Prologue

7 0 0
                                    

A/N: Short Prologue Intended

--

Nasa coffee shop ako nagbabasa, nagbabasa ng mga nobela na ngayon lang ako nagkaroon.

Ang uminom ng mainit na kape habang dinadama ang lamig ng aircon at ang pagiging mag-isa sa shop na ito ay masaya, ngunit nakuha ng atensyon ko ang mga taong naglalakad at naglalaro sa labas.

May magka-kaibigan, mag-pamilya at mag-kasinthaan.

Nakangiti ko silang pinapanood pero napunta ang tingin ko sa apat na lalaki at tatlong babae na inaasar ang isang babae at lalaki na sa tingin ko magka-kaibigan sila.

Hindi ko man naririnig pero nakikita sa kilos nila. Hindi ko inalis ang tingin sa kanila hanggang sa umalis silang nagtatakbuhan.

Kusa akong napangiti—ngiti na may kasamang lungkot at ngiti na may inaalala.

Habang pinapanood sila kanina, sumabay ang ala-ala sa kan‘ya.

May mga naging close din akong lalaki pero iba ang sa kan‘ya.

Sa kan‘ya ko lang kasi naramdaman ang lahat.

Siya lang ang nadidikitan ko, nakaka-asaran, nakaka-kulitan at siya lang din ang hinangaan ko nang ganito.

Ilang taon na nga ba?

I‘ve been liking him for seven years.

You read it right?

Seven years, sinong mag-aakala na aabutin nang ganito ka-tagal ang pagka-gusto sa kan‘ya. Even my bestfriends, hindi sila makapaniwala.

Sinasabi nila sa akin na kalimutan na siya at sumubok sa iba—ang sabi ko, hindi naman ‘yan bagay lang na kapag hindi mo nakukuha, hahanap ka na lang ng iba.

Mas maganda pa rin na makalimutan siya nang hindi inaasahan at walang p‘wersahan.

Dahil minsan, sa kakapilit na kalimutan ang isang tao, lalo mo lang hinahanap ang presensya niya.

Aaminin ko, miss ko siya, miss na miss ko siya.

Ang huling kita ko sa kan‘ya, no‘ng nasa fourth year high school kami at umabot ng pitong taon na hindi pa siya ulit nakikita.

Siguro, hinahanda pa lang ako kung sakali man na makita siya ulit.

Dahil, aaminin kong hindi pa ako handa na makita siya. Hindi pa ngayon, hindi pa sa araw na parang may kulang pa sa ‘kin.

Alam kong wala akong karapatan na sabihin ang mga ‘to o mag-kwento nang ganito dahil may mga bagay pa kaming hindi napapagkaka-intindihan.

Confuse kami pareho sa isa‘t-isa, pero mas nalilito ako kan‘ya.

I still remember when he asked me if I liked him and here is my answer,...

Hello, Mr. Seatmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon