Paano nangyari?
Hindi ko alam.
Bakit at anong dahilan?
Hindi ko rin alam.
Basta, isang araw nakita ko na lang silang mag-kasama, laging magka-hawak ang kamay.
Si Lainer at Kristine ay mag-boyfriend-girlfriend. Nung mga sumunod, napapanisn ko na mailap si Lainer at Francis, may naganap pang role play na kung saan magka-group sila at ang scenario nila ay magka-away sila.
Hindi ko napansin na may ginawa o sinabi si Lainer pero si Francis, nang-aasar na parang nagwagi siya sa isang bagay.
Yung mga araw na inaasar ako ni Lainer, alam kong wala na sila.
Pero hindi naman kasi nagku-kwento si Kristine sa ‘min. Alam din niya na gusto ko si Francis.
Hindi rin naman siguro ako aasarin nang gano‘n ni Lainer kung may girlfriend siya.
Mabait siya, matalino at hindi maarte sa mga taong kinakasama niya. Wala rin akong nakikita na may nakakasama siyang permanente.
May nakakausap siya pero madalas sarili lang niya ang kasama niya.
Huli ko na rin‘ nalaman ang tungkol sa pagiging mag-kasinthan ni Francis at Kristine.
Syempre na-hurt ako, pero hindi ko alam kung bakit nagawa ko pa silang i-cheer.
“Ayiieee kiniss niya siya sa cheeks.” Pang-aasar ko kay Francis. Nasa likod lang nila ako nakatayo habang sila nakaupo.
Naging mailap din kami ni Francis at pinanindigan ko na ang umupo sa tabi ni Rose.
Hindi ako matalino, slow, hindi talented at parang tanga kung minsan. Pero hindi ako tanga pag-dating sa mga ganitong bagay.
Alam naman niya na gusto ko si Francis pero bakit siya pumayag na maging girlfriend niya?
Lahat nang pag-aassume ko, nawala. Nawala rin ang kasiyahan ko. Nawalan ako ng gana dahil sa nalaman at nakikita.
Siguro nga friendly lang talaga siya, sweet at gano‘n kumilos kapag napapalapit na siya sa isang tao.
Hindi na nakakapagtaka dahil maganda si Kristine, maputi, sexy at matalino rin. Matanda ako sa kan‘ya ng isang taon—pero mas lady pa siya sa ‘kin.
Fifteen to Fourteen ang edad namin, pero para akong taong grasa.
Kumbaga, hindi ako preskong tingnan.
May pagkakataon na iniiwasan ko si Francis at parang nag lie-low ako sa kan‘ya.
Ako na lang ang rerespeto sa kanila.
Siguro, nagka-gusto rin si Kristine kay Francis—o baka pumayag siya dahil gano‘n naman ang nakikita ko e.
Papayag silang makipag-relasyon kahit na hindi naman nila gusto para lang masabi na may nagkaka-gusto sa kanila.
Napansin ‘yon ni Loisa pero pinahinto ko na sila sa pang-aasar. Wala naman akong naging galit kay Kristine o ano man.
Dahil din do‘n, mas nawalan ako ng confidence. Pakiramdam ko, napaka-pangit ko.
Dahil ‘yon din ang naririnig ko sa lahat.
Hindi ako umiyak, nasaktan lang. Hehe.
Napansin ko rin ang pagiging tahimik ni Lainer, siguro dahil hindi rin niya aasahan.
Syempre, hindi naman basta-basta mawawala ang feelings o ang sakit na nararamdaman ng tao.
Bumalik ako sa tabi ni Loisa at bumalik din si Lainer sa pang-aasar sa ‘kin. Hinahayaan ko siya, dahil baka do‘n lang niya ‘yon maiibsan.
May pagkakataon pa na nahuhuli kong nakatingin sa ‘kin si Francis pero iniiwas ko ang tingin sa kan‘ya. Ayaw ko kasing makitaan niya ako ng emosyon lalo na‘t alam ko sa sarili ko na madali akong basahin.
“Ang lungkot ni payat o,” si mama,
‘yan agad ang salubong niya.
“Bakit malungkot si payat? Ni-reject ka ni Francis?”
“Anong ni-reject?”
Nakangiti lang siya habang nang-aasar. “Babae ako, hindi gawain ng babae ‘yon—tsaka hindi ko crush ‘yon.”
Hindi rin ako magugustuhan no‘n.
Hindi ako ideal girl.
“Tsaka may girlfriend na ‘yon.”
“May girlfriend na ang crush mo? Kaya naman pala malungkot si payat. Sino girlfriend niya?”
“Kaibigan ko, ‘yong babae na sinasabi mong kaibiganin ko nung enrollment.”
“Ay ‘yon? Maganda kasi siya yat—pero maganda rin ang yat ko, wala lang ayos.”
Hawak niya pa cellphone niya at vinivideo ako. “Video natin malungkot mong mukha, ano bang magandang kanta? Broken si yat.”
Kainis.
Padabog akong tumayo pero tumawa lang siya. Tawang-tawa.
Nalulungkot na nga aasarin pa.
Sinasabayan pa ng kapatid kong aning din.
Pagpasok, diretso ako sa tabi ni Loisa. Parang wala lang sa ‘kin at tumatawa pa rin, nakikipag-asaran sa kanila.
Ayaw ko s‘yang pansinin. Alam kong wala namang magagawa ‘yong feelings ko sa kanila—gusto nila ang isa‘t-isa e.
Pero ang bili namang nakalimot ni Kristine.
“Go back to your proper place.”
Napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok ang adviser namin.
First subject pala namin siya ngayon.
“Hinayaan ko kayong pumili ng upuan pero nag-ingay kayo at makulit kaya gumawa ako ng sitting arrangement, tapos hindi niyo uupuan?” Sermon niya.
“Tapos ang ingay-ingay niyo pa, kaya ko kayo inayos dahil magkakatabi ang magka-kaibigan tapos nagiging maingay, pero wala rin. Lagi kayong naririnig sa office, ako ang napapagalitan dahil sa inyo. Katabi niyo ang office, tapos labas pasok pa kayo.”
“Sa susunod na malaman ko pang wala kayo sa tamang upuan, hindi ko kayo papapasukin.”
Tahimik kaming lahat. “Balik na sa tamang upuan.”
Tsaka kami nagsi-kilos.
At parang may pumipigil sa ‘kin na umupo sa totoong upuan ko.
Pagka-upo, nasa harap lang ang tingin ko pero ramdam kong nakatingin siya sa ‘kin.
Baliw ba siya? May girlfriend na siya kaya ‘wag niya akong susulyapan.
Sandali pa nang maramdaman ang pag-ayos niya ng upo.
Nag-discuss ang teacher namin at nang matapos, gustuhin ko mang umupo sa tabi ni Loisa o ni Rose, hindi ko magawa.Tama rin naman nang pumasok ang next teacher namin.
Lumipas ang tatlong araw nang hindi na kami gano‘n na nagpapansinan.
Paasa ba siya? o ako lang ang umaasa?
Binigyan ko kasing ibig sabihin lahat. Ang lakas ko rin kasi mag-assume, imposible naman na ang katulad niya magugustuhan ako.
Lahat ng lalaking nakilala ko, mataas ang standard sa babae.
Nahihiya tuloy ako.
Hindi ko na nga gustong umuupo sa tabi niya, pero hindi na pwedeng umalis kami. Maraming beses na kaming napagalitan.
Pwede kaming lumipat pero kapag oras ng klase, dapat nasa tamang upuan kami, kahit saan pang subject.

BINABASA MO ANG
Hello, Mr. Seatmate
RomanceSa bawat paaralan, may mga studyanteng hindi inaasahan na makikilala natin sa iba't-ibang pagkakataon at iba't-ibang dahilan. Si Heaven Torres ang babaeng gusto lamang na nasa sulok ngunit nagkaroon ng kulay ang tahimik n'yang buhay nang makilala an...