FLORESCENCE: CHAPTER 4

306 5 0
                                    

CHAPTER 4

JUSTINE'S POV

ISANG LINGGO na magmula nung huli naming pagkikita ni Mang Goryo. Hindi ko alam kung ano na ang balita sa kaniya dahil matapos nung tanggihan ko siya'y hindi ko na siya nakita. Hindi rin naman kasi ako lumalabas ng bahay dahil sa tinatamad ako at umuulan pa nung mga nagdaang araw.

Kaya naman wala ring rason para magpunta ako sa kanila, o kaya naman na siya ang magpunta rito dahil mayroon pa kaming tubig na nakaimbak bunga ng matinding ulan. Ngayon na sumikat na ang araw ay napag-isip-isip kong sumama kay Nanay sa palengke.

Wala rin naman kasi akong gagawin dito kaya naman naisip kong tumulong na lang doon sa pagtitinda. Maaga pa lang ay naligo na ako agad naghahanda para sa pagsama ko kay Nanay sa palengke.

Suot ang nakasanayan kong suot ay lumabas na ako ng kuwarto. Nang makalabas ako'y bumungad sakin si Nanay. Mukhang katatapos niya lang din magbihis dahil medyo basa pa ang kaniyang buhok na tumutulo pa sa kaniyang suot na damit.

"Sigurado ka ba talaga na sasama ka sakin?" Bungad na tanong niya nang makita akong lumabas na ng kwarto. Nakagayak na.

"Oo naman, Nay. Wala din naman kasi akong gagawin dito. Baka maburyo lang ako rito sa babay eh." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot.

Matapos ang ilang minutong paghahanda ni Nanay ay kinuha na niya ang kaniyang maliit na bag. Lalagyan yun ng perang kaniyang kikitain sa maghapon na ito.

Ako naman ay bitbit ang cellphone na nakabuntot sa kaniya. Nasa labas na kami ngayon ng bahay naghihintay ng masasakyang tricycle papuntang palengke. Buti na lang ay hindi sobrang init ngayon. Marahil ay ganito talaga dahil sobrang aga pa naman. Mag-aalas otso pa lang ng umaga.

Sa kalayuan ay tanaw kong may papalapit na tricycle. Bigla akong kinabahan na baka si Mang Goryo ang nagmamaneho noon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na magkita kami. Buti na lang nang makalapit ay nakita kong hindi naman pala siya 'yon.

Hindi ko alam kung ginhawa ba ang aking naramdaman o pagkadismaya. Pinilig ko na lang ang ulo ko para iwaksi ang naiisip. Sumakay na kami sa tricycle para makarating na sa may palengke. Medyo nagmamadali na rin si Nanay dahil baka wala nang mabaabutang customer.

Binabaybay namin ngayon ang daan papuntang palengke. Hindi naman sobrang layo mula sa bahay namin, ngunit hindi rin naman sobrang lapit na pwede mong lakarin.

Maya-maya lang ay natanaw ko na sa di kalayuan ang nagkukumpulang mga tao. Basa ang sahig, at samo't saring amoy ang maamoy mo. Nang makarating kami sa bakuna ng palengke ay inilibot ko ang paningin ko.

Ngayon lang ako nakapunta rito. Tanaw na tanaw ko ang mga pwestong magkakatabi at magkakaharap. Iba't-ibang klase ang mga paninda. Mayroong isda, baboy, karne, at mga gulay.

Sa gilid malapit sa labasan ay makikita mong may mga nakaparadang sasakyan na nagdidiskarga ng mga gulay. Mayroon din sa kabilang gilid nito ang mga drayber na naghihintay sa kung sino man ang lalabas at sasakay pauwi.

Ganito pala ang eksena rito. Gumala ang paningin ko nang magsimula na kaming pumasok sa loob. Mayroon kaming nakakasalubong na lalakeng nagtutulak ng kariton na may lamang mga gulay.

Busog na busog ang mata ko sa tanawing nakikita. Ang gaganda ng mga katawan nila. Morenong ang balat, at namumutok sa masel ang mga braso at kalamnan. Hindi rin nakatakas sakin ang mga pawis na lumalandas sa kanilang leeg papunta sa kanilang utong.

Papasok pa lang malapit sa pwesto namin ay ito na ang mga bumungad sakin. Hindi naman ako nagrereklamo.

Pero kahit pa na ganon ay hindi ko masasabing nalilibugan ako sa kanila. Yung iba sa kanila ay hindi ko naman tipo.

FLORESCENCE (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon