FLORESCENCE: CHAPTER 5

417 7 0
                                    

CHAPTER 5

JUSTINE'S POV
TAPOS na kaming maghapunan ni Nanay. Naalala ko na naman ang mukha ni Mang Goryo bago ako pumasok ng bahay kanina. Galit kaya siya sakin? Ako nga dapat ang magalit sa kaniya kasi nagsinungaling siya sakin eh.

Ayoko na mag-abala pang isipin yun. Bahala siya kung ano ang gusto niyang maramdaman sakin. Hindi ko na problema yun. Pinilig ko na lang ang ulo ko.

Hindi ako makatulog. Dinampot ko ang cellphone sa gilid ng kama ko. Nang buksan ko ito'y nakita kong alas diez na. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naka-ilang palit na ako ng puwesto rito. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Napag-isip-isip kong kalikutin na lang itong cellphone ko. Magpapalipas muna ako ng oras sa kaka-scroll sa facebook. Nakahiga ako ngayon sa kama. Hawak-hawak ang cellphone, suot ang malaking t-shirt at maiksing short.

Ganito lagi ang suot ko. Dito kasi ako kumportable eh. Tsaka matutulog na rin naman ako kalaunan.

Sa kalagitaan ng pags-scroll ko'y biglang nagpop-up ang pangalan ni Raffa sa messenger ko. Agad ko naman itong binuksan para basahin.

Siya:
Sis, labas tayo! Hindi pa kasi ako inaantok eh. Gala tayo, wala rin naman akong magawa rito sa bahay.

Agad naman akong nagtipa ng sagot.

Ako:
Pokpok ka ba? Ba't ka gagala nang gabi?

Agad niya naman itong sineen. Kitang-kita ko sa screen ang paggalaw ng mga tuldok. Senyales na nagtitipa rin siya ng sagot.

Siya:
Matagal na! Kaya labas ka na diyan sa inyo. Kikitain kita sa may kanto. Bilisan mo!

Wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kaniya. Kung mananatili ako sa bahay ay wala rin naman akong gagawin. Mas mabuti na rin sigurong sumama ako sa kaniya. Para pagod akong uuuwi rito, tapos diretso na lang matutulog.

Ako:
Sandali, magsusuklay lang ako at magpapabango.

Sagot ko naman at saka tumayo na. Naglakad ako papunta sa may salamin para suklayin ang buhok ko. Nang matapos ay nagtungo ako sa may drawer malapit sa may kama ko kung nasaan nakalagay ang pabango.

Nang mahanap ko'y agad ko rin naman ini-spray. Nang makapaghanda na ako ay napagpasyahan ko nang lumabas ng kwarto. Iniwan ko na lang sa loob ang cellphone ko. Ayoko rin naman kasing hawak-hawak ko yun habang gumagala kami.

Dahan-dahan pa ako sa pagbukas ng pintuan para hindi makagawa ng ingay. Ayoko na rin naman na magpaalam kay Nanay lalo pa't tulog na rin naman siya at baka hindi pa ako payagan nun.

Nang makalabas na ako ng aming gate ay naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin na nanunuot sa aking balat. Hindi naman sobrang lamig kaya naman inignora ko na lang 'yon at nagsimula na akong maglakad.

Tumingala ako sa kalangitan para tignan kung natatabunan ba 'yon ng makapal na ulap. Nang makita kong hindi naman at mayroon pa namang ulap na makikita ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Hindi naman siguro uulan."

Tanaw ko sa medyo kalayuan ang mga nakasabit na banderitas sa taas ng dinadaanan kong kalsada. Nagtaka pa ako nung una. Pero naalala kong magpipista na nga pala rito sa amin. Kalahati pa lang ang nalalagyan. Kaya siguro hindi pa umaabot sa amin.

Kaya pala siguro may paliga rito sa baranggay. Yun yung sinasabi ni Raffa kanina na manonood kami bukas. Napatango na lang ako nang mapagtanto na baka nga tama ako.

Malapit na ako sa kanto nang makita ko si Rafa na nakatayo. Naka-pajama siyang pula, at itim na t-shirt. Ako naman ay ganon pa rin ang suot. Hindi na ako nag-abala pang magbihis. Gabi na rin naman.

FLORESCENCE (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon