Chapter 5

1 0 0
                                    

“Kilala mo pala si Ashley?” Tanong ko sa kaklase kong kilala ang crush ko.

Tumango lang siya. “Alam mo ba na crush ko ‘yon?”

Siya ‘yong babae na kaibigan ni Yona, lunch kasi at siya lang mag-isa kaya sinabayan ko na—mali pala, dahil siya ang nagtanong sa ‘kin kung kakain ba raw ako at niyaya niya akong sumabay sa kan‘ya. Sa likod kami umupo.

Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi niya kasama mga kaibigan niya pero hindi ko na ginawa.

Si Arah kasi, kasama mga kaibigan niya no‘ng grade eight kami, si May-Ann naman absent.

“Crush ko kasi si Ashley,” panimula ko.

Mabait ‘yong lalaking ‘yon, funny rin at friendly. Lahat kaming mga kaklase niya, sinusuportahan niya. Matulungin din siya at masipag maglinis, minsan inaako na lang niya ang paglilinis na kahit hindi naman kan‘ya.

Isa pa sa kinasaya ko, no‘ng i-cheer niya ako no‘ng tumula kami. Tig-tatatlong tao kasi ‘yon with costume.
Pumunta siya sa pinaka-harap at chine-cheer ako, dahil do‘n nawala ang kaba ko.

Magka-sundo rin kami pag dating sa paggawa ng activity dahil tinutulungan niya ako sa pagsagot at binibigyan niya ako ng answer.

Kapag may kulang akong letter sa word, dadagdagan niya at i-che-check.

Meron s‘yang consideration,

Minsan kasi ‘pag nagsusulat ako, kulang-kulang ang letter dahil sa pagmamadali at kung minsan kapag marami at tuloy-tuloy, hindi na napapansin at natural naman siguro na may makalimutang letter, dahil kahit libro nga may kulay rin e, sulat kamay pa kaya.

No‘ng time rin na, nagtitingin ng lecture ang teacher namin kung tapos na raw para makauwi na, pinagamit niya sa ‘kin ang notebook niya para ipakita kunwari hehe. Inuwi ko rin ‘yon kasi hindi ako tapos.

At wala naman sigurong masama na magka-crush ng isang taon ang bata sa ‘kin.

2004 siya, 2003 ako.

Hindi naman halata, dahil lalaki naman siya. Pag dating din kasi sa ganito, hindi naman mahahalata dahil iba ang bulas ng mga lalaki.

Pero, lahat nang ‘yon nawala dahil kay Francis.

Hindi ko kasi namalayan na nakatitig ako sa kan‘ya, nakaupo siya sa upuan niya habang ako nandito sa likod para kumuha ng tubig, pero hinihintay ko ang kaklase namin na matapos at habang hinihintay siya, nililibot ko ang tingin at hindi ko naman alam na sa kan‘ya na pala ako nakatingin at sobrang tagal na pala.

Nang magising ako sa paninitig sa kan‘ya, napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ko ginawa ‘yon pero kusa ko lang nailagay ang kamay sa left chest ko at ang bilis no‘n.

Hindi naman nakatingin sa ‘kin si Francis pero iniwas ko na ang tingin sa kan‘ya dahil hindi p‘wede ang nararamdaman kong ‘to.

Mabilis akong humarap sa despenser at kumuha na ng tubig, tama lang din na natapos ang kaklase ko.

Naging mabagal ang bawat hakbang ko papunta sa upuan ko at parang hindi ko siya kayang tingnan o kausapin man lang.

“Hi,” bati niya nang maramdaman ako, nakangiti rin siya pero nakaramdam na ako ng ilang. “Kamusta ang shop ni‘yo? Okay ba? Anong ginawa ni‘yo?”

Nakatingin lang ako sa kan‘ya.

Hindi p‘wede ‘to.

“Uhm... Nagkilay lang.”

“Nagkilay? Paano ‘yon hindi ba nilagyan kita?”

“Ito ‘yong pina-check namin, dinagdagan lang ni Arah.”

Tsaka siya tumawa na sinabayan ko na lang. Inasar pa niya ako na ang daya ko raw.

“Hindi a,”

“Sabihin nga kita."

“ ‘wag,”

Tumawa lang siya, alam kong biro ‘yon, hindi ko lang maiwasan na hindi matakot.

“Hindi, ito naman.”

Tumigil na rin siya nang dumating ang teacher namin, discuss lang at hindi ako maka-focus hanggang sa dumating ang uwian.

“Bye bye,” ngumiti na lang ako.

Habang naglalakad, nasa isip ko pa rin ang kanina. Ang ilang na nararamdaman ko sa kan‘ya, ‘yong bagay na parang hindi ko siya mahawakan katulad nang minsang nagawa ko sa kan‘ya dahil sa paglalaro namin, hindi ko na rin siya matingnan ng maayo at nauutal na akong kausapin siya.

“Crush ko na ba siya?”

Tumalon ako at umiling-iling nang mahina kong banggitin ‘yon na parang kusa ko na lang din‘ nasabi.

Hindi, hindi p‘wede, hindi ako p‘wedeng magka-crush sa kan‘ya, si Ashley lang.

Ayaw ko, hindi talaga p‘wede.

Kinabukasan, sobra ang kabang nararamdaman ko. Nanginginig din ako.

Hindi naman ganito ang naramdaman ko kay Ashley nang magka-crush sa kan‘ya.

Bakit? Anong meron kay Francis?

Nakitang kong wala pa siya, nakahinga ako ng maluwang dahil hindi ko na gustong siya ang nauuna sa ‘kin.

Kaya sa t‘wing pumapasok ako, inaagahan ko na, pero may pagkakataon pa rin talaga na siya ang nauuna at habang tumatagal, mas lalo akong nagkaka-crush sa kan‘ya. Pero...

Gusto na ang nararamdaman ko sa kan‘ya.

At hindi ko rin naman namalayang, hinayaan ko na, hinayaan ko na ang sarili kong maramdaman ‘to sa kan‘ya.

Kasabay rin no‘n ang pagiging komportable niya sa ‘kin, lagi niya akong inasar at minsan napipikon na ako.

Aaminin kong gusto ko ang pang-aasar niya, pero naiinis na ako—o dahil sa ayaw kong malaman niya na gusto ko siya.

Nagsisimba pa rin kami at laging nagngingitian kapag nagtatama ang mga mata namin.

“Crush mo ‘no?” Saad ni mama nang i-add friend ko siya at in-accept niya.

Hinart ko pa nah profile niya na naka-white shirt siya at naka-pogi sign.

“Hindi,”

“Bakit excited na excited ka?”

Oo, hindi ko naitago ang emosyon nang makitang dumaan ang picture niya sa feed ko.

Isang cellphone lang kasi ang gamit namin, kaya share share kami at si mama ang gumagamit ng account ko dahil mahilig mag-selfie at ako ang model niya kuno.

Dumating ang birthday ko at fifteen na ako, nagkatuwaan kami nina Arah sa bahay namin. Simple lang ang handa na meron na karaniwang hinahanda ng mga mahihirap. Nag-picture at ayon, upload sa facebook.

“Birthday mo kahapon, hindi mo ako inin-vite.”

Salubong ni Francis.

Nakita niya ba post namin?

Bigla, nakaramdam ako ng panghihinayang na oo nga, bakit hindi ko siya sinama, dahil close na rin naman kami.

Gusto kong ibalik ang oras at kung magkataon man, siya pa lang ang unang lalaking mapapa-punta ko sa bahay.

At hindi ko rin alam na tapos na pala ang birthday niya, no‘ng June pa at pareho kami ng edad.

So matanda siya sa ‘kin ng dalawang buwan.

Sa simpleng bagay lang na nalaman ang birthday niya, ay masaya na ako.

Hello, Mr. Seatmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon