FLORESCENCE: CHAPTER 1

517 8 0
                                    

CHAPTER 1

JUSTINE'S POV
Bakasyon na naman kaya mamamalagi na naman ako sa aming bahay sa loob ng dalawang buwan. Huling taon ko na lang sa senior high school sa susunod na pasukan. Sobrang bilis ng mga pangyayari, parang kahapon lang nung magsimula ang pasukan. Ngayon tapos na.

Dahil nga tapos na ang pasukan wala na akong ibang gagawin kundi humilata na naman sa bahay. Parang naiisip ko pa lang ang sitwasyon ko sa mga susunod na araw ay nabuburyo na ako. Kaya naman nag-iisip na ako ng mga mapagkakaabalahan sa mga susunod na linggo.

Bumangon na ako sa aking higaan para simulan na ang umaga. Panigurado magbubunganga na naman si nanay kung hindi ako bumangon nito. Pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad agad si nanay sa paningin ko. Naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"O buti naman at nagising ka na, Tine." Maikling bigkas niya sa pangalan kong Justine.

"Oho, maaga rin po kasi akong natulog kagabi eh. Kaya siguro napaaga yung gising ko." sabi ko habang kinukusot ang mata sabay dahang-dahang umupo sa hapagkainan.

"Tamang-tama ang gising mo at naihanda ko na rin ang almusal." ang sagot ni Nanay sabay umupo sa may gilid ko.

Nagsimula na kaming kumain. Ang ulam namin ay itlog at saka hotdog na ipinares sa may sinangag. Ito talaga ang gusto ko sa umaga. Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Nanay.

"Tine, mamaya pakidala yung mga container sa bahay nina Goryo. Para maisabay sa pagdeliver ng tubig." bilin ni Nanay habang hindi tumitingin sakin dahil abala sa pagkain ng almusal.

"Sinong Goryo, Nay?" takang tanong ko sa kaniya.

"Ay, oo nga pala hindi mo pala kilala yun. Si Goryo, yun yung lalake malapit sa may kanto nakatira. Siya yung kumukuha ng inuming tubig natin pati na rin yung panligo. Alam mo naman na nasira yung poso natin diba?" mahabang paliwanag niya na ikinatango ko naman.

"At saka wala naman kasi akong mautusan sa pagkuha ng tubig eh pareho tayong babae rito." sabi ni Nanay habang natatawa na ikinatawa ko rin.

Alam ni Nanay ang kasarian ko simula pa lang tumuntong ako ng High School. Hindi ko na inilihim yun sa kaniya sapagkat alam ko naman na matatanggap niya ako kung sakali man na maging ganito ako. Maging bakla. Ang sabi ni Nanay ay ayos lang naman daw sa kaniya dahil wala naman daw siyang magagawa. Buhay ko 'to at kami na lang ang mayroon ang isa't-isa.

Mag-isa akong anak ni Nanay at Tatay. Wala akong kapatid sapagkat namatay ang Tatay nung 8 taong gulang pa lamang ako. Halos 10 taon na magmula nung namatay si Tatay dahil sa sakit nito. Ewan ko nga ba bakit hindi na nag-asawa ulit si Nanay. Eh maganda naman ito, sa edad na 47 ay masasabi ko talagang may asim pa siya. Sa kutis niyang maputi, labing mapupula at matangos na ilong ay hindi maitatanggi na maganda talaga siya. Namana ko itong lahat kay nanay na mga katangian. Pwera na lang yung hati sa gitna ng aming mga binti. YUNG PUKE!

"Syempre, nay. Sayang naman itong ganda ko kapag pinagbuhat mo ako ng gallon na may tubig no. Hindi bagay sa get up ko!" patol ko sa pang-aasar ni Nanay na sabay naming ikinatawa.

PAGKATAPOS naming kumain ni Nanay ay umalis na siya papuntang palengke. Mayroon kasi kaming pwesto ron kung saan nagtitinda kami ng mga gulay at kung anu-ano pa.

Pagkatapos kumain ay nagligpit na rin ako ng aking pinagkainan at naligo para magawa na ang iniutos ni Nanay. Hindi ko alam kung saan ang bahay ng Goryong sinasabi ni Nanay. Pero ang sabi niya'y malapit daw sa kanto. Kaya naman ay mamaya ko na lang poproblemahin iyon.

Sinuot ko na ang damit na karaniwang kong isinusuot. Maikling cotton shorts na hapit na hapit sa matambok kong pang-upo at pinaresan ko ito ng malaking t-shirt upang hindi bumalandra ang pang-upo ko sa mga makakakita nito. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at mapapasabi talaga akong mukha akong babae.

FLORESCENCE (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon