CHAPTER 7
JUSTINE'S POV
NANG araw din na yun ay natulog lang ako buong araw. Dahil na rin siguro sa pagod at bugbog ang katawan ko sa walang kapagurang kantutan namin ni Mang Goryo. Buti na lang ay hindi nahalata ni Nanay na wala ako sa kwarto nung gabing yun.
Kaya naman ay dinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam ko nang magtanong siya sakin kung bakit hindi ako lumabas ng kwarto ko nang umaga. Hindi na rin naman siya nang-usisa pa kaya naman ipinagpasalamat ko na lang 'yon. Masakit pa rin ang katawan ko kahit pa dalawang araw na ang nakalipas matapos ang mainit na tagpong namagitan samin ni Mang Goryo.
Sa loob ng dalawang araw na yun ay panay hilata lang ako sa kama ko habang nags-scroll sa cellphone. Paminsan-minsan ay nagkaka-usap kami ni Raffa pero hindi rin naman siya nag-aaya na lumabas kami. Dala na rin siguro ng bugbog din ang katawan niya. Natawa ako sa naisip.
"Parehas kaming hirap dahil sa kalandian namin."
"Tine, labas ka na! Kakain na tayo." Mahinang tawag ni Nanay sa labas ng kwarto ko. Tinignan ko kung anong oras na ba at nakitang alas syete na pala ng gabi.
Hindi ko namalayan ang oras dahil masyado na akong nalibang sa panonood ng videos dito. Kaya naman nagmadali na akong bumangon at inayos ang sarili ko para makasunod na kay Nanay.
"Sandali lang ho, palabas na po ako." Malakas na sabi ko para marinig niya sa labas. Pagkatapos noon ay nilapag ko sa may maliit na lamesa ang cellphone ko at chinarge ito.
Nang matapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na rin naman akong lumabas para makakain na. Nagugutom na rin kasi ako bunga ng nalipasan ako kanina.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Bungad na tanong ni Nanay nang makalapit ako sa hapag.
Medyo nagtaka pa ako dahil wala naman akong sakit. At muntik ko nang masabi 'yon. Buti na lang naalala kong yun nga pala ang dinahilan ko.
"Ah opo, medyo maayos na yung pakiramdam ko. Medyo masakit lang po yung katawan ko." Sabi ko na siyang totoo naman talaga.
"O siya, maupo ka na at kakain na tayo para makainom ka na rin ng gamot." Paanyaya naman ni Nanay at nagsalin na ng kanin sa pinggan ko. Agad din naman akong naupo para makapagsimula nang kumain.
"Malapit na palang maubos yung tubig natin dito no?" Tanong ni Nanay sa kalagitnaan ng pagkain namin. Natigilan naman ako't napatingin sa kaniya.
"Hindi ko po alam, Nay. Siguro nga po, dahil matagal-tagal na rin naman po yung huling punta ni Mang Goryo rito." Simpleng sagot ko sa kaniya sabay subo ng kanin at ulam.
"Bukas ng umaga pakidala na lang ng mga lalagyan sa bahay niya. Alama mo naman na siguro kung saan yung bahay niya diba?" Bilin sakin ni Nanay at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil magkikita na naman kami bukas. Ako pa talaga ang pupunta sa bahay nila. Kahit ano talagang pag-iwas ang gawin ko'y hindi ko talaga magawa.
Bibilisan ko na lang bukas para hindi na kami magsolo at baka saan na naman umabot yun. Yung huling nagsolo kami ay hindi niya ako tinantanan ng kantot.
NANG matapos kaming kumain ni Nanay ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Ako na rin ang naghugas ng pinggan dahil siya ang nagluto kanina. Siya ang nagluluto palagi kapag naabutan ko. Hindi naman sa hindi ako marunong magluto, nagkakataon lang talaga na si Nanay ang nauunang maghanda ng kakainin namin.
BINABASA MO ANG
FLORESCENCE (M2M)
General FictionHindi mapigilan ang pagsibol ng pagnanasa sa katawan ni Justine. Ang libog na ngayon niya lang naranasan sa piling ng lalakeng ngayon lang niya rin nakilala. Paano niya mapipigilan ang apoy na tumutupok sa kaniyang pagkatao? Ang pagnanasang ngayon l...