CHAPTER THREE: RUNNING MEN

4.8K 59 2
                                    

DAHIL nalalapit na nag intramurals ng kanilang university, abalang abala ang mga adviser sa pagmamando sa mga estudyante kung ano ang dapat gawin. Ang mga club naman, kanya kanya ng mga pakulo para magkaroon ng income genereating projects.

Taon taon, ang intrams ang pinahihintay na event sa buong university dahil iyon lang ang hindi pinaka boring. Hindi kagaya ng buwan ng wika na kailangan formal, pwedeng mag-ingay hangga't gusto mo. Hindi kagaya ng united nations na kailangan naka-custome ng iba't ibang bansa, kahit jersey pambasket-ball lang, ayos na. At kahit buong araw kang nakababad sa araw at magtiis sa init ay ayos lang dahil enjoy ang mga palarong hinahanda ng mga admin para sa bawat estudyante.

At hindi sa pagmamayabang, pero ang grupo nila Gary ang palaging nanalo mula pa noong first year sila sa amazing mission race na ginawa ng admin. It has become their group's yearly tradition to join in the game to defend their rightful place.

At syempre, iyon muli ang balak nila ngayong taon. Nakatingin silang lahat sa bulletin board habang ineexamine ang mga requirements ng palaro ng taon na iyon.

Nag-unat si Kookie nang makita nito ang poster. "Eksakto sa'tin to ah?"

Inayos muna ni Jin ang suot nitong salamin. "Dati, namumreblema tayo kung saan tayo hahanap ng ika-pitong ka-grupo, ngayon hindi na. Nandyan na si Ji Hyo eh."

Speak of the devil and she will come. Dahil bago pa man may makapagreact sa kanilang anim ay bigla nalang sumulpot si Ji Hyo, sporting her usual uncombed hair, new hat and orange colored nails. Parang ponkan.

"uy, anong meron?"

Tiningnan ni Gary si Ji Hyo nang maigi. Isang linggo na mula noong sabay silang umuwi ng dalaga pero parang hanggang ngayon, hindi siya makapaniwalang sinabi niya dito ang pinakamahalagang na yatang parte ng pagkatao niya. Ang pagsusulat ng kanta.

Lingid sa kaalaman ng iba, pangarap niyang maging isang rapper kaya naman palagi siyang napapaisip ng mga linya na maaaring gawing kanta. For him, rappers were more than just noisy people who blurts out words simultaneously, they were modern poetic writers. Isa pa, mas sincere at mas damang dama ang mga salitang sinasabi ng mga rappers. Kung pakikinggan at iintiindihan lamang ng mga tao ang mga rap na kanta, malalaman nilang magaganda ang mga lyrics ng kantang sinasabi nilang ingay lang.

But Ji Hyo saw through it. Sabi pa sa kanya ng dalaga, ipagpatuloy niya ang ginagawa niya at balang araw daw, ito ang magiging number one fan niya. Napangiti siya, tatandaan niya iyon.

"Sasali tayo sa amazing mission race," sabi ni Jaeson kay Ji Hyo at kasunod niyon ay ipinaliwanag ng kaibigan niya ang tungkol sa palarong iyon.

Habang nakiking siya sa usapan ng dalawa, parang nakasunod lang ang tingin niya sa bawat galaw ni Ji Hyo. Ang kibot ng labi, ang pagkagat nito sa kuko nito, ang pagpikit nito at pagtaas ng kilay. Napakaliit na bagay kung tutuusin pero bakit parang napakalaki ng epekto niyon sa kanya? O mas tamang sabihin, sa puso niya. He can hear his heart beating loudly in his own chest because of her little movements. At kung noon, napapatitig na lamang siya dito, ngayon bawat galaw nito ay parang gusto niyag kabisaduhin.

Nababaliw na yata siya para mag-isip ng mga ganoong bagay. Pero may isa pang bagay siyang naisip nang biglang lumingon sa kanya si Ji Hyo. She was imperfectly perfect and it made her perfect in his eyes.

In his head, words started to flood.

Angganda niya ay hindi inaakala ng iba. Ang ganda niya hindi kagaya ng iba. Hindiperpekto, ngunit nakakamagneto. At bawat tibok ng puso ko'y para na sa iyo. 

Monday Couple [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon