It all started that Monday...
MAGULO.
Wala na yatang ibang salitang maaring magbigay ng deskripsyon sa loob ng classroom nila, kundi magulo. It was a typical day, kahit pa sabihing iyon ang unang araw ng klase nila bilang fourth year high school students ay parang walang nagbago sa kanilang klase. Ganoon pa rin naman kasi ang mga taong nakikita ni Gary at walang nabawas o nadagdag man lang sa kanila. In short, wala talaga iyong pinagkaiba sa tipikal na araw.
Kanya kanyang usapan ang mga grupo sa loob ng klase. Malamang ay nagtatanong kung saan sila nagpunta noong bakasyon, saan nabili ang bagong bag, nagbreak o nagkaroon ng bagong boyfriend at girlfriend. Gary could almost imagine every typical story that was circling around the room. Ganoon naman silang mga teen-ager, hindi ba?
Naramdaman ni Gary ang pagtapik sa kanya ng isa mga kaibigan niya sa kanyang noo. Si Jaeson. Sa grupo nila, ito ang pinakamadaldal. May hula siyang gusto nitong maging isang host balang araw—na talagang pasado naman dahil bagay na bagay iyon dito.
Nilingon niya ito, "oh?"
Sa gulat niya, nagtawanan ang mga kaibigan niya noong lumingon siya sa mga ito. Napakunot noo siya. Anong pinagtatawanan ng mga ugok na ito? Sigurado siyang may ginawa na namang kalokohan ang mga ito.
Tinignan niya ang mga kasama sa grupo nila. Bukod kay Jaeson, may apat silang kasama Si Jin ang pinakamatanda sa kanila. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanila dahil huminto ito ng pag-aaral. Ngunit sa kabila niyon ay nakakasabay pa rin si Jin sa mga trip nila at sobrang cool nitong kasama. Nariyan din si Haha, ang kaibigan nilang ito ay mahilig umarte bilang isang kontrabida with matching evil laugh, kaya naman iyon ang naging palayaw nito. Si Kookie naman, sa edad nilang kinse ay buff na buff na at hindi na bagay dito ang palayaw nitong Kookie. May-ari kasi ang pamilya nito ng gym kaya hindi na iyon kataka-taka. And then, there's Kwang, na pinakamatangkad at may pinakakaibang pangalan sa kanilang lahat. Nagkamali daw ang papa nito sa pagsulat ng pangalan nito sa birth certificate dahil lasing ito noong ipanganak siya dala ng sobrang kaba. Si Kwang din ang pinakabata sa kanilang lahat kaya naman laging ito ang napagti-tripan at nauutusan.
Siya naman si Gary. The peaceful Gary as his friends call him. Masasabi niyang walang unique sa kanya, in fact, isa siya sa mga taong kapag nilagay mo sa isang tumpok ng tao ay hindi mo mapapansin dahil sa sobrang ordinary niya.
Habang pinagmamasdan ang mga kaibigan niya, gusto niyang mapailing. Magkakaiba sila ng mga personalidad, pero nagsama sama sila. Bakit nga ba? Paano nga ba niya naging kaibigan ang mga ito?
Naisip niya na kaya siguro siya naririto sa grupo ay dahil para siyang neutral ground. He was typical, parang toner sa grupo nila.
Hindi na siya nakatiis dahil hanggang ngayon, nagtatawanan pa rin ang grupo nila kaya naman sinita na niya ang mga kaibigan. "Anong meron?" Ngunit muli, tanging nakakainis na tawa lamang ang isinagot sa kanya ng mga kaibigan niya.
Handa na sana niyang muling pagsalitaan ang mga ito para sawayin ng makita niya ang isang hindi pamilyar na bulto na lumapit sa kinaroroonan nila. Awtomatikong bumaling ang buong paningin niya sa papalapit na babaeng mukhang angry bird. Iyon agad ag unang pumasok sa isip niya dahil nakapamewang ito at parang handang sumugod sa giyera anumang oras—kagaya ng mga angry bird sa sikat na app.
Huminto ang tawanan. Lumingon din ang mga kaibigan niya sa bagong na dating na noon ay nakatingin sa direksyon niya. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ni Gary habang nakatingin dito. Magulo ang mahaba at itim na itim nitong buhok at nakasuot ito ng snap back ng pabaliktad.
BINABASA MO ANG
Monday Couple [ COMPLETE ]
FanfictionPlain and ordinary, iyon si Gary para kay Ji Hyo. Weird but cute, iyon naman si Ji Hyo para kay Gary. Kapag pinagsama silang dalawa, Monday Couple ang tawag sa kanila. Pero sa couple na iyon, isa lang ang sigurado sa feelings niya-si...