ENZO
Naririto ako sa harapan kung saan nakalibing ang labi ni Alfonso. The first thing that came to me was to visit him. Nabasa ko ang sulat na siyang ipinadala niya sa akin noong panahon na alam na nito ang lahat. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit para rito ang sumulat na para bang namamaalam na.
"Alam kong hindi naging maganda ang huli nating pagkikita at pag-uusap ngunit mas matimbang pa rin sa akin ang pagkakaibigan natin noon pa man. It was my fault. I wasn't matured enough," bulong ko habang nakatingin sa pangalan na nakaukit rito.
Muli kong naalala kung paano kausapin ni Amanda si Alfonso rito. Para akong dinudurog sa sakit noong mga panahong iyon. Kita at ramdam ko ang sakit kay Amanda. Mahal na mahal nila ang isa't isa at hindi ko iyon ikinakaila.
"I love her and here I am pursuing her again. Ito ang huling pagkatataon na gagawin ko ulit ito ngunit kung sa huli ay ikaw pa rin ang pipiliin niya ay tatanggapin ko ito nang buo."
Bago tuluyang umalis ay naglaan muna ako ng ilang minuto. Habang nasa byahe ay palihim naman akong napangiti dahil sa ginawa ko. Para akong humihingi muna ng permiso kay Alfonso bago tuluyang kaharapin si Amanda.
"Saan po tayo ngayon?" tanong ni Erik habang ang buong atensyon nito ay nasa daan.
"Alfonso's manor," sagot ko na walang pagdadalawang isip.
Naihanda ko na ang aking sarili. Kung ano man ang kahahantungan nito ay dahil iyon sa aking mga desisyon. Wala akong pagsisisihan.
Pagkababa nang pagkababa ko ng sasakyan ay agad na hinagilap ng aking mga mata si Amanda at hindi naman ako nabigo. Nakita ko siya sakay-sakay ng kanyang paboritong kabayong nagngangalang si Caspian. It's been a while since I last saw her riding.
Walang pagbabago, maganda pa rin ang dalaga. May mga pagbabago ang hacienda ngunit mas naging maganda ito dahil sa pangangalaga ni Amanda. Ang dating mga tuyong damu noon ay ngayon ay berdeng-berde na. Napalitan na rin ang ibang mga tarangkahan. Kapansin-pansin ang magandang pamamalakad ng dalaga sa manor.
Habang pinagmamasdan si Amanda ay sandali itong natigilan at nagtama ang kanilang mga mata. Ibang kislap ang namutawi sa mga mata nito at isang matamis na ngiti ang umukit sa mapupula nitong mga labi.
"Amanda," bulalas ko at hindi mapigiling hindi mapangiti at kumaway.
Dahan-dahan naman itong bumaba sa pagkasasakay sa kanyang kabayo at tumakbo patungo sa aking direksyon. Tila ba bumagal ang pagtakbo ng oras at tumibok nang husto ang aking puso.
"Enzo!" sigaw ni Amanda na galak na galak.
Isang mahigpit na yakap ang aking natanggap mula sa kanya. Kapit na kapit ang mga kamay nito sa aking leeg at para namang may sariling isip ang aking mga kamay at ipinulupot ito sa kanyang baywang.
"Amanda," wika ko at ipinilig ang ulo sa kanyang ulo at hinalikan ang buhok nito.
Kailan ba ang huling pagkatataon na nagkayakap kaming dalawa? Ganito pala ako kasabik na makita siya. Ganito pala ako kasabik na mahawakan siya. Ganito pala kabilis ang pagtibok ng puso ko pagdating sa kanya. Ganito pala ako kabaliw sa kanya.
"Kailan ka pa nakauwi?" tanong nito nang maghiwalay na kami sa pagkakayakap kahit na hindi ko pa siya gustong pakawalan.
Gusto kong palagi kaming malapit sa isa't isa. Gusto kong hawak-hawak ang kanyang malalambot na mga kamay. Napailing-iling naman ako sa mga pinag-iisip ko. Para akong isang stalker.
"Kahapon lang," sagot ko naman na titig na titig sa mga mata nito. Nakababaliw na matitigan ng isang magandang dilag na tulad ni Amanda.
The moment that I held my eyes on her, I knew she was the one... the one that I should marry.
"Na-miss kita, Enzo. Gusto kong humingi ng tawad noong araw na 'yon. Nadala lamang ako ng aking damdamin dahil sa mga nangyari," wika niya at umiling naman ako.
I hushed her. "It's okay... that's in the past already. I understand and will always be. It was for the better, Amanda. I hope it's okay if I am back... here," wika ko at napakamot sa aking batok.
Hindi ko siya kayang titigan sa mga mata dahil sa mga nabitawan kong mga salita. Nagpadalos-dalos yata ako. Masyado ba akong naging mabilis? Bakit hindi siya makasagot? Naging mabilis nga yata ako.
"It's okay if you don't want to see me and-" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang magsalita siya.
Kinuha niya ang aking kamay at bahagya itong pinisil. "I'm happy that you are here, Enzo. Stay... please stay," wika nito at para akong nabingi sa mga salitang namutawi sa kanyang mga labi.
Tumango naman ako at ngumiti naman siya. "As long as you want me too. I'll stay," sagot ko.
I'll stay whenever you want me to stay, Amanda. Hanggang dito na lang muna at hindi ko sasayangin ang pagkatataong ito. Hindi ko sisirain dahil lang sa lubos na pagmamahal ko sa kanya. Kung hanggang dito lang ako ay tatanggapin ko ito nang buong-buo. Alam kong mahal niya pa rin si Alfonso kahit na wala na ito. Hindi naman ito madaling palitan at naiiintindihan ko iyon. Ngunit kung ito lang ang paraan na mapalapit sa kanya ay sino ba naman ako upang mamili pa? Ako na rin ang pinakamasayang lalaki na nabubuhay sa mundong ito.
"Tara sa loob at tiyak din akong nami-miss ka rin ni Nanang Hilda," wika niya at agad akong iginiya papunta sa bahay.
Tumango naman ako bilang sagot. "Kumusta ka naman dito, Amanda?"
"Magsisinungaling ako kapag sinagot kitang maayos lang ako dahil ang totoo ay hindi naging madali ang lahat. Masakit at mahirap ngunit gaya nga ng sabi nila habang lumilipas ang panahon ay lumilipas din ang lahat. The wound will heal but tha scar will always be there," she softly answered but enough for me to hear it.
Ramdam ko ang sakit sa kanyang mga sagot at kita ko rin ang kasagutan sa aking mga katanungan. I knew it was imposible for me to replace him in her heart. But I want to stay beside her because I love her.
"I'm here, Amanda."
BINABASA MO ANG
Bulong Ng Puso (ENZO GABRIEL)
RomanceBULONG NG PUSO Book 2 (Bakit Labis Kitang Mahal) Makalipas ang isang taon na malayo sa dalaga ay lubos pa in ang pangungulila ni Enzo rito. Mahal niya ito at higit niya itong nirerespeto kahit na ang hiling nito ay masakit at mahirap. Nakapagdesisyo...