CHAPTER SIX: THE CONFESSION

3.1K 50 0
                                    

WALANG balak na pumunta si Ji Hyo sa play ground nila ni Gary noong gabing iyon dahil hanggang ngayon, sinusubukan niyang iwasan ang kakaibang pakiramdam na hatid ng titig ng binata sa kanya.

Pero biglang tumunog ang telepono habang nasa sala siya. Noong una, nag-alangan siya ngunit kapagkuwan ay kinuha niya awditibo para sagutin ang tawag. Bago pa siya makapagsalita ay narinig niya ang boses ng ina mula telepono.

"Anong kailangan mo?"

"I want you to know that the case for Ji Hyo's custody is about to be finished."

Napalunok si Ji Hyo nang marinig niya nag boses ng kanyang papa. Marahil ay sinagot ng kanyang mama ang telepono mula sa ikalawang palapag ng bahay nila. Kinastigo niya ang sarili. Dapat nang tumunog ang telepono, hindi na siya nagtangkang sagutin iyon dahil dalawampung porsiyento mula sa isang daan ang tsansang maaring ang papa niya iyon.

At ngayon nga yatang minamalas na siya, ang dalawampung porsiyento na iyon ang nangyari. Gusto niyang ibaba ang telepono dahil ayaw niyang marinig ang mga susunod na sasabihin ng ama. Pero bawat salitang binigkas nito ay malinaw niyang narinig at hindi niya mautusan ang kanyang katawan na sumunod sa gusto niya.

"Hindi mo makukuha sa'kin ang anak ko!" Sigaw ng kanyang mama. "Hindi ako papayag na makuha mo si Ji Hyo!"

"Tell that to the judge." sagot ng ama. "You don't have any job and you can't even provide her basic needs. I can guarantee you, she's going to be mine."

Ang atungal ng kanyang mama ang sunod niyang narinig. Hindi sinasadya niyang nabitawan ang hawak na telepono. Parang hirap na hirap ang isip niyang iproseso ang mga narinig, ngunit kasabay niyon ay biglang nag flash sa isip niya ang mga maaaring mangyari sa kanya sa mga susunod na araw.

Aalis siya, hindi para tumakas para muling mapunta sa isang kulungan—sa pugad ng ama sa ibang bansa. Malayo sa mama niya, malayo sa mga kaibigan niya, malayo kay Ga—umiling siya para supilin ang isiping iyon.

She felt bile rising in her throat making her eyes water. Water? It was tears. Hindi niya namalayaang umiiyak na siya bago pa siya umalis ng bahay. Wala siyang partikular na direksyong pupuntahan, pero parang alam ng mga paa niya kung saan sila pupunta.

And when she saw him there, carrying a blanket and glistening chinky eyes, her tear ducts started producing more tears. Pero hindi niya alam na dahil sa more tears na iyon, biglang nawala ang tamang kakahayaan niyang mag-isip. As her tears flow freely, emotions started to swirl inside her. Hindi na niya kaya ang sari-saring emosyon na iyon dahilan para hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili na tumakbo papalapit sa binatang handa siyang yakapin.

Pero imbis na yakapin ito, ginawa niya ang idinidikta ng kanyang katawan at hindi nagawang kontrahin ng kanyang isip.

She kissed Gary. Hindi butterfly kiss, hindi smack at lalong hindi French kiss. Hindi niya mabigyan ng tamang tawag ang halik na iyon dahil parang walang tamang salita ang nababagay roon. Nang maramdaman niya ang mainit na labi ni gary sa labi niya, pakiramdam niya, pinawi nito ang lahat ng sakit, lahat ng ingay at pinalitan ng kaligayahan at kapayapaan.

Gary was her perfect little piece of peace in this chaotic world.

Naramdaman niyang bahagya siyang tinutulak ni Gary, pero hindi pumayag at ni hindi siya bumitaw. Lalo niyang diniin ang paghalik dito. Wala siyang alam sa pakikipaghalikan dahil bukod sa iyon ang first kiss niya wala siyang hilig sa romance kaya naman hindi niya alam kung paano bibigyan ng description kung paano ang ginagawang paghalik niya. Pero ang alam lang niya, ang halik ni Gary ay nagbibigay ng kapayapaan sa kanya. Kahit sandali lang gary, please. Sandaling kapayapaan lang.

Monday Couple [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon