Eyebrow
“Ito ‘yong gamit mo sa shop ni‘yo?”
Kinuha niya sa ‘kin ‘yong paper bag na hawak ko nang makalapit sa p‘westo namin. Tumango ako at hinayaan s‘yang paki-alaman ‘yon.
“Ano ‘yan?”
Nagulat ako nang kunin niya sa kamay ko ang bag na red na nilagyanan ko ng mga make-up dahil ito ang gagawin namin ngayon para sa unang araw namin sa shop.
Ang gastos din ng TVL dahil maraming kailangang bilhin at hula ko na na nakakapagod at nakakatamad ang beauty care.
Dahil nga pag-aayos sa sarili, salon, spa, manicure, haircut at hair color.
Pero ang sabi, sa ngayon massage, manicure at make-up muna raw ang gagawin dahil sa fourth year daw gagawin ang salon style.
“Make up?” Nilingon niya ako. “Magme-make up kayo?” Dagdag pa niya.
Tumango ako at ngumiti. “Try ko sa ‘yo.”
“Ha?”
Gulat ko s‘yang tiningnan, ngumiti siya at pinatong ‘yon sa arm chair.
“Marunong ako kahit lalaki ako.”
Hindi ko siya naawat nang kunin niya ang pang-kilay sa bag tsaka niya ako marahang tinulak pa-upo sa upuan ko pero kasabay rin no‘n ang pag-upo niya sa upuan sa tabi ko.
“Marunong ako ‘wag kang mag-aalala.”
Mukhang nahalata niya na kinakabahan ako, pero nawala naman ‘yon nang sabihin niya ‘yon.
Nilapit niya ang mukha niya at sinimulan na n‘yang gawin ang gusto niya.
“ ‘wag makapal a? Magsisimula pa lang kasi kami baka pagalitan ako.”
Napatawa siya at naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko na hindi ko alam kung bakit may iba akong naramdaman do‘n, pati ang pagtawa niya na nanatili pa rin sa tenga ko.
“Ayos lang ‘yan, may mga Naka make-up na rin na pupunta do‘n.” Do‘n lang ako parang nagising.
Pero tama naman siya.
Hindi kasi ako pala-ayos, hindi ako nagme-make up.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa kan‘ya at nakita ko kung gaano siya ka-focus sa pag-kikilay sa ‘kin.
Agad din akong nag-baba ng tingin dahil tumagal ang titig ko sa kan‘ya.Tama, titig, dahil para kong kinabisado ang kabuoan ng mukha niya.
Tan ang kulay ng balat niya, bilugan ang mga mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong niya at ang labi niya na hugis puso na pinkish.
Tama lang ang tangkad niya sa edad namin at kahit fourteen pa lang kami, maganda na ang pangangatawan niya.
Hindi ko talaga alam kung ilang taon na siya, basta nasabi kong fourteen dahil binase ko na lang na baka ka-edad ko lang din siya.
Pero mag-fifiteen ako sa August.
“ ‘yan, tapos na.”
Nai-angat ko ulit ang tingin sa kan‘ya, nakangiti siya habang nakangiting nakatingin sa kilay ko habang nilalagay niya ang takip ng pang-kilay.
“Bagay sa ‘yo,”
Mahina lang ang pagkakasabi no‘n na siguro hindi niya ipaparig sa ‘kin pero narinig ko pa rin. Hindi naman ako nagsalita dahil hindi ko kayang sabayan o itanong na parang gusto kong linawin niya ang sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/375986290-288-k316951.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello, Mr. Seatmate
RomanceSa bawat paaralan, may mga studyanteng hindi inaasahan na makikilala natin sa iba't-ibang pagkakataon at iba't-ibang dahilan. Si Heaven Torres ang babaeng gusto lamang na nasa sulok ngunit nagkaroon ng kulay ang tahimik n'yang buhay nang makilala an...