ONE YEAR after leaving the entertainment industry in South Korea and finally settling down with Gary, Ji Hyo never really thought she'd be able to find her way back into the lime light...or well, behind those blinding lights and flashes of the camera.
Months ago, hindi niya akalain na ang pakikipagkita niya sa mga kurim—kaibigan or colleague niya (iniiwasan na niyang tawaging kurimaw ang mga kaibigan niya dahil pabiro siyang sinita ng mga ito. According to them, they are all professionals now at dapat daw ay maging tawagan nila ay ganoon din. But either way, they still permit her to call them whichever she wanted--it's the free ticket she has for being their childhood friend) ay bubukas ang isang pinto sa isang daan na hindi niya akalain ay tatahakin niya.
During their usual get together, nakilala niya ang asawa ni Jaeson na si Carmi. Isa sa mga kilalang screen writer sa pelikula sa isang production company si Carmi. They were introduced to each other, and soon thereafter, Ji Hyo just found herself being dragged towards workshops and brainstorms for screen writing.
At ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang nagkakaroon na sila ng final meetings bago magsimula ang shooting para sa pelikulang isinulat niya...or well, co-writer siya. Carmi, spearheaded the whole process of the story production and she is so grateful to be able to fly under her guidance.
"Nervous?"
Napalingon si Ji Hyo nang maramdaman niya ang pagtapik ni Carmi sa balikat niya saka siya tinabihan sa upuan. Tumango siya dito bilang sagot. "Sobra."
"That's a good sign. Mas mabuti nang kinakabahan ka kaysa hindi. That kind of nervousness is the kind that you will miss every time you finish a project," may ningning sa matang sabi nito sa kanya. "Anyway, this will be the first of the busiest days that we will have, kaya you better prepare yourself." She gave her a reassuring smile.
Not long after, pumasok na ang kanilang director at mga artista. Mahabang proseso ng meeting ang nangyari sa mga sumunod na oras, ngunit ng lahat ng iyon ay hindi namalayan ni Ji Hyo dahil pakiramdam niya, nasa cloud nine parin siya habang nagdidiskurso sila sa magiging kabuuan ng pelikula.
There were a lot of changes and other last minute revisions kaya nagulat siya nang tingnan niya ang ang kanyang pambisig na relo. Alas-kwatro na ng umaga. That meeting started at 2PM, which was aligned and ideal time for their artists and directors.
Nang makalabas sila ng meeting room ay tinanong siya ni Carmi kung sasabay ba siya dito pauwi ngunit umiling siya. Sinabi ni Gary na naghihintay ito sa kanya kanina at malamang ay natutulog na naman ang asawa niya sa kotse—which actually happened a lot of times.
Sa mga unang beses na nagme-meeting sila ni Carmi, palagi niyang sinasabi kay Gary na huwag na siya nitong sunduin dahil hindi niya alam kung anong oras matatapos iyon. But he was persistent in doing so, dahil anito, "mas mabuting sinusundo kita, lalo at hindi mo alam kung anong oras ka uuwi. I'd rather wait for my wife than let her go home alone in the wee hours of the morning."
Oh, how she really loved her husband. Sa totoo lang noong una, hesitant pa siya sa ginagawa niyang trabaho ngayon, ngunit si Gary ang numero unong nag-pu-push sa kanya na gawin niya ito. Apparently, Gary can see right through her. Alam nitong na-eenjoy niya ang ginagawa, bago pa man niya mapagtanto iyon sa sarili.
She went out of the lobby and smiled to herself as her heart seemed to have melted right in front of her. Hindi natutulog ngayon sa kotse ang asawa niya, sa halip ay naroroon ito ngayon sa pang-isahang sofa mukhang mahimbing nang nakatulog kanina pa.
May suot itong headset at marahil ay nakatulugan nito ang pakikinig ng kanta. Nilapitan niya si Gary at dahan-dahan niyang tinanggal ang headset nito. Her gesture made him open his eyes and wake up. Napangiti si Ji Hyo nang diretsong tumitig si Gary sa kanya na tila ba nadis-oriented pa ito at hindi alam kung anong nangyayari.
BINABASA MO ANG
Monday Couple [ COMPLETE ]
FanfictionPlain and ordinary, iyon si Gary para kay Ji Hyo. Weird but cute, iyon naman si Ji Hyo para kay Gary. Kapag pinagsama silang dalawa, Monday Couple ang tawag sa kanila. Pero sa couple na iyon, isa lang ang sigurado sa feelings niya-si...