CHAPTER ELEVEN: Monday Couple, Yeongweonhi

3.5K 54 4
                                    


NAGDILAT ng kanyang mga mata si Ji Hyo at ang sumalubong sa kanya ang kulay puting kisame ng kanyang kwarto. Maaaga silang nakabalik ni Gary sa bahay nila. Nang ihatid siya ni Gary sa pinto kanina, pakiramdam niya parang ayaw bitawan ng binata ang kanyang kamay.

Kung siya lang ang tatanungin, ayaw rin niyang gawin iyon. Pero wala na sila sa sarili nilang mundo at sa mundong ito, mayroong Kang Joon na kailangan siyang harapin. Her reality.

Bumangon siya sa kanyang kama. Pakiramdam niya para siyang bumangon mula sa isang panaginip. Paglabas niya ng kanyang kwarto ay una niyang hinanap ang kanyang mama na nakita naman niya sa kusina

"Ma," pagtawag niya dito. Pagdating nya kanina, nakita niyag panatag ang itsura nito at parang hindi ito nagtataka na hindi siya umuwi. May duda siyang si Gary ang may kagagawan kaya ganoon ang kanyang mama.

"Mabuti gising ka na," sabi nito sa kanya habang naguhuhugas ito ng kamay. "Labasin mo nga si Kang Joon. Kanina pa 'yan nangungulit at nagtatanong kung nasaan ka na daw."

"Ha?" Sinilip niya ang sala nila ngunit wala doon ang binata. Namataan niyang bukas ang main door kaya marahil nasa labas ito. "Hindi nyo sinabing nandito na ako?"

"Hindi," simpleng sabi ng mama niya. "Bahala siyang maghanap kung nasaan ka 'no."

Tiningnan niya ang kanyang mama. Ngayon niya narealize kung bakit madalas, iniimisran nito si Kang Joon at may mga pagkakataong parang binabalewala lamang nito ang binata. Her mother doesn't like Kang Joon the way she likes Gary. Nang makita kasi nito ang binata kanina nang ihatid siya ay pinapasok pa ito ng ina at inalok na kumain. Nakangiti rin ito sa binata.

"Ma..." aniya sa tonong tila nakikiusap. "Be nice to Kang Joon."

"Nice naman ako ah," pangmamaang-maangan nito. "pero mas gusto ko si Gary."

Sinasabi na nga ba niya. "Ma, ikakasal na kami ni kang joon at walang namamagitan sa amin ni Gary." Sino nagsabing madaling sabihin ang isang bagay na totoo? Mali ito. Maling mali.

"Oo na. Wala naman akong sinasabi ah?" sabi ng mama niya at tinalikuran siya. Umiiling na pinuntahan nalang niya si Kang Joon para komprontahin ito. Marami silang kailangan pag-usapan ng binata.

Nakita niyang nakatayo si Kang Joon malapit sa gate nila. Pero nakatalikod ito at mukhang may kausap sa telephono kaya hindi siya nito nakikita.

"Hindi pa rin nga siya umuuwi o nakikita kung nasaan," sabi ng binata sa kausap nito sa telepono. "So I have to stay here hangga't magkaroon ng balita sa kanya." Gusto niyang mapalunok dahil sa guilt. Nag-aalala sa kanya ang binata.

Akmang lalapitan na niya ang binata nang muli niya itong marinig na magsalita. "You know I can't break up with Ji Hyo. Siya ang dahilan ng pag-angat ng career ko sa Korea. And I still need her to gain publicity and popularity. Lalo pa ngayon na malapit na ang kasal."

Parang nanigas sa kinatatayuan si Ji Hyo nang marinig niya ang mga sinabi ni Kang Joon. Tama ba ang narinig niya? Ginamit lang siya nito para sa kasikatan? Parang hindi siya makapaniwala roon.

"Of course, hindi totoo ang kasal! It's just for show! How can I marry her kung ikaw ina ng anak ko?"

Nanlaki ang mata niya sa huling narinig mula sa binata at hindi niya alam kung anong dapat niyang maging reaksyon sa mga narinig. Pero ang isip niya, abala sa pagtatagni-tagni ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ng binata sa mga nakalipas na taon.

Ang pagbabalik balik nito sa pilipinas, ang palagi nitong pagkakaroon ng karelasyon na sa tingin niya ay isang babae lang at ang hindi nito pag-alis sa tabi niya.

Monday Couple [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon