AMANDA
Makalipas ang isang linggo . . .
Isang linggo na rin pala ang nakalipas at sa isang linggong iyon ay hindi na nagparamdam pa sa akin si Enzo. Ni anino niya ay hindi ko nakita. Balita ko rin na wala siya pati sa bahay nila. Umalis daw ito at hindi alam kung kailan ang balik.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa mga naririnig ko. Meron daw kasi itong kasamang babae noong umalis ito. Batay sa mga narinig ko ay ngayon lang daw nila ito nakita. Mukha rin daw itong artista at bagay na bagay daw ito para kay Enzo. Lihim din akong nasaktan habang naririnig ang mga iyon at napapaisip na hindi nga ako nababagay sa kanya. Kahit nga kay Alfonso noon ay ganito rin ang nararamdaman ko.
Sino ba naman kasi ako upang pag-aksayahan ng oras? Akala ko ay pursigido talaga siya sa akin ngunit nagkamali ako. Kasalanan ko rin naman dahil umasa ako. May isang linggo pa akong nalalaman mauuwi rin naman pala sa wala.
"Caspy, tara sa batis. Wala ng mang-iistorbo sa atin doon," wika ko sabay hila kay Caspian.
Maingat akong sumakay sa kanya at iginiya papunta sa batis. Maagang natapos ang mga dapat trabahuin sa rantso at napaliguan na rin ang mga kabayo kaya maaga ring nagsiuwian ang mga trabahante. Hanggang ngayon din nga ay wala pa si Nanang. Hindi pa raw ito makauuwi dahil na rin sa nagkasakit ang kanyang isang pamangkin at walang mag-aalaga nito.
Kahit na ganoon ay hindi naman ako nakaramdam ng kalungkutan kahit na mag-isa lang ako ngunit iba ang nararamdaman ko ngayon. Para akong hindi mapakali at may bumabagabag sa akin. Kailangan ko ng kasagutan sa mga tanong na tumatakbo sa aking isipan.
"Nagugutom ka ba, Caspy? Nagdala ako ng makakain mo rito. Doon na muna tayo hanggang maghapon ha," usap ko kay Caspian nang malapit ko nang matanaw ang batis.
Balak ko ring maligo roon. Ako lang naman ang taong laging naroroon kaya malaya kong magagawa kung anuman ang aking naisin.
Nang makarating kami sa batis ay naglatag agad ako ng makapal na kumot sa damuhan at inilagay ang basket na may inihanda kong mga pagkain. Binigyan ko na rin agad ng carrots si Caspian na siyang ikinasaya naman nito.
Nagpalinga-linga pa ako sa paligid upang siguraduhing ako lang talaga ang tao. Tahimik ang buong paligid at sandaling napatanaw ako sa kalangitan. Bughaw ang buong kalangitan at tanging lamyos lang ng hangin ang ingay bagay na gustong-gusto ko.
Agad kong hinubad ang buong saplot ko at naiwang hubo't hubad. Nangingiti akong dahan-dahang lumusong sa batis. Malamig ngunit masarap sa pakiramdam. Parang krystal ang tubig na nasisinagan pa ng sikat ng araw. Hindi na rin ako nagdalawang-isip pa na lumusong at basain na ang aking buhok.
Habang aliw na aliw ako ay may narinig akong tila kaluskos sa isang sulok. Agad naman akong napamulat at inilibot ang aking paningin. Bigla akong napatayo at napasinghap nang biglang may lumitaw na bulto sa isang gilid.
"I know I will find you here," isang baritonong boses ang nagsalita dahilan upang dahan-dahan ko itong lingonin.
Parang nahulog ang aking panga nang makilala kung sino ito. "Enzo," pitlang ko at agad na naupo sa tubig at niyakap ang aking sarili.
Nakita niya ang buong katawan ko. Nakita niya akong hubo't hubad. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong tainga. Pulang-pula na rin siguro ang aking mukha.
"Tumalikod ka!" nagpupuyos kong sigaw sa galit.
Narinig ko naman siyang natawa nang mahina.
"Why?"
Hindi ako makapaniwalang tinatanong niya pa ito. Nakakita ako ng dalawang magkatabing bato. Hindi ito masyadong kalakihan kaya agad kong kinuha ito at ibinato sa kanya.
Mabilis niya naman itong naiwasan na natatawa pa. "Hey!" nangingiting wika niya habang titig na titig pa rin sa akin. "Stay there," wika nito at akmang itataas na nito ang kanyang damit dahilan upang sumigaw ako.
"Ano'ng ginagawa mo?" sigaw ko dahil parang hindi ko gusto kung saan pupunta ang pag-uusap naming ito.
Gwapong-gwapo ito at daig pa nito ang isang adonis sa katikisan at kagwapuhan. Kahit na sa malayo siya ay tila naaamoy ko pa ang kanyang pabango.
Hindi naman ito sumagot at nagpatuloy lang sa paghubad. Wala na itong saplot pang-itaas at kahit na gusto kong iiwas ang aking mga tingin ay hindi ko mapigilang hindi pasadaham ng tingin ang bakal-bakal nitong katawan.
Hindi ko alam kung bakit tila perpektong lalaki ang ginawa ng kaitas-taasan sa kanya. Papalapit siya nang papalapit sa akin at paatras naman ako nang paatras. Parang umuurong naman ang dila ko. Pinagmasdan ko na lamang siya hanggang sa tuluyan na siyang nakalusong.
"I've already seen enough... Amanda," wika nito at dahan-dahang lumapit sa akin.
Napaatras naman ako ngunit huli na nang malaman kong wala na pala akong aatrasan.
"I'm craving for an answer. Do you have it now?" he huskily asked as he comes closer and closer.
Halos ilang pulgada na lamang ang layo namin at amoy na amoy ko na ang pabango nito. Parang isang greek god ang nasa harapan ko.
Napalunok naman ako nang abutin niya ang aking mga kamay at ngayon ay kitang-kita sa malinaw na tubig ang buo kong katawan at alam ko ring nakikita niya ito.
"Please, do I need to kneel and lick you to give me your answer?"
Nanlaki naman ang aking mga mata sa aking mga narinig. Pulang-pula na siguro ako ngayon.
Bago ko pa man maibuka ang aking bibig ay bigla niya na lamang na sinakop niya ito.
Hinahalikan niya ako ngayon!
Agad akong nanlaban at itinulak siya ngunit tila isa siyang matigas na pader na hindi matibag-tibag. Nakahawak na rin siya sa baywang na malapit sa aking pwetan.
Sa katagalan ay biglang nalunod na lamang ako at nakita ko na lamang na umaayon na lamang ako sa agos. Ito nga ba ang binubulong ng puso ko?
"Enzo," mahinang tawag ko nang tuluyan na kaming maghiwalay.
"Save it for later. Let's go home."
BINABASA MO ANG
Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)
RomanceBULONG NG PUSO Book 2 (Bakit Labis Kitang Mahal) Makalipas ang isang taon na malayo sa dalaga ay lubos pa in ang pangungulila ni Enzo rito. Mahal niya ito at higit niya itong nirerespeto kahit na ang hiling nito ay masakit at mahirap. Nakapagdesisyo...