-isa lamang ito tuwing gabi.

Pinapanood kong magluto si Amanda at ni hindi nito alam na nasa likod lang ako. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at may iilang hiblang nakalugay ngunit tila mas nakadagdag pa ito sa kanyang kagandahan. Kapansin-pansin din ang maganda nitong hubog ng katawan kahit nakasuot lamang ito ng simpleng t-shirt na maluwang ngunit manipis.

Nang humarap ito ay napasinghap ito sa gulat. "Enzo, kanina ka pa ba riyan?" tanong niya na habang pinupunas ang kanyang kamay sa apron na suot-suot niya.

Umiling naman ako. "Kabababa ko lang. You were too occupied," wika ko at bahagya naman siyang natawa. I was so mesmerized by her laugh and smile.

"Ayoko kasing masunog itong niluluto ko. Adobong manok ang niluluto ko ngayon gusto mo bang lagyan ko 'to ng pinya?" tanong niya habang nagbabalat ng patatas.

"Whatever it is to your liking ay kakainin ko pa rin. Ako na riyan," wika ko sabay kuha ng ilang patatas na hindi pa nababalatan.

Marahang tumango naman siya sabay bigay mg kutsilyo at balik sa kanyang niluluto.

Tahimik ang buong kabahayan at baliw na siguro ako dahil iniisip kong mag-asawa na kami at sabay kaming nagluluto. Napapilig naman ako ng ulo dahil sa iniisip ko at ramdam kong uminit ang magkabilang tainga ko.

"Para tayong mag-asawa." Basag ni Amanda sa katahimikan.

Para naman akong nasamid ng aking laway dahil pareho kami ng iniisip. Para akong nababaklang hindi makatingin sa kanya. Hindi naman ako ganito noon ngunit tila natatalo ako ng kanyang karisma.

"Is that the answer?" tanong ko at hindi naman ito sumagot.

Para akong pinanghinaan ng loob ngunit patuloy pa rin ako sa pagbabalat ng patatas. Hindi ko na namalayan na patapos na pala ako.

Naupo siya sa isang silya at napalingon sa bintana kung saan tanaw ang berdeng mga damuhan.

"We'll give it a try, Enzo. Ngunit hindi ko masisigurong hindi kita masasaktan dahil aaminin kong may puwang pa rin siya sa puso ko. Sa isang linggong nawala ka ay napaisip din ako ngunit naputol iyon nang may narinig akong bali-balita," wika niya dahilan upang lingonin ko siya.

Ano'ng klaseng balita na naman kaya ang narinig niya? Bakit tila may kutob akong hindi ito maganda? Tila may lungkot sa kanyang mga mata.

"Ano naman 'yon?" tanong ko at humili na rin ng silya at naupo.

Inipid niya naman ang iilang hibla ng buhok sa kanyang tainga bago nagsalita. "Hindi ko alam kung totoo ngunit dalawang tao na rin ang nakakita sa 'yo na may kasamang babae mismo sa inyong tahanan," diritsahang sagot niya dahilan upang mapangiti ako.

Hindi ko alam kung bakit ngunit nakikita kong tila apektado siya rito. "Iyon ba? Pinsan ko 'yon, si Fasha. Nagbakasyon lang siya sa amin at galing siyang Bukidnon. Dalawang araw din siya sa bahay dahil gusto niyang magbakasyon muna bago siya ikasal sa kanyang nobyo," sagot niya at nilingon naman siya nito.

"Sa labas ka na maghintay sa may hardin. Nakahanda na ako doon ng mga gamit. Ako na rito," wika niya at ayoko namang igiit pang tulungan siya dahil tila mas gusto niyang mapag-isa na muna kahit sandali.

Tumalima naman ako at hihintayin ko na lamang siya roon. Nakaramdam naman ako ng kaba. Tumitibok nang husto ang puso ko.

Nang makarating ako sa hardin ay hindi ko mapigilang hindi mapamangha sa mga namumukadkad na mga orkids. Alagang-alaga talaga ito ni Amanda kahit na wala si Nanang Hilda.

Naupo naman ako at napatingin sa mesa. Nakahanda na nga ang lahat. "Pagsisilbihan kita, Amanda maging akin ka lang," bulong ko sabay tanaw sa mga naggagandahang mga orkids.

Masarap ang simoy ng hangin at para akong napipikit sa kaantukan.

"Mainit pa," isang mahina boses ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Hindi ko man lang narinig ang mga yabag niyang papalapit sa aking direksyon. May dala-dala rin itong tray. Inilapag naman niya ang dalawang maliit na mangkok ng adobo at dalawang plato na may mainit ng kanin. May dala rin siyang dalawang malamig na inumin.

Pagkatapos niyang ilapag lahat ay ipinatong niya ang tray sa isang gilid. Kumain na rin kami pagkatapos at hindi ko mapigilang hindi maparami ng kain. Sarap na sarap ako sa sarsa ng adobo at sa pinya. Ubos ko na rin ang nakahain sa mangkok ko at bahagyang inusog naman ni Amanda ang kanyang mangkok.

"Sige kain pa," wika niya na may ngiti sa kanyang mga labi.

Pagkatapos naming kumain ay ako na rin ang nagligpit ng aming pinagkainan at naghugas ng mga ito. Dali-dali rin akong bumalik sa hardin dahil may sagot pa akong hinihintay sa kanya.

Nang makaupo ako ay nagtama ang aming mga mata. "Bakit ako pa ang gusto mong mahalin, Enzo? Maraming iba riyan at alam mo 'yon. Maraming nagkakandarapa sa 'yo. Mga may sinasabi sa buhay at mataas ang pinag-aralan. Isang taon na lang sana at nakapagtapos na rin ako sa kolehiyo tulad mo ngunit heto ako at mas piniling maging ganito," mahinang sambit niya at kita ko rin ang pagkuyom ng kanyang mga palad.

Ngumiti naman ako at napabuga ng paghinga sabay lingon sa mga bulaklak. "Hindi pa ba sapat na sabihin ko sa 'yong mahal kita? Kahit na nasa piling ka na niya noon ay mas pinili ko pa ring mahalin kita kahit na sa huli ay alam kong talo ako." Napasuklay ako ng aking buhok. "Alam kong marami riyan ngunit wala silang mas may ihihigit sa 'yo, Amanda. Sabihin mo mang nasisiraan na ako ng ulo ngunit handa kong ibigay ang lahat para sa 'yo. Alam kong hindi ka pa handang magmahal ulit. Alam kong masakit pa sa 'yo ang nakaraan ngunit hanggang kailan, Amanda? Hindi naman ako nagmamadali at kaya kong maghintay. Sabihin mo lang at maghihintay ako. Sabihin mo lang at gagawin ko lahat-lahat huwag lang ang iwan ka. Ikaw pa rin ang binubulong ng puso ko, Amanda."

Napahilamos naman ako at hindi makatingin sa kanyang gawi.

Narinig ko naman siyang nagpakawala ng paghinga. "Mahal na yata kita, Enzo."






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon