Chapter 2

3 0 0
                                    

Smile

Sa totoo lang, kanina pa ako naiingayan sa likod. Para kasi silang mga baliw. Naiwan ako sa room kasama sila.

At sila ‘yong mga lalaki na laging maingay sa likod.

Naiinis ako kaya lumingon ako—pero tama lang nang mag-tama ang tingin namin no‘ng lalaking ‘yon. Umiwas ako agad, mukha kasi s‘yang bully at pakiramdam ko may sinasabi s‘yang hindi maganda sa ‘kin.

Paulit-ulit niya ‘yong ginagawa, hindi ko sigurado kong anong tunog ‘yon pero malapit sa tunog ng ambulansya habang naka-close fist siya at naka-tapat ‘yon sa bibig niya tsaka niya tatakpan at aalisin ang isang kamay niya na parang iniipit niya butas ng naka-fist n‘yang kamay gamit ang isang kamay.

“Ang ingay ni‘yo, sa totoo lang ang iingay ni‘yo. Dinig na dinig kayo sa office. Hindi ba sinabi ko na? Ngayon, gagawa tayo ng sitting arrangement.”

Ma‘am,

‘wag po.

Hindi na po kami mag-iingay.

“Ngayon magre-react kayo? Sige, lahat tumayo sa harap.”

Matagal bago kami sumunod. Alphabetical order alternate boys girls.

Nakakaramdam na ako ng kaba dahil ako na lang ang nasa harapan.

Ang hirap maging last.

Hindi naman totally last, pero kasi absent ‘yong pinaka-last sa aming mga babae.

Inuna kasi ang mga boys.

“Torres, sa tabi ni Rivera.”

Tinuro ni ma‘am ang upuan sa second row last line at sa unang upuan.

At ang makakatabi ko, ‘yong lalaking ‘yon, ‘yong lalaking laging maingay.

Nakatingin siya sa ‘kin at kinakabahan akong humakbang palapit sa tabi niya.

Tan ang kulay ng balat niya, katamtaman ang height niya at sa edad namin na ‘to maganda na ang pangangatawan niya.

Matangos ang ilong niya at maliit ang mata, thick pouty lips at ang buhok niya na naka-pataas pero may nahuhulog na maliit na buhok sa noo niya.

Sakto lang siya.

Pag-upo ko, halos hindi ako gumalaw. Dahil isa sa ganitong sitting arrangement ang hindi ko gusto.

Ilang kasi ako sa lalaki.

Pero napatingin ako sa babaeng nakaupo sa harap ko, siya si Tricia. Pero hindi ko siya tinawag o ano man para kausapin.

Kapag din bago sa akin ang isang tao, hindi ko nailalabas ng maayos ang boses ko.

Pero mas hindi ko aasahan na makakatabi ko ang lalaking kinakainisan ko—paanong hindi maiinis, e maingay siya lagi.

Alam kong natural ang mailang kapag first day, gaya ng sabi ko, nawala ang pagiging friendly ko dahil lagi akong reject.

Dahil sa ilang, inurong ko ang upuan ko palayo pero mukhang napansin niya dahil nilingon niya ako.

“Bakit ka umurong?” Tanong niya, mahinahon at may lambing sa tinig niya.

Umiling ako, hindi siya nagsalita pero medyo nagulat ako ng mahina niya akong hilahin kaya napa-dikit ulit ako sa kan‘ya.

Tsaka siya nakipag-daldalan ulit sa mga lalaki sa likod namin.

May mga bakanteng upuan kasi do‘n at do‘n sila nag-ipon at nagdaldalan.

Hello, Mr. Seatmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon